Maruem Nang makapasok ako sa silid ay agad kong tinanggal ang aking pang-itaas at umupo sa bangko. Bahala na kung may kamera rito, naaalibadbaran na ako sa aking damit. Kinuha ko ang libro, walang nakalagay sa harapan na kahit anong deskripsyon. Nang simulan kong basahin ay napakaraming impormasyon ang pumasok sa aking isip. Mula pa noong unang panahon ay alam na ng mga mortal, ang mga tao, na totoo ang ibang mga mundo. Naniniwala sila sa mga bampira, taong-lobo, sirena, aswang, at mga elementong nilalang. Hindi ko alam ang iba ngunit tiyak kong may alyansa na noon pa ang aming mundo sa kanila. Ibig sabihin no'n ay nagawang itago ng aming mundo at mundo ng mga mortal ang tunay na pagkakakilanlan ng Underworld upang hindi magdulot ng komosyon? Matatag nga ang aming samahan sa kanila. Isa

