"OMG" napahawak ako sa gilid ng lababo dahil sa gulat. Kailangan ko ng suporta dahil pakiramdam ko ay babagsak ako anytime dahil sa panghihina ng mga tuhod ko.
"Yanna are you okay? Male-late na tayo sa grad ball." Rinig ko ang boses ni Cherry mula sa labas ng bathroom ko.
"W-wait! Saglit lang!"sigaw ko sakanila mula sa loob ng bathroom.
Positive.
Buntis ako?
Paano nangyari 'to?! I mean- alam ko kung paano nangyari 'to but, I'm still not prepared!
Anong gagawin ko? Kaya naman namin ni Louie, and in fact sobrang boto ang parents niya. Pero ako? Ayaw ko pa talaga ng bata!
"Huy, bakit ba ang tagal mo sa loob? May mall ba jan?" Sumilip pa si Cherry nang bahagya sa loob ng bathroom pero agad ko 'yong sinara dahil ayaw kong makita niya yung P.T na nasa gilid lang.
"Medyo masakit lang yung tiyan ko. By the way, asan na yung sundo natin?" Tanong ko kay Cherry. Si Ashton kasi ang nakatoka sa pagsundo sa amin dito since may plans yung dalawang gentleman.
"Wala tayong maasahan kay Ashton. Mag-commute nalang tayo!" Halatang inis na sagot ni Cherry sa akin
"Luh? May LQ ba kayo?" Usisa ko.
"Ah basta! Pwede bang i-contact mo nalang si Louie? Siya nalang mag-pickup sa atin."
"Okay... I'll try pero baka kanina pa 'yon nandon kasi isa siya sa mga magbibigay ng speech. Alam mo na, Valedictorian feels." Sagot ko.
"Uhm Devone, how about Travis?" Baling ko kay Devone na nakatulala sa sulok. Hindi niya ata ako narinig kaya tinawag naman siya ni Cherry
"Hello? Earth to Devone?" Lumingon si Devone mula sa pagi-space out.
"Ha?" Tanong neto.
"Ha? Ano bang iniisip mo? Kanina ka pa tahimik ah, pansin ko lang." Naupo si Cherry sa kama, sa mismong tabi ni Devone.
Umiling iling lang si Devone "Sorry, medyo pagod lang. Atsaka, di ako komportable sa mga ganitong gowns."
"Yun lang ba? Eh sobrang ganda mo kaya today! Dinaig mo pa kami ni Yanna oh. For sure, kapag nakita ka ni Travis, maglalaway 'yon agad. Kaya dali, tawagan mo na para masundo na rin tayo ngayon."
Ngumiwi lang si Devone, she looks unconvinced and uncomfy sa suot niyang purple, backless satin dress-gown. If that makes sense.
Dinial na niya ang number ni Travis, but unfortunately nasa venue na rin ito kasama ni Louie.
"Oh em gee. So paano na tayo?" Himutok ni Cherry.
"Shall we take a cab nalang?" Asked Devone.
"Cab? Hello?! We're wearing gowns tapos magka-cab lang tayo? Baka pagtawanan tayo ng mga chismosa at feeling nating classmates pagkababa natin. Sabihin nila, cheap tayo.”
“Ha? Ano naman masama sa pagte-take ng cab? Bakit cheap?” Cherry and I both looked at Devone. She sounded so agitated.
“I mean hindi naman sa ganon but, alam mo naman napakaraming judgemental sa batch natin di’ba? Atsaka ang init kaya ng mata nila sa ating tatlo kasi puro sikat yung mga partners natin.” Pag-defend ni Cherry.
“Tapos? Porket sikat bawal nang magkaroon ng jowa na mahirap? Simple? Sumasakay sa cab? Dapat mayaman? Yung kalevel lang nila ganon ba?”
“Devone okay ka lang ba? Masiyado ka atang defensive? Kailan ka pa naging defender ng mga poor? Eh lavish rin naman ang lifestyle mo ha.”
“Hala... Guys kalma la---”
“Ang sa akin lang, palitan mo yang mindset mo kasi ang pangit mo mag-isip!”
“Aba! Kung mainit ang ulo mo, ‘wag ako ang pagdiskitahan mo dahil hindi rin maganda ang mood ko! Hindi ako shock protector mo ha!”
“HEY!” sasagot pa sana si Devone pero napatigil silang dalawa nang tinaas ko na ang boses ko “You guys, can we just take my car? Ako na ang magda-drive kung wala kayo sa mood.” tanong ko nang mahinahon.
“Fine/Whatever” sabay pa nilang sagot. Nagkatinginan pa sila bago umirap sa isa’t-isa at magkalayong naglakad palabas ng kwarto ko.
“God, how am I supposed to open up when they’re acting like this?” bulong ko sa sarili nang makaalis silang dalawa
“OH EM GEE! Yanna ano ba?!” Sinigawan ako ni Cherry right after I hit the brakes without a warning
“Sigurado ka ba na pumasa ka sa theoretical sa driving school? Isn’t it proper manners na sabihan ang kasama mo sa car na pepreno ka?” dagdag pa nito.
“Sorry na! Akala ko kasi mago-overtake yung nasa kabilang lane kaya pumreno ako agad.” Sagot ko. Siguro instinct ko na rin, pero sa di malamang dahilan ay agad kong hinawakan ang tiyan ko.
“Goodness! Masiyado kang nerbyosa, nagkape ka ba kanina?”
“Ang dami mong salita, kung ikaw nalang kaya mag-drive. Tutal ikaw naman pinakamagaling di’ba?” Devone murmured. Pareho silang nakaupo sa likod pero may napakalaking puwang sa gitna nilang dalawa.
“Anong pinagsasabi mo ‘jan? Pwede bang manahimik ka na lang?” sagot ni Cherry.
“Kanina ka pa eh. Kung makapagsalita ka ‘jan kala mo ikaw ang boss. Wala kang karapatang pagtaasan kaming dalawa ng boses ha!”
“Aba! Tignan mo kung sino ang nagtataas ng boses sa ating dalawa. Ako ba ha?! Ako ba?!”
“Oh tignan mo! Ayan oh nagsisisigaw ka nanaman ‘jan nang walang dahilan! Kung may away kayo ni Ashton wag kami ang pinagbabalingan mo sa init ng ulo mo ha!”
“Guys please…”
“Oh my God Devone! Naririnig mo ba ‘yang mga sinasabi mo? Ikaw nga ‘tong walang sense kausap eh! And I’m not mad at your for no reason! You were being a total b***h kanina so what do you expect me to do?”
I sighed. Napakamot nalang ako sa ulo dahil sa stress sa kanila.
Mukhang wala akong masasabi para mapatigil silang dalawa. Minsan lang kasing mag-argue yang dalawang ‘yan pero sa minsan na ‘yon, mahirap talaga silang awatin.
Itinaas ko nalang ang volume ng music sa loob ng sasakyan at nag-focus sa pagdadrive. Hindi rin ata napansin nung dalawa yung music dahil patuloy sila sa pagsisigawan hanggang sa nakarating na kami sa venue.
Pagkatigil ng sasakyan, they separately bid their byes at me at nagkani-kaniya na. Naiwan akong mag-isa sa sasakyan habang nakadantay ang ulo sa steering wheel.
“God, I’m already exhausted.” Bulong ko sa sarili.
Hindi nagtagal ay may narinig akong kumakatok sa bintana. I was so happy that it’s Louie. I unlocked the door at naupo siya sa tabi ko.
“Wow, my honeybunch looks so stunning.” I pouted before hugging him.
“Are you okay?” tanong niya nang marinig niya akong bumuntong hininga.
“Yes, just tired.”
“Hindi pa nga nagsisimula yung event pagod ka na?” tanong niya habang nakayakap parin kaming dalawa.
“Hah, kung alam mo lang. Nag-aaway yung dalawa all the way here. Sobrang nai-stress ako kanina.”
“Ah, kaya pala magkalayo sila ng table sa loob.” Patango tango si Louie.
“By the way,” I pulled away a little from the hug. “Are you okay? How are you feeling?”
“Medyo kinakabahan, pero okay lang naman ako. Besides hindi naman ito yung first time na magi-speech ako eh. Mas malala pa nga nung grad natin kasi mas madaming tao kesa ngayon na tayo tayo lang.”
I smiled before brushing his hair using my fingers “Galing naman ng valedictorian ko.”
“Oo naman, ako pa.” he smiled too.
“Ah before I forget… I have something to tell you.” Wala namang mali kung sasabihin ko sakaniya di’ba? Besides, alam ko namang magugustuhan niya kung ibabalita ko na magiging tatay na siya.
“Sure, go— patay. Magsisimula na ata yung program. Ang paalam ko kasi saglit lang ako, tara muna sa loob?” tanong niya sa akin nang makita na tumatawag si Mrs. Romero sa phone niya.
I faked a smile, pero hindi ko pinahalata. “Sure Love.”
Wrong timing.
I had to sit somewhere without Devone and Cherry dahil pakiramdam ko, need nilang dalawa ng space. Pati na rin ako. Dahil ayaw kong ma-stress nang bongga.
“Uy hello Yanna, bakit magkahiwalay kayong tatlo?” ngumuso si Zia kela Cherry at Devone na nasa magkaibang table bago naupo sa tabi ko.
“Ah, nagsawa na kasi kami sa isa’t-isa kaya hiwalay muna” pabiro kong tugon.
“Ikaw? Bakit hindi mo kasama si Chandria?” – ang bestfriend niya.
“Ah ‘yon? Mahuhuli daw siya nang konti kasi---”
“Kasama niya si Sir ‘no?” It was Nathalie, Sofia and Vanica who cut Zia from talking. Ang mga feeling It-girls ng batch na wala namang ibang alam gawin kundi magpaganda lang.
Naupo si lang tatlo sa harap namin ni Zia, naka-cross pa ang mga arms sa harap ng mga dibdib nila. I just stared at them in disbelief. Masiyado silang usyusera.
“What?” Sofia asked us while raising her brows.
“Ano bang pinagsasabi niyo ‘jan? May proof ba kayo na magkasama sila?” tanong rin ni Zia. Napatingin ako sakaniya. Marunong din palang makipagsagutan ang isang ‘to. Ngayon ko lang nadiscover.
“May proof ka ba na hindi sila magkasama?” Asked Vanica.
“Stop being so defensive sa bestfriend mong malandi Zia. Kasi everyone from this batch- Oh wait. No. Probably everyone from the whole campus knows na may relasyon silang dalawa. Kaya nga na-fire si Sir Mendrez di’ba?”
“Ehem” we heard someone cleared his throat. It was the Sunshine of Meraki University- Aries with Chandria clinging on his arms.
Chandria was composing herself. "Fake news ata ang nakarating sainyo." She said before sitting beside Zia. Sumunod naman si Aries without breaking their hold at each other.
"First off, Sir Mendrez resigned. Lastly, wala kaming relasyong dalawa." She glanced at her hand na nakapulupot sa braso ni Aries.
"Really?" Sophia raised he brow. "If that's the case, paano mo ie-explain yung biglang pagpasok mo sa Top? I doubt you worked for that academically." Sophia glanced at me.
"Just like this one" she played with the ends of her hair using her finger. "Her grades miraculously improved simula nung jinowa niya ang Valedictorian" my brows furrowed
"O.M.G Sophia! Stop being so blunt, baka marinig ka ng iba tapos malalaman na nila kung paano nagwowork ang connections sa faculty at sa student org." Dagdag pa ni Vanica.
My hand turned into a ball.
“Can you shut---?
"Article 2, section.2 Page 28 of the University Ethics Code. Any form of slander including gossip and statements said with malicious intent are subject to grave sanctions." Napalingon kami sa nagsalita.
"Louie..."
"Baka nakakalimutan niyong hindi pa nare-release and diploma niyo at ako ang Presidente ng student council."
The three it-girls cleared their throats, ni hindi sila makatingin nang diretso kay Louie.
"Kung masiyado kayong nage-enjoy sa pagiging senior high, sabihan niyo lang ako. Magagawaan ko naman ng paraan para mag-stay kayo dit. Alam niyo na, connections"
"Sophia let's go." Siniko nung dalawa si Sophia habang binubulungang umalis na.
Sophia glared at me and Chandria before leaving the table. I raised a brow at her.
“What?” I mouthed. Inikutan niya muna ako ng mata bago siya naglakad palayo at naupo sa ibang table.
"My God ang kakapal ng mukha nila!!! Nakakaloka!" Zia threw a punch on air after the three left our table.
Louie patted my back lightly. “Don’t mind them. Your grades improved dahil nagsipag ka, okay?” I breathed heavily.
“Alam ko naman ‘yon. But still, hindi ko maiwasang mainis.” I glared at the three from a far.
“Gusto mo bang totohanin ko ‘yung sinabi ko?” bulong sa akin ni Louie.
“Ang alin?” tanong ko.
“Should I use my” he cleared his throat before leaning closer on my ear. “connections”.
“Sira!” pinalo ko siya nang marahan sa kanang balikat niya “Sisirain mo yung magandang reputation mo for those three? Tsk. Huwag na Love.”
“Sabihin mo lang.” he chuckled. “By the way, ano ‘yung sasabihin mo sana kanina?”
I bit my lower lip. “Hindi ka na ba busy?” tanong ko.
“Hindi naman sa ngayon, sa closing na ako ulit magsasalita dahil tapos na yung speech ko for the opening.” I looked at him and took a deep breath.
I leaned closed at his ear and whispered “I’m actually pr---”
“Oh! Mister Guin! Nandito ka lang pala, kanina ka pa hinahanap ng principal.”
“Ah Good evening po Ma’am Ramos.” Tumayo siya bago nag-bow bilang respeto. “Love wait lang ha.” Bulong niya sa’kin. I just smiled and nodded.
“Nasaan po pala si Sir Meraki?” tanong ni Louie referring to the principal of our university.
“Nandon sa table 1. He’s with the sponsors.” Louie nodded.
“Susunod po ako ma’am saglit lang po.” Ma’am Ramos walked away.
“Love, punta lang ako saglit ha.” I nodded.
“Sobrang busy naman ng Valedictorian namin. Go.” Biro ko. Louie pecked on my cheek before leaving the table.
“Ang tagal naman ng saglit niya.” I said to myself while trying to search for Louie among the crowd na ngayon ay nagsasayawan na sa gitna
“Aww- Oh! Yanna saan ka pupunta?” I bumped into
“Cherry!” I held her hand “Okay na kayo?” tanong ko sakanilang dalawa ni Devone na magkasama na ngayon.
“Ah yep yep tinotoyo lang si Devone kanina. May period pala siya. You know na, moodswings.” Devone r0lled her eyes at Cherry.
“Hay nako! Buti naman. By the way, nakita niyo ba si Louie? Kanina ko pa hinahanap eh.”
“Nope.” They both answered.
“I see. Sige I’ll catch up with you later okay? Hanapin ko lang siya.” They both waved at me before going back to the dance floor.
“Asan kaya ‘yon?” I mumbled.
“Uy Travis!”
“Hey.” Ibinaba neto ang drink sa mesa.
“Nakita mo ba si Louie?” he shook his head sideward. “Try mo itanong kay Ashton, sila ang nakita ko na huling magkasama kanina.”
“Ok! Thank you!” sagot ko before searching for Ashton naman ngayon.
“Why does it feel like nangyari na ‘to before?” I murmured.
“Ashton! Hello!” I yelled kahit na magkalapit na kami dahil sa sobrang lakas ng music.
“Hinahanap mo nanaman si Louie?” bungad neto.
“Wow! Galing ah, paano mo nalaman?” tanong ko.
“Parang nangyari na kasi ‘to eh.”
“Oh? Same thought! Ang galing! Di ko nga lang matandaan kung kailan.”
“Tss” umiling iling siya. “Kanina pa siya umalis, sabi niya pupunta daw siya sa library.”
“Ha? Bakit daw? Tsaka open ba ang library ngayon?”
He shrugged. “’Di ko alam. Check mo nalang. Alam mo na, bookworm eh.”
“Ang weird naman. Pero thank you!” I pat Ashton on his shoulder bago naglakad patungong library.
“Ang weird naman, graduate na kami so ano pang gagawin niya sa library?” umiling iling ako.
Naisip ko tuloy, sa future home namin kailangan kong maglaan ng space for library. Yung parang sa Beauty and the Beast, yung sobrang luwag na library! Sa tingin ko, magugustuhan niya’ ‘yon pag nagkataon.
The thought made me giggle as I enter the library.
Walang tao sa unang b****a.
“Haay nako baka nasa shelves nanaman.” Naglakad na ako patungo sa kabilang pasukan kung saan puno ng libro. Malayo palang ay tanaw ko na ang likod niya. Nakatalikod siya kaya hindi niya ako nakikita.
“Tsk. Ano naman kayang ginagawa niya mag-isa?” dahan dahan akong naglakad papuntang pinto pero bago ko pa man ito mabuksan ay may nakita akong babae sa gilid. Nakasandal ito sa shelf na nasa tabi lang ni Louie.
I narrowed my eyes and there I realized that it was Yui, the Salutatorian, our class president and Louie’s ex…
Awtomatikong tumaas ang isa kong kilay at kumunot ang noo ko.
“What are they doing?” I quietly opened the door so I could sneak peek and eavesdrop on them.
“So ano nang balak mo?” tanong ni Yui.
“Hindi ko alam.” Sagot ni Louie.
Ano ba’ng pinag-uusapan nila? Bakit hindi ko alam?!
“Bakit pag-iisipan mo pa? Malaking opportunity ‘to para mag-grow ka bilang future Architect.”
Hindi umimik si Louie.
“Stella na ang kumukuha sa’yo Louie! Mag-isip ka naman! Hindi ka ba pupunta dahil lang kay Yanna?!” nagtaas na nang boses si Yui.
“Stella? Saan ko ba narinig ‘yon?” bulong ko sa sarili.
Stella… Stella… Stel—
“OMG!” As in yung leading architectural firm? Sumulyap ako kay Louie na ngayon ay tahimik parin.
Kinukuha siya ng Stella?!
Bigla siyang kwinelyuhan ni Yui.
“Umayos ka nga Louie! Sa’yo nakasalalay ang future ko! Alam mo namang hindi sila papayag na mag-isa lang akong idedeploy di’ba?! Kung si Yanna ang dahilan kung bakit hindi ka tutuloy! Tangina! Ang babaw naman ng dahilan mo!”
Inalis ni Louie ang pagkakahawak ni Yui sa kwelyo niya “Hindi mababaw ‘yon! Palibhasa kasi hindi mo alam ‘yung nararamdaman ko! Kung gaano kahirap ‘to para sa’kin!”
“Ha! Mahirap?! Wala akong alam?! Palibhasa kasi mayaman ka! Kaya mong makuha lahat ng gusto mo! Kaya mong itapon yung kinabukasan mo para lang sa ibang babae kasi nga may pera ka! Wala kang pakialam kung yung mga desisyon mo, makakaapekt0 sa buhay ng ibang tao kasi- sino ba naman ako?! Isa lang hamak na tag-along! Isang mahirap na umaasa sa’yo kasi number two lang naman ako! Ex mo lang naman ako! Pinagsawaan, tinapon at ngayon nuisance nalang para sa’yo” I closed the door immediately.
Hindi ko na kayang ituloy pa ang pakikinig sa kanilang dalawa
I walked out of the lib.
Nanghihina ang mga tuhod ko sa bawat yapak na pilit kong ginagawa makalayo lang rito ay
Siguro masiyado lang ak0ng emosyonal dahil sa nalaman kong buntis ako pero bakit? Bakit wala man lang akong kaalam-alam sa mga nangyayari kay Louie?
Bakit hindi niya sa akin sinabi? Wala ba siyang tiwala sa akin?
Hindi ba counted ang opinion ko sa mga desisyon niya?
Bakit hinaharap niya ang isang bagay nang mag-isa?
Bakit sa lahat ng tao, si Yui pa?
Napasalampak nalang ako sa semento at naiyak dahil sa pagkalito.
Nakakalungkot. Pakiramdam k0 pabigat ako, pero at the same time parang wala akong halaga.
Ano pang silbi na girlfriend niya ako kung hindi niya ako sasabihan ng mga problema niya di’ba? Bakit ngayon pa?
Paano ko na sasabihin na magkakapamilya na kaming dalawa?
Madali lang naman ang sagot kung kami lang involved pero si Yui… Madadamay siya. At alam kong hindi niya deserve ang hindi makapsaok sa Stella dahil lang sa akin.
Pero paano naman ako?
Hindi ko rin naman deserve ang mamatay sa selos dahil mag-ex silang dalawa di’ba?
Tahimik akong umiyak sa dulo ng hallway. Sobra na akong nalilito at nalulungkot.
Ano ba ang pinaka-tamang desisyon? Anong gagawin ko?
Sasabihin ko ba na huwag siyang tumuloy sa Stella dahil lang sa mapapalayo siya sa’kin. O hahayaan ko siyang abutin ang pangarap niya… kasama si Yui?
Ilang minuto ang nagdaan bago ko napakalma ang sarili ko.
Pinunasan ko ang mukha ko bago nag-ayos at tumayo na.
“Yanna?” isang malalim na hinga muna antg ginawa ko bago lumingon sa tumawag sa pangalan ko.
“Louie. Kanina pa kita hinahanap. Saan ka galing?” tanong ko.
“Ah sa library, may tinignan lang.” I nodded. He intertwined his hand with mine bago naunang naglakad pero imbes na sabayan siya ay tumayo lang ako sa pwesto ko.
Tumigil si Louie nang makalayo siya nang isang hakbang mula sa akin. His hand, still intertwined with mine.
“Love?” tanong niya. I took another deep breathe before letting go of his hand.
“What’s the matter?” tanong niya.
Hinarap niya ako bago hinawakan sa magkabilang balikat.
“Are you okay?” tanong niyang muli.
I smiled, looking directly on his eyes.
This is not easy. But I have to decide right now.
“Let’s break up.”