Chapter 7: One and Only

1289 Words
CHAPTER 7 Maria "Hoy bruha kanina ka pa dyan tulala! May nangyari ba? Parang kagabi ko pa napapansin na parang wala ka sa sarili." Puna sakin ni Macey. Napabuntong hininga naman ako at sinubo ang pagkain at hindi sya sinagot. Ayaw kong malaman nya ang plano ni Denrick samin ng anak ko. Baka kung ano pa ang gawin nya. Kilala ko tong si macey. Sobrang mahal ako nito at pag nalaman nyang naapi ako ay ipagtatanggol nya talaga ako. "Ayy di bagay sayo ang mag emote bruha! Ano na?! Sasabihin mo ba o hindi?" Nagpalabas ulit ako ng mahabang hininga bago sya hinarap. "Wala. Alam mo naman ang mga buntis eh. Paiba iba ng mood." Sagot ko at inirapan sya. Tinignan naman ako nito sa mga mata bago bumuntong-hininga. "Basta kung may problema ka bakla nandito lang ako sayo." Sabi nito kaya napangiti ako. I know. "By the way. Kamusta na pala yung pagpunta nyo kahapon sa doktor?" Tanong nito kaya agad ko namang kinwento sa kanya ang nangyari maliban nalang dun sa narinig ko. Hanggang ngayon iniisip ko pa din yung babae. Kaya ba hindi ko ito nakikitang may dinadalang babae sa opisina nito? Dahil nakastuck pa rin ito sa nakaraan? Pero bakit hindi ko nakikita ang babaeng yun? Ni minsan hindi ko sya nakita. Anong nangyari? Ni Minsan ay wala itong dinadalang babae sa opisina. Akala ko nga noon bakla sya eh kaya nasayangan ako. Pero may hindi pa pala sya maiwan sa nakaraan. That girl is so lucky because Denrick loved her so much. I wish, I'm that girl whom he love. Yeah, I wish. Hanggang pangarap nalang ba ako? Pangarap nalang ba na maabot ko sya? Oo ikakasal kami. Pero kasal lang naman sa papel yun. Kasal para sa sarili nito. And for business purposes. "Bakla tulala ka na naman. Nandun na sa sala ang boss mo pero hindi mo man lang narinig ang pagdating nya." Turan sakin ni macey kaya napatayo ako. Niligpit ko ang pinagkainan ko at agad na lumabas. Sinalubong nya ako ng titig nyang makapangyarihan. I don't know if this is just his effect on me but as he stare at me. I can feel the hyperactive butterflies dancing in my stomach. Napatikhim nalang ako bago sya nginitian. "Magandang umaga boss." Bati ko tumango naman ito at hinawakan ang kamay ko. Napapitlag ako sa ginawa nito pero agad din namang ngumiti. Kita ko ang pagtataka sa mukha nito pero nginitian ko lang ito. He heave a sigh then turn to macey. "We are going." Sabi nito kaya tumango naman ang bakla bago kami nakangiting hinatid sa may labas. Nang sumakay kami sa kotse nito ay binalingan pa ako nito bago tinuon ang pansin sa harap. Siguro nagtataka ito sa inasta ko. Marahil ay dala na din ng pagbubuntis ko kaya naging ganito ako umasta. Mood swings nga ika nila. "Tonight we will going to our house. I will announce to them that we will going to get married." Sabi nito ng huminto ang sasakyan dahil sa traffic light. Ngumiti naman ako bago tumango. "Okay po. Sasabihin ko nalang kay macey na magagabihan ako sa pag uwi." Sagot ko pero umiling ito. "No. I already told him about this." Turan nito kaya bumuntong-hininga ako bago tumango. So napag usapan na pala nila ito. Yun lang at katahimikan na ulit ang namayani sa loob ng sasakyan hanggang sa makarating kami sa kompanya. Pinagtitinginan pa kami ng pumasok kami ng sabay sa kompanya. Hindi na dapat kataka-taka yun dahil ako ang sekretarya nya. Hindi ko nalang pinansin ang mga mata nila at taas noo lamang naglakad. Nang makarating kami sa floor namin ay agad ako nitong binalingan. "Mamayang lunch sabay tayong kakain. Understood?" Baling nito sakin kaya tumango ako. Agad naman itong pumasok sa opisina nito kaya napabuntong hininga akong umupo sa harap ng computer ko. I smiled bitterly when I recall what he said a while ago. Kung hindi ko lang sana alam ang plano nito ay baka kiligin na ako dahil sa pag aalalang pinapakita nito. Na para bang importante ang anak ko sa kanya. But I know everything. He will use us for his own sake. I get rid of that thought and proceed to my work. Napangiti nalang ako ng makitang konti lang ang tatrabahuin kong papeles. Mukhang ayaw nitong mapagod ako sa trabaho. Oh please Denrick stop this. I might fall for you deep and hard. Ilang minuto ko ng natapos ang mga papeles at ngayon ay nirereview ko nalang ang schedule nito para naman may magawa ako. Ayaw ko naman na tumunganga nalang dito eh. Binabayadan ako tapos tutunganga lang ako? Ilang minuto ang lumipas ay bapabuntong hininga ako ng matapos ko ng inreview ang mga papeles. So tutunganga nalang ako--- "Where's Denrick?" Napabaling ang tingin ko sa babaeng nagsalita. Nagtaka naman ako dahil ito ang unang beses na may dumalaw ditong babae na hindi nya kapatid o ina. Tinignan ko ito bago ngumiti. "Ahm nasa meeting pa po sya ma'am. Can I ask if you have a schedule for him?" Nakangiting tanong ko pero umirap lamang ito. Yes maganda ito pero yung ugali nito? Umaalingasaw. I must admit that this girl is beautiful. She is so sophisticated. Halatang may pinag aralan din at nanggaling sa mayamang pamilya. "I don't need that. Just call him and tell him that I'll be waiting inside his office." Mataray nitong sabi kaya naman pinipigilan ko ang sarili ko na sabunutan sya. Ito ang unang beses na may ganitong babae na pumunta dito. For the first time in my life. Ngayon lang ako nakaencounter ng babaeng ganito. Because like what I've said. Hindi naman pumupunta ang mga babae dito. Sino ba naman ang gustong pumunta sa lungga ng dragon diba? Akmang papasok na ito sa opisina ng boss ko ng pigilan ko ito. "Ma'am hindi po kayo pwedeng pumasok dyan." Nilingon ako nito at nanlilisik na tinignan. "How dare you?! Hindi mo'ko mapipigilan! Sino ka ba? Eh sekretarya ka lang naman nya." Turan nito na nagpakulo ng dugo ko. Gusto ko sana syang sigawan pabalik na, 'Hindi lang ako bastang sekretarya nya! Dahil ako ang magiging asawa at magiging ina ng anak nya!' mabuti nalang at napigilan ko ang sarili ko. Bumuntong-hininga ako at tinignan sya. "Ma'am hindi po talaga kayo pwedeng pumasok. Kung gusto nyo po ay tatawagan ko po muna sya. Ahm itatanong ko lang po kung sino ang pangalan nyo." Sabi ko dito. Kahit na natatakot ako na baka sigawan nya ako dahil iniistorbo mo sya sa gitna ng meeting. Pero hindi ko naman pwedeng pabayaan nalang ang bruhang to. Kung Hindi ko naman mapipigilan ang babaeng to. Kung hindi ko lang din sya nirerespeto ay baka nasampal ko na sya. Though hindi sya karespe-respeto. Huminga ito ng malalim bago ako tinignan. Hawak ko na ang telepono at hinihintay syang sasabihin ang pangalan nya. Rinig ko ang pagbuntong hininga nito bago nagsalita. "Sabihin mo nalang na nandito ang one and only nya." Wala sa sariling nalingon ko sya at nakapaamang habang tutok na tutok ako sa mukha nya. Don't tell me? Pero bakit ngayon lang sya nagpakita? Tsaka...okay I don't have the right to judge her. It is my first time meeting her and I should give her the benefit of the doubt. Ngayong dumating na sya? Saan ako pupwesto sa buhay nya? Paano kami ng anak nya? Pipiliin nya kaya ang babaeng to? Pipiliin nya ba ito kaysa ang position nya sa kompanya? "Ano pa ang hinihintay mo?! Sabihin mong nandito ang one and only nya!" Sigaw nito ng hindi ako gumalaw. Agad ko namang dinial ang boss ko. One and only? Sya ba si?---sya ba si Denise? **Written by Stringlily**

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD