Omegle 1.0

2330 Words
Sexcapade #3: Omegle [DevonexTravis] [MARIA DEVONE YLLANA] "OMG! Medyo nakakainggit ha." - Yanna "Wag ka nang mainggit mata-try mo rin 'yon." nagpipigil na tawang sagot ni Cherry "Tss." napatingin silang dalawa sa akin. They both made face, yung mukhang nang-aasar bago ako sabay na inakbayan "Kawawa naman 'tong kaibigan natin." "Oo nga, kung sino pang pinakamaraming alam siya pa 'tong single" nagtinginan silang dalawa bago tumawa. Hinawi ko ang pagkakaakbay nila sa akin. "Ha? Anong pinagsasabi niyo? Hindi ko naman kailangan ng jowa para maging masaya" I rolled my eyes at the both of them bago nahiga sa kama at niyakap ang favorite kong hotdog na unan. "Sus hindi raw kailangan ng jowa." sabay nilang sabi ulit. Bumangon ako sa pagkakahiga at hinampas sakanila yung unan ko. "Lumayas na nga kayo dito! Di'ba may kaniya-kaniyang date pa kayo? Go! Tsupi! Magpakasaya kayong dalawa!" "Highblood naman ne'to!" ani ni Cherry bago tumayo at inayos ang suot na mini skirt. "Wag kang mag-alala, hahanapin ka namin ng fafa!" dagdag pa ni Yanna. Hindi ko nalang sila sinagot at nahiga na ulit. Pagkaalis nila, kinuha ko ang phone ko at as usual nag-scroll sa sss. Hindi nagtagal ay na-bored ako kaya napagisipan ko nang maligo dahil hapon na rin naman. Naka-bathrobe lang akong nakahiga at inabot muli ang phone ko. Mamaya na ako magbibihis, tutal 'di naman ako nagmamadali. Cherry sent a photo. In-open ko ang convo namin ni Cherry at tumambad sa aking ang picture nilang apat sa isang bar. Siya na naka-yakap kay Ashton at si Yanna na hawak ang kamay ni Louie. Cherry: #SanaAllMayJowa Sineen ko nalang ang message niya dahil wala akong energy para makipagtalo. Eh sa wala akong maire-rebut dahil wala naman talaga akong jowa. "Hindi naman masakit." bulong ko. "Hindi naman malungkot." bulong kong muli. “Hindi naman nakakainggit” tumango tango ako, trying to convinve myself pero… "Ughh!! Oo na konti lang! Tsk." Oo na! Aminado na ako. Siyempre gusto ko rin ng boyfriend. Yung tipo na may kasabay ka pag-uwi sa school, kasabay na gagala, magpa-party at gagawa nang kung ano-anong napapanood ko sa mga SPG sites. Kaso wala eh. Walang nangangahas na manligaw kaya anong magagawa ko maliban sa magpanggap na okay lang ako sa pagiging single? Hindi naman kasi ako social butterfly gaya nung dalawa na madaling makapalagayang loob ng iba kaya eto, ilap sakin yung mga lalaki sa classroom. Yung mga boylet nga lang yata nilang dalawa ang kumakausap sa’kin na lalaki eh, the rest wala. Kung hindi takot, hindi ako type kasi raw para akong tomboy. Hindi marunong mag-make-up at simple lang mag-ayos?! Jusko! Kung ako rin sila ay talaga namang ‘di ko lalapitan ang isang katulad ko. Tumayo ako saglit sa kama at kumuha ng strawberry sa ref. Pagkahiga ko, naisipan kong mag-visit sa isang site na lagi kong pinupuntahan kapag mag-isa nalang ako. Hoy, alam ko kung anong iniisip niyo ha! Sorry pero nagkakamali kayo ;p Well isa pa 'yon, pero meron pang isa at 'yon ay ang omegle. Dito lang talaga ako natambay kung wala akong makausap lalo na't lately, busy na yung dalawa kong kaibigan sa mga love life nila. Stranger: Hi Me: Hey Stranger: Uhm... "Uhm?" I raised an eyebrow. Bata ba 'tong ka-chat ko? Magd-dc na sana ako dahil feeling ko eh boring ang kausap ko pero he sent another message. Stranger: I'm from Elite Academy. Ikaw? "Same school? Interesting." Me: Ah same. Bakit ka nandito? Stranger: Nandito ako, para sa'yo "Pft." A smile drew on my lips Me: Uy pa-fall. Stranger: Yep pero wag kang magalala. Sasaluhin naman kita kung sakali *wink wink* kumagat ako sa strawberry'ng hawak ko. "Hmmn." Me: Talaga lang ha. Stranger: Talagang talaga. Me: Bolero. Stranger: Kidding aside, may hinahanap kasi ako kanina. Me: Ano naman 'yon? Stranger: Forever. I bit my lower lip to refrain myself from smiling. Stranger: Fortunately, nahanap ko na. Hindi ko na napigilan ang pagngiti dahil sa magkasabay niyang banat. Kainis! Me: May saltik ka na ata eh. Okay ka lang? Stranger: Okay na okay lalo na ngayon ka-chat kita "Cheesy." sambit kong muli. Humaba ang chat namin ni Mr. Stranger. Magaan ang loob ko sakanya, siguro dahil sa iisang school kami pumapasok kaya feeling ko ayos siya. Matino naman siyang kausap at cheesy. Maya maya lang ay napansin ko na kanina pa siya nagtatype. Me: Tagal mo naman magreply ano ba yang tinatype mo? Stranger: Ikaw Me: Ha? Stranger: Ikaw type ko. Ayieeee Napatakip ako nang mukha pero napatigil ako nang may nareceive akong message kay Yanna Yanna sent a photo Yanna: Kasama namin si Tristan. Hinahanap ka niya sa amin. Sabi ni Cherry , kapag daw 'di ka pumunta dito sa Nirvana ibibigay daw niya address mo sakanya "Anak ng!" Yanna: Wait ka namin until 8:30 bwahhahahahah - Cherry "Seryoso kayo?!" bulalas ko. Past 7 na at 30 mins away pa ang Nirvana mula rito kaya agad kong binaba ang phone na hawak ko at nagbihis na. Nag-ayos rin ako ng kaunti dahil haler, bar 'yon alangan namang pumunta ako doon nang hindi handa. Isa pa! Wala akong balak na makita ang Tristan na 'yon sa pamamahay ko. "Bakit ba kasi tinutulak nila ako sa creep na 'yon?" Tristan is our batch mate. We went on the same junior high together. Pogi naman siya, mayaman pero sinalo na ata niya lahat ng ka-pangitan ng ugali. He was a guy who often followed and chased me around back then. Nasa kaniya naman na lahat, madami ring nagkakagusto sakaniya pero ako ang pinili niyang habulin and it irritated me the most! Minsan na nga lang magustohan, yung werido at creepy pa. "Ay s**t yung omegle ko." I picked my phone up and checked if the guy had already disconnected pero laking gulat ko dahil hindi parin siya nag-dc sa thread namin. Stranger: Hey still there, honeybear? Stranger: Nahimatay na yata sa kilig kaya di na sumagot. Stranger: I'm here. Okay ka lang ba? Stranger: Huy di kita kilala pero nag-aalala na ako. Stranger: Nandito lang ako Those were his messages kanina. Kakaiba rin, kung ibang lalaki 'to malamang kanina pa nag-dc at naghanap ng iba. Should I leave him hanging or should I ask his account? "Ugh wala na akong time! It's already 8PM." "Ah alam ko na!" Me: Emergency. If you want to help me, meet me in front of Nirvana. Yung bar few blocks away from our academy. I'm wearing a black cropped top and a skirt. I'll be there. That was my last chat before I disconnected. Hindi naman ako nage-expect na pupunta siya--nope, lying aside. I am actually expecting him to come. Aside from the fact na he could help me shoo Tristan away, nae-excite rin akong makilala siya. NIRVANA. 8:35 PM I sent a message to Yanna and Cherry saying na I'm already outside Nirvana. Sinabi ko rin na hintayin nila ako saglit dahil may kasama akong date. 8:36 PM. I noticed Travis, barkada nila Ashton at Louie, nakasuot siya ng itim na jacket at halatang naghihintay. I'm not a social person but his friends treat me nicely kaya I think, I should also do the same towards their friends di'ba? "Looking for Louie and Ashton?" I asked. Tumingin lang siya sakin, gulat. "Nasa loob na sila, kasama sila Yanna at Cherry."dagdag ko but instead of saying thank you he simply took a few steps away from me. Sa kanilang tatlong magkakaibigan, alam ko na siya yung pinaka-distant. Hindi naman ako nage-expect ng sagot but if somebody's helping you a simple smile would do naman. Right or right? Na-conscious tuloy ako bigla sa ginawa niyang paglayo. Pasimpole kong chineck ang reflection ko sa glass door, hindi naman ako pangit at baduy ah. "Weirdo." bulong ko nalang sa sarili. 8:39 PM "Darating pa kaya 'yon?" tanong ko sa sarili habang tinititigan ang oras sa phone. "Parang hindi naman na." I sighed. "Asa ka pa Devone." sambit kong muli. I bagged my phone and budged from the spot where I was standing. Ngunit pagkahawak ko sa knob ng door ay may narinig akong nagsalita from behind. "O-omegle?" bigla akong napalingon sakanya- kay Travis na ngayon ay nakatingin sakin na parang nahihiya't kinakabahan. Nagsalubong ang dalawa kong kilay dahil hindi ako makapaniwala. Nanlaki rin ang bibig ko na ngayon eh parang letter "O" na. Loading... loading... loading... Napahinto ako bago naglakad palapit sakanya "Don't tell me..." hindi ko pa nga lang natatapos ang sentence ko nang biglang sumulpot sa harap ko si Tristan. "Yanny!" "f**k!" pabulong kong mura. Agad akong niyakap ni creep- este ni Tristan. Sobrang higpit at yucky dahil feeling close ang hayop na ‘to sa akin. Agad ko ring siyang tinulak palayo. "Namiss kita! Ang ganda mo lalo ngayon at.." he looked at me from head to toe. Manyak! "so effin hot." he said with a yucky smile on his lips. Isang fake na "hehe" lang ang sagot ko sakanya. "Wanna go inside? or out with me?" he winked, I almost puked. Naalala ko ang presence ni Travis kaya dali kong pinulupot ang galamay ko sa braso niyang toned. Wow. Unexpected. "Sorry pero may date na ako." I told him with a sweet smile on my face. Tumingin ako kay Travis, buti na nga lang at hindi siya slow kaya eto nakasabay siya sa flow. "Uhm hey I'm Travis, Devone's date." inilahad niya ang palad niya waiting for a hand shake pero tinignan lang 'yon ni Tristan saglit. Halatang inis siya sa presence ni Travis pero wala siyang magawa kaya nauna na siya sa loob. Papasok na rin sana si Travis pero kumalas ako sa pagkakahawak sakanya at pinigilan siya. "Don't." sabi ko. "Ha? B-bakit?" tanong niya. "Mamaya ko na ie-explain, umalis muna tayo dito okay?" sabi ko. Tumango lang siya at sumunod sa akin palabas sa compound ng Nirvana. Habang naglalakad kami hindi ko mapigilang lumingon lingon sakanya. Hindi ako makapaniwala na ang kabarkada ng mga boylet ng mga kaibigan ko ang siyang ka-omegle ko kanina. "W-what?" tanong niya, ilang beses akong lumingon lingon sakaniya. "Are you sure ikaw yung ka-chat ko kanina?" tanong kong muli. "O-oo naman." "Eh bakit nauutal ka?" "K-kasi--" "Bakit ang tahimik mo?" "A-ano.." "Eh ang cheesy cheesy mo kanina sa chat tapos ngayon halos 'di ka nagsasalita kung 'di ka unang kakausapin." "G-ganito kasi--" "Joke time ba 'to?" Hindi na siya nakasagot dahil bumuhos na ang ulan. "Malas naman!" bulalas ko. Sabay kaming tumakbo, diretso lang dahil wala kaming makitang sisilungan. "Dito, dali!" hila ko sakanya nang mapadaan kami sa isa ring bar 'di kalayuan sa Nirvana. Pumwesto kami sa tapat ng pinto dahil may konting silong doon, enough para hindi kami gaanong mabasa. "Ano ba naman 'to, wala pa man din akong payong." sabi ko habang hinahaplos ang magkabila kong braso. "H-here." naramdaman ko nalang na pinatong niya sa akin yung jacket na suot niya. Hinawi ko 'yon agad dahil feeling ko mas kailangan niya yon. Mas manipis pa kasi kesa sa cropped top ko yung t-shirt na puti na suot niyang panloob. "No thanks, sa tingin ko mas kailangan mo yan." "H-hindi okay lang a-ako." I rolled my eyes bago siya hinarap. "Bakit ka ba nauutal? ha?" Kung kanina excited akong makilala yung ka-chat ko, ngayon hindi na ako natutuwa. Well sino ba namang matutuwa kapag umulan at wala kang dalang payong plus ang kasama mo, isang lalaki na nauutal utal nang walang dahilan. Luging lugi ako dito ha! Kala ko kanina fafa dahil sa mga banat but it turns out na isang malaking lampa yata ang nabingwit ko sa omegle. Hindi siya sumagot sa tanong ko kaya hindi na rin ako nagsalita. Matagal bago humina ang ulan, matagal rin ang bumalot na katahimikan sa amin. Nanlalamig na ako, sobra pero ayaw ko namang humingi ng tulong sa katabi ko matapos ko siyang sungitan. "Magta-taxi na ako dito, alam mo naman sigurong umuwi mag-isa diba?" tanong ko ulit kay Travis Hindi siya sumagot kaya tinignan ko si'ya. Yakap yakap niya yung Jacket na kanina'y suot niya, nakapikit rin ang mga mata niya at namumuti yung lips niya. Siniko ko siya nang bahagya. "Travis?" tanong ko. Dahan dahan siyang nagmulat nang mata. "B-bakit?" I sighed annoyingly. "Sabi ko let's part ways kasi uuwi na ako." tumango lang siya at ngumiti nang bahagya. Paawa effect? Ilang minuto nanaman akong naghintay ng taxing dadaan. Maya maya lang may taxing naghatid ng pasahero dito sa bar. "Finally." nilapitan ko ito agad at pumasok na sa loob. Iniwan ko na si Travis na nakatayo parin sa may pinto. "Kuya sa may Sapphire Square po." sabi ko sa driver. Malayo ang tinitirhan ko pero rush hour na rin kasi at ayaw kong makipagsiksikan sa bus. Isa pa basang basa ang buong katawan ko kaya dito na ako sa mas komportable. Pinaandar na ni Manong driver ang taxi, paglingon ko sa bintana nandon parin si Travis. Huminga ako nang malalim. "Kuya wait lang." "Bakit po?" "Pakibalikan po natin yung kasama ko don." Tinuro ko si Travis kay manong driver at binalikan naman niya 'to. ~~~~ "Ughhh!!!!" "Shet!" "Badtrip talaga!" Tuloy tuloy ang pagmumura ko habang nakaakbay si Travis sa akin. Tulog mantika ang isang 'to, hindi ko naman alam kung saan siya nakatira kaya dito sa condo ko ang bagsak niya ngayon. Alangan namang iwan ko 'tong mag-isa sa kalsada o sa driver di'ba? "Ahhhh!!!!" sigaw ko bago kami sabay na bumagsak sa kama. Nakaakbay pa ang isang braso niya sa balikat ko at sobrang basa pa rin naming dalawa. "Bwiset talaga." nanggigitgit kong bulong bago inalis ang pagkakakbay niya sa akin. Umalis ako agad sa kama at dumiretso na sa CR. Kailangan kong maligo at pakalmahin ang sarili ko bago ko pa masapak ang isang to ‘nang wala sa oras. “Lord! Alam kong sinabi ko kanina na gusto ko ng jowa, pero bakit naman binigyan mo ako ng ganito? Kung may sapakan baka mas mauna pa ‘tong tumakbo kesa sa’kin eh!” Napakamot nalang ako sa ulo pagkapasok ko ng bathroom. Badtrip naman!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD