Natapos ang araw na ‘yon na puro pagmumukha ni Callum ang nakikita ko. Paano ba naman kasi, kung nasaan ako ay naroon din siya. Parang gusto na niyang palitang ang sekretarya ko sa ginagawa niyang pagsunod-sunod sa akin. Ngayon ay siya na ang nagmaneho ng kotse ko pauwi sa mansyon. At ang sasakyan naman niya ay pinakuha niya sa kaniyang driver. Kunot noo akong nakatingin sa labas ng bintana habang iniisip ang nangyayari ngayon. Why am I letting him do these things to me? Why am I feeling stranged and also a familiar feeling towards his gestures now? Why am I . . . letting myself connected to him . . . again? Hindi na ako nadala . . . “You’re thinking too much,” his baritone voice broke the silence between us. Napatingin ako sa kaniya at nagtaas ng kilay, “I’m just tired.” I said in a

