Sexcapade #4: First Timers [DevonexTravis] [CHERRY VILLA'S POV]
"FREEDOOOOM!!!!!" sabay sabay naming sigaw the moment na maramdaman namin ang init ng buhangin sa aming talampakan.
"Ang ganda." Manghang sambit ko sa sarili.
"Mas maganda ka parin" komento naman ng pogi kong boyfriend na si Ashton sabay akbay sa akin.
"Hoy hoy hoy! Mamaya langgamin kayo dito eh." sabat ni Yanna na nakapamewang pa.
"Ang sabihin mo, Inggit ka lang" ani ni Devone habang pinipicturan ang malawak na dagat na nasa harapan namin ngayon
"Nagsalita ang walang jowa" Sagot naman ni Yanna. I raised an eyebrow
"Wala nga ba?" pataas taas ang dalawa kong kilay habang inaasar si Devone. Halata kasi naming may something sakanila ni Travis matapos naming mag-bar kamakailan lang pero hanggang ngayon, wala paring kibuan ang peg nilang dalawa. Akala siguro nila maloloko nila kami pero wa epek!
Matang lawin kaya kami.
"H-heh! Manahimik nga kayong dalawa jan!" sagot ni Devone bago lumayo sa amin at nagkunwaring busy sa pagpipicture nanaman. Halatang iniiwasan ang topic
"Hindi pa ba kayo mag-aayos sa loob?" tanong ni Louie na kagagaling lang sa transient na tutuluyan naming for our 3-day vacation.
"Eto na nga po, papasok na manong Louie." sagot ni Yanna bago nauna sa loob. Sumunod naman kami ni Ashton na magkahawak kamay.
7:30 PM
"Hi babe." Ashton hugged me from behind. I smiled, napaka-sweet talaga ng lalaking ‘to kahit kalian.
"Ganda ng view no?" tanong ko sakanya habang hawak ang magkabilang braso niya na nakapulupot sa'kin.
"Sobra." he said almost whispering before he gently bit the upper part of my right ear.
"Babe stop." saway ko sakanya.
"Bakit? Ayaw mo ba?" tanong niya bago ako halikan sa gilid ng leeg.
"mm... Babe seriously stop." I heard him chuckled.
"You mean, don't stop?" I bit my lower lip as I smiled. Tinanggal niya ang pagkakayakap sakin, hinawakan ang magkabila kong kamay at dahan dahan akong hinila papasok sa kwarto.
We were looking at each other's eyes while smiling.
This is genuine happiness. I told myself while smiling on the most handsome guy on the planet!
Nang makapasok kami sa loob, he let go of my hand.
"Wait a minute." he left me standing in the middle of the room bago siya nagkalkal sa bag niya. Nilabas niya ang speaker at ang phone niya, pinatong sa mesa at nagpatugtog ng isang kantang sobrang pamilyar sa pandinig ko.
I smiled right after hearing the beat of the music.
♫Not sure if you know this
But when we first met
I got so nervous I couldn't speak ♫
Lumapit siya sakin, hinawakan ang magkabila kong kamay at inilagay ito sa mga balikat niya. After that he wrapped his arms around me, almost hugging me; our foreheads touching as we slow dance sa paborito naming kanta.
♫In that very moment
I found the one and
My life had found its missing piece ♫
We both smiled at each other. I closed my eyes, as we both sang the chorus together.
♫So as long as I live, I love you
Will have and hold you
You look so beautiful in white
And from now 'til my very last breath
This day I'll cherish♫
I opened my eyes and saw him looking so dearly at me.
"You look so beautiful in white." he mumbled, sabay sa kanta. I bit my lower lip yet again.
"-tonight"
"I love you." he mumbled with a smile on his face. Ang ngiting nakakalaglag panti- literal.
"I love you too." I replied before I filled in the gap between us and claimed his lips.
The music continued playing as we kissed, pero hindi nagtagal ay may narinig kaming malakas na katok sa pintuan
"Lovebirds! Kakain na!"
Napatigil kami sa paghahalikan at sabay kaming lumingon sa may pinto. It was Devone- the feeling single.
"Maaga pa mamaya na nga 'yan!" natawa kami ni Ashton sa narinig namin. He stopped the music and we head towards the door kung saan nakita namin si Devone na naka-pameywang pa.
She glared at us. "Oras na po para kumain ng TUNAY na pagkain okay?" I chuckled bago ko pinulupot ang kamay sa braso niya.
"Yes Ma'am, wag ka nang highblood."
"Tsk, tara na."
[THIRD PERSON'S POV]
Palibot na nakaupo ang mga magkasintahan at magkakaibigan. Sa gitna nila ay mayroong mini version ng bonfire na trip nilang gawin dahil raw gusto nilang masubukan ang mag-bonfire sa tabing-dagat.
Magkatabi as usual ang mag-jowang sila Ashton at Cherry, sa kabilang dulo naman ay sina Yanna at Louie na magkahawak kamay pa at sa gitna nila ang in-denial na sina Devone at Travis. Busy sila sa pagkwe-kwentuhan at tawanan habang hinihintay ang isda na maihaw sa bonfire rin mismo na ginawa nila.
"I think something's missing." saad ni Cherry out of the blue. Napatingin naman ang lahat sakaniya.
"Ano?" tanong ni Cherry
"Ah parang alam ko na 'to." sabi naman ni Devone. Yanna winked at Devone bago hinila ang cooler na nasa tabi niya.
"Charaaaan! Girl Scout yata ako." she opened the cooler at tumambad ang iba't-ibang uri ng alak. Nagsikuha naman ang lahat ng tig-isang inumin. Canned beer ang dinala ni Yanna at sabay-sabay nila itong binuksan.
"Cheers to more adventures like this!" Itinaas ni Yanna sa ere and alak na hawak niya at ganoon rin ang ginawa ng iba.
"Cheers!" sabay-sabay silang uminom pagkatapos ay napuno ang tabing-dagat ng kani-kaniyang tawanan mula sa magkakaibigan.
Napakagandang tanawin, isang grupo ng kabataan na ine-enjoy lang ang simpleng buhay sa tabing-dagat.
10:45 PM
"Teka, teka, shhh! quiet!" saway ni Cherry sa mga kaibigan kahit hindi naman sila nagsasalita. Medyo lasing na rin ito dahil sa dami nang nainom.
"Oh ano?" tanong naman ni Louie na nakaakbay kay Yanna. Itinuro ni Cherry si Travis na naglalaro lang ng buhangin sa tabi ni Devone at hindi gaano naimik.
"B-baket?" tanong ni Travis.
"E-ekaw ba walang balak na ligawan si.." tumigil syang muli at ngumiti, matapos ay binaling niya ang tingin kay Devone na kasalukuyang umiinom ng panibagong lata nang alak.
"Devone?" tuloy ni Cherry sa tanong niya. Napalunok si Travis, hindi makapagsalita. Nakatingin rin ang magkakabarkada sakanya- maliban kay Louie na busy sa pagtitig kay Yanna.
"A-ano.. k-kase.." pautal-utal nanamang sagot nito.
"Shhh!!!" inilagay ni Cherry ang pointing finger sa tapat ng bunganga ni Travis.
"Tsktsktsk. Wag ganyan! Bakit ka ba nauutal? Tayo-tayo na nga lang dito eh! Di naman kita kakainin. Rawr" pagbibiro ni Cherry.
"Oo nga, ano type mo ba s-shi Devone?" tanong rin Yanna.
Huminga nang malalim si Travis, kinakalma ang sarilo bago tuluyang sumagot ngunit biglang sumabat si Devone na kakatapos lang tunggain ang bote ng alak.
"Ano ba kayo? Baket niyo ba pinipilit si Travis saken eh di naman ganyan ang type ko." ngising saad ni Devone. Nagkatinginan ang apat, sina Yanna at Cherry pati na sina Ashton at Travis.
Patay! Yanna mouthed to Cherry, para silang nawalan ng tama dahil sa sinabi ni Devone.
Sa sobrang kalasingan kanina ay nakalimutan tuloy ng dalawang babae ang bad drinking habits ni Devone- ang magsabi ng puro kasinungalingan sa tuwing nalalasing.
They both looked at Travis na ngayon ay nakayuko na. Mangilid-ngilid ang luha, naging emotional siya dahil na rin siguro sa konting tama ng alak.
" Pre..." halos sabay na sambit nina Ashton at Louie pero naunahan na sila ni Travis na tumayo.
"Uhh.. medyo nahihilo na kasi ako. Mauna na ako sa loob ha? Nilalamig na rin kasi ako, mukhang kailangan ko na ring magpahinga." Hindi pa nakakasagot ang mga kaibigan ay nauna na itong pumasok sa loob ng transient. Nagkatinginan ang apat na naiwan sa tabing-dagat, pagkatapos ay si Devone naman ang sabay-sabay nilang tinignan.
"What?" tanong ni Devone na parang clueless sa nangyari. Napasapo sa mukha si Yanna na sising-sisi dahil imbes na ma-match-make ang dalawa ay mukhang malabo pa itong mangyari dahil sa nasabi ni Devone.
"Grrrr! Halika nga dito, kukutusan lang kita nang isa beses!" gigil si Yanna habang sinusubukang abutin si Devone pero hawak siya ni Louie kaya di niya 'to maabot.
"Chill love, wag kang mag-panic." awat ni Louie kay Yanna. She glared at him.
"Paanong hindi magpa-panic eh, kasi tong si Devone nakakainis! Sarap kurutin sa singit! In denial pa kasi, di nalang aminin na gustong-gusto niya rin si Travis!" reklamo ni Yanna. Louie grinned before pulling her and then he whispered something that made Yanna smile- widely.
"Talaga?!" Tanong ni Yanna kay Louie, he nodded.
"Ahhhh! You're the best!" Yanna exclaimed before hugging her man.
"Uhm, guys? Mind to share?" sabat ni Cherry. Yanna smiled and whispered to Cherry. Cherry had the same reaction, after that she did the same thing to Ashton na ngumiti lang as a response habang patangop tango.
On the other hand, Devone- na mukhang nasa kalawakan ang pag-iisip ay naglalaro lang ng buhangin. May isusulat siya rito tapos buburahin rin. Hindi niya pansin ang pinaggagawa ng mga mag-syota sa tabi niya. Mukha ring nahimasmasan siya nang mag-walk out si Travis at ngayon?
Sising-sisi rin siya sa kabobohan niya.
Ilang minuto pa ang nakakalipas ay napansin ni Devone na nabawasan na sila sa tabing-dagat.
"Nasan sila Yanna?" tanong niya kay Cherry na nakahiga sa lap ni Ashton habang pinagmamasdan ang naggagandahang mga bituin.
"Ha? Di namin napansin eh, baka bumalik na sa room." Devone sighed.
"Alis na ako, enjoy kayo jan." paalam niya sa dalawang love birds.
“Sana all” bulong ni Devone sa sarili habang naglalakad papasok ng transient.
[DEVONE'S POV]
Paulit-ulit kong hinahampas ang ulo ko habang naglalakad patungo sa room namin ni Yanna- yep si Yanna ang ka-room ko. Alam ko namang gusto niyang mag-spend the night with her lovey-dovey kaso ayaw kong makasamang matulog si Travis sa iisang kwarto
Bakit? To be honest, I felt so awkward around him ever since "that" happened in my apartment.
Okay... joke lang! Eto na magiging honest na.
Eh kasi naman matagal ko na siyang gusto! Bago ko pa man siya maka-chat sa omegle eh siya na talaga ang crush ko! Okay? To be honest, madami siyang pictures sa phone ko at alam yon nina Cherry at Yanna kaya super tukso sila sa akin. At ewan ko ba, siguro ako lang yung typical tsundere kung tawagin. Acting tough pero deep inside super kilig. Sa super galing ko mag-act kanina ayon! Nakapagbitaw tuloy ako ng mga salitang hindi ko naman mine-mean! Actually, I meant it when I said na hindi ko siya type, pero dati pa lang naiinis na ako sa sarili ko dahil kahit alam kong hindi ko siya type eh sakanya parin ako nahulog.
Pero grrrr! Nakakainis! I hate myself! Mukha atang nasaktan ko siya kanina.
I opened our room pero nanibago ako nang mapansin kong bukas ang ilaw. Kilala ko kasi si Yanna, hindi 'yon makakatulog kapag may bright light na naka-open. Either dim lights or off ang ilaw bago siya makatulog- actually pareho kaming tatlo.
Nakita kong balot na balot siya ng kumot, mukhang tulog na dahil hindi siya nakibo kaya sinara ko nang dahan ang pinto at pinatay na ang ilaw. Since wala akong makita fully, I turned on the lamp beside the bed bago dumiretso sa CR at naligo.
Kahit sa CR dala dala ko ang inis sa sarili ko. Hindi ko talaga makalimutan ang katangahan ko kanina, Grrrrr!
After taking a bath ay lumabas na ako, super open kaming tatlo sa isa't-isa kaya okay lang 'no. Pare-pareho lang naman kami ng parts kaya ano namang malisya don? Dumiretso ako sa gilid ng kama kung saan nakaharap si Yanna.
Sa sobrang kalasingan siguro neto nakalimutan nang patayin ang ilaw kaya ngayon, super talukbong siya.
Iiling -iling ako. "Laklak pa more." sambit ko sa sarili.
Nag-ayos lang ako saglit, pagkatapos ay nahiga na sa tabi ni Yanna. Dahil medyo malamig ay hinila ko nang bahagya ang kumot pero dahil na rin sa sobrang pagkabalot niya dito ay hindi ko 'yon makuha. Ilang minuto ko 'yon sinusubukang hilain pero ayaw talaga. Napakamot ako sa ulo.
Huminga ako nang malalim bago ko 'yon hinila ng full force at success! Umikot si Yanna paharap sakin, dahilan para ma-untuck yung kumot sa kabilang bahagi niya.
"unggg." rinig kong reklamo niya, naalimpungatan pa ata.
"Huy Yanna, pahingi ng kumot." sambit ko, inabot naman niya 'yon so ngayon hati na kaming dalawa.
"Thanks!" saad kong muli. pero nagulat ako nang biglang bumangon si Yan--
"Anong ginagawa mo dito?!/ Bakit ka nandito?!" Halos sabay naming sabi. Shet! Si Travis! Bakit siya nandito?!
Pareho kaming napaupo sa kama habang ako, hila hila ang kumot na ginamit ko nang pantakip sa katawan ko dahil sa lamig. Kahit madilim, kita ko na nakasuot siya ng plain white shirt at ehem-- maiksing boxer shorts.
- an awkward moment of silence -
"A-ano, sige aalis na ako." pagbo-boluntaryo ko.
"Wag na, ako nalang." tumayo siya sa kama at binuhat ang bag niya na nasa sahig. Napasapo nalang ako sa noo. He looks so pissed.
Ang shunga shunga mo talaga!
Pansin ko na nakatayo lang si Travis sa harap ng pintuan. Hawak niya ang knob ng pinto pero hindi pa siya lumalabas, maya maya bigla siyang nagsalita.
"Hindi ba talaga?" tanong niya, habang nakatalikod parin sakin. Kunot-noo ko siyang sinagot rin ng isang tanong.
"Hindi ang alin?" I saw him took a breath before turning ang walking towards me. Iba ang ekspresyon na nakapinta sa mukha niya ngayon, it was too different compared to the usual Travis na mahiyain at good boy. He looks so serious and scary…
Parang unti-unti nanamang bumibilis ang pagtibok ng puso ko just like that one time in my condo.
He's seriously looking at me habang dahan-dahang naglalakad. Patuloy akong umaatras kahit na dead-end na, dahil nakasandal na ang likod ko sa headboard ng kama. Gusto kong tumayo at bumangon dahil pakiramdam ko maiihi na ako- sa kilig? sa kaba? Sa takot?
Ah ewan!
My body froze when he crawled into the bed. He was looking at me with his drop-dead serious gaze. Napakalapit rin nang mukha niya sa akin. I can't look at him for so long. Hindi ko kaya dahil pakiramdam ko matutunaw ako the moment na ginawa ko 'yon.
"Hindi mo ba talaga ako gusto?" I gulped, still not looking at him. I can feel his warm breath dahil sa sobrang lapit niya sa'kin. I bit my lips; I want to lie pero walang salitang lumalabas sa bibig ko.
"Answer me." he commanded. Napapikit ako, what's with this level of superiority?
"Bakit hindi ka makatingin sa akin nang diretso?" On my peripheral vision, I see him grinning widely.
"A-ano.. k-kasi.."
"Bakit ka nauutal?" I closed my eyes and gasped
Shet na malagket! Mukhang nagkapalit kami ng posisyon ngayon. Anong klasend magic ang ginawa niya sa’kin?
He gently caressed my cheek and held my chin. He directed my face sakanya. Face to face kami ngayon pero ayaw ko pang magmulat ng mga mata. Hindi ko talaga kaya kasi nga- KINIKILIG AKO NANG SOBRA.
Not too long after, I felt something soft on my lips dahilan para mapamulat ako ng mata. I saw him looking at me, and I saw his lips pressing against mine.
I gulped- and that’s when he softly bit my lower lip. It was a slow kiss, a single bite but it made me close my eyes.
Akala ko magtutuloy-tuloy na, but then he suddenly pulled away, leaving my lips touching the air- I looked at him and saw him smirking.
"Aalis na ako."
WHAT?!