Kinabukasan ay naabutan ni Fiel na nagkakape si Aurora sa may kusina. Busy ito sa pagbabasa kaya ‘di yata siya nito napansin. Tulad ng nakagawian ay nakatitig lang siya sa dalaga sa tuwing ‘di siya nito napapansin. Dahil sa akala ng binata na hindi aware ang dalaga sa presensya niya ay nagulat siya nang nagsalita ito. “Hmm, doc…kung tititigan mo lang ako maghapon, ok ‘yan sa akin.” Humarap ito sa gawi niya at ngumiti. “Breakfast ka na, doc.” “Tapos na, actually kanina pa. May cupcakes diyan sa ref, ah.” “Ganon ba? Hindi ko alam, ‘di pa kasi ako nagbubukas ng ref. Na-miss ko kasing magkape.” Akmang tatayo ito kaya pinigilan niya na. “Let me serve you. Umupo ka lang dyan, ako na ang bahala,” presinta ng binata sabay kuha ng pagkain sa ref. “Here, kumain ka nang mabuti… tama n

