“Hestia Clariz!” sigaw ko sa anak kong panay ang takbo sa loob ng airport. Sobrang ligalig niya at hindi ko alam kung saan siya kumukuha ng enerhiya. Nakakapagod siyang alagaan sa araw-araw, pero ayaw ko siyang sukuan dahil anak ko siya. Wala namang ibang magtiyatiyaga riyan kung ‘di ako na nanay niya. “Mommy! Mommy!” she chanted as she run towards my direction. Nang tumigil siya sa harap ko ay pinagpapawisan na siya. Agad kong kinuha ang bimpo sa kaniyang bag at ipinunas iyon sa kaniyang mukha, leeg, at noo. Kakatakbo niya sa malawak na espasyo ng airport ay pinagpawisan din sa pagod. “I saw people, Mommy. Cutie unifolm.” It sucks hearing her saying a word with “R” in it. Utal siya sa letrang ‘yan kaya minsan ay tinatawanan ko siya sa salita niya. She really is growing now. Parang ka

