Nakita ko siya sa may gilid ng unibersidad na kausap si Thana nang lalapitan ko sana silang dalawa nang may umakbay sa akin. "Kuya, maiiwan ako dito." bungad ng kapatid ko nang mabaling ang tingin ko sa kanya. "May mga matang nakamasid sa'yo," paalala ko na lang sa kapatid ko nang samaan ko nang tingin. "Oo na," sambit naman ng kapatid ko sa akin napapailing na lang ako sa kanya. Napalingon kami nang mapansin kong ginulat nina Mat at Cute ang dalawang kaibigan. "Pasok na ako, kuya." kaway ng kapatid ko sa akin nang umalis na ito sa tabi ko. "Ingat ka," tugon ko na lang bago ako lumapit sa tatlong magkakaibigan. "Nandito ka na, Light, nasaan ang mga kaibigan mo?" tanong ni Cute sa akin nang makita ako nang tumabi kay Win. "Susunod daw sila mabagal sila gumalaw kaya wala pa sila dito

