CHAPTER 26

2105 Words

Maruem "Tayo ang nangunguna, biruin niyo iyon!? Kaunti na lamang ay makakaalis na tayo rito. Kailangan lang natin patayin ang higanteng iyan. Ano kaya ang itinatagong lakas ng isang ito?" tanong ni Leus at nagpatunog ng buto sa daliri. Ang dragon na nasa harap namin ay may laking doble sa laki ng tore na kinaroroonan namin. Hindi ko alam kung paano ito nagkasya at kung gaano kalakas ba ang kapangyarihan ng ilusyon na ginagamit sa toreng ito. Talagang nakakagimbal ang ilusyon kung titingnan para sa iba. Hindi naman na ako nagimbal, mas nakakatakot pa ang pagtawa ng tagabantay sa nakaraang gate. Iyon ay ayaw ko nang alalahanin pa. Bigla namang humiyaw ang dragon at bumuga ng apoy. Napakahaba ng apoy na ibinuga niya at halos kulay asul na ito. Nagkatinginan naman sina Leus at Salome. Ako n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD