Maruem Nagpunta kami sa lugar kung saan mayroong mga tiangge. Napagdesisyunan namin na bumili ng mga damit upang makibagay sa ibang naninirahan dito sa Gruash. Pare-pareho kasi kaming tatlo ng suot tulad ng damit na suot pa namin mula noong umalis kami sa Blood Compact Organization. Aming itatabi pa rin naman ito upang maisuot pabalik. "Ito kaya ang bilhin natin? Napapansin kong ito ang uso rito eh. Mga bulaklakan na damit at mga preskong kulay," sabi ni Salome. Hindi ko naiwasang mapangiwi. Sa Blood Compact Organization nga lamang ako nakapagsuot muli ng jogging pants, jacket, at t-shirt bago ay pagsusuotin nila ako ng bulaklakin na damit. Mas pipiliin ko na lamang na hindi magpalit kaysa magsuot niyan. Mas gugustuhin ko ang mga damit na kulay itim, gray, o puti. Hindi bulaklakan o mga

