Chapter 5: Move on

1545 Words
CHAPTER 5 Maria Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat na binigyan ako ng kondisyon o ano. Nakisama ba sakin ang tadhana? Kung ganun ang swerte ko. Hindi lang pala ako dyosa. Sobrang swerte ko pa. "You're spacing out again." Usal ng katabi ko kaya napabaling ako sa kanya. Seryoso ang mukha nito habang pinagdadrive ako nito pauwi samin. Sabi nya para hindi daw ako mapahamak at si baby. Dapat na ba akong kiligin? Sus kinikilig ka naman talaga eh. Singit ng kabilang bahagi ng utak ko. Eh ano naman ngayon? Ito naman kasing boss ko eh. Simpleng galaw lang kinikilig na ako. Hindi naman sya pa-fall. Hindi ko nga alam kung bakit nahulog ako sa kanya eh. Eh mas talo pa nito ang dragon kung magalit eh. Parang makatira din sa Antarctica dahil sa ginaw. Nagtataka lang ako dahil paanong hindi natutunaw ang icy attitude nya kung ganito sya ka-hot? Yung tipong nasa malayo palang sya ay mababasa na yung ano nyo. Alam nyo na...? Namumukol kasi yung... "Maria we--" "Ayy t*ti mo malaki!" Nanlalaki ang mga mata ko ng masigaw ko yun. Omygash! Kitang kita ko ang hindi maipintang mukha nito. Pero pagkaraan lang ay gumuhit ang ngisi sa mga labi nito. Napalunok naman ako at nag iwas ng tingin. Pahiya talaga tong bibig ko! "Hindi ko na itatanong kung nakita mo na ba ang kumpare ko dahil hindi tayo makakabuo kung hindi diba?" Sabi nito habang hindi maalis alis ang ngisi sa labi nito. Gusto kong...gusto kong---gusto kong matikman ang mga labi nya! Aba mayang! Anlandi mo! Dahil na rin Siguro sa pagbubuntis ko kaya malakas ang nag uudyok sakin na tikman ulit ang labi nya. Dalawang linggo ko na kasing hindi natitikman. "Do want to do something? Hmmm?" Nakakaloko nitong sabi habang unti-unting nilapit ang mukha sakin. Napapikit naman ako at hinintay ang paglapat ng mga labi nya. Ramdam kong malapit ng lumapat yun kung hindi lang dahil sa--- "Magandang gabi po!" Abat! Macoy!! Kitang kita ko ang nakangising mukha ng bakla kong kaibigan habang nakatingin sakin. Nang lumipat yun sa boss ko ay sya namang pagningning ng mga mata nito na para bang nakakita ng bituin. Gigil na gigil akong sabunutan ang buhok nya! Kung wala lang dito ang boss ay baka kanina ko pa sya kinarate! "I'm going maria. I'll fetch you tomorrow morning. We need to go to the ob-gyne." Sabi nito kaya napatango naman ako at nakangusong lumabas ng sasakyan. Tumango muna ito kay bakla bago pinaharurot ang sasakyan nito. Rinig ko ang halakhak ng bakla kaya naman napakuyom ko ang kamao ko bago sya binalingan at pinaghahampas. Gigil na gigil ako sa kanya! Lalapat na yun eh! Matitikman ko na ulit pero napurnada pa! Bwisit na bakla! Panira ng moment! "Aray naman bakla! Mayang!" Daing nito pero hindi ako tumigil dahil gigil na gigil talaga ako. "Oyy mayang masakit na! Abat!" Pinigilan naman nito ang dalawa kong kamay bago ako iripan. Aba't may gana pa syang tarayan ako! "Kung Hindi ka lang talaga buntis...nakuuu! Nanggigil din ako sayong babaita ka! Ang landi! Marupok! Bumigay agad." Gigil na sabi nito kaya binelatan ko ito. Napatirik naman ang mga mata nito at inirapan ako. "Eh ikaw ba naman! Palay na ang lumalapit aayaw ka pa ba? Tsaka gusto ko ulit matikman ang masarap nyang labi! Pang dessert lang. Malay mo baka kambal ang magawa namin hihihi." Sabi ko bago sya tinalikuran. Tawang tawa ako ng gigil itong sumigaw. "Aba't mayang!!" "MAYANG dalian mo na dyan! Nandiyan na ang fafy mo! Wag mo na syang paghintayin!" Rinig kong sigaw ng bakla sa labas ng kwarto ko. Mas binilisan ko naman ang pagsuklay ng buhok ko at nagmamadaling lumabas ng kwarto ko. Pagkalabas ko ay sya naman hila nito ng buhok ko. Tinignan ko ito ng masama pero umirap lang ito bago bumaba. Bumaba na din ako at nakita ko ang boss ko na parang model na nakaupo sa luma naming sofa. Suot ang simpleng grey t-shirt at maong pants na pinaresan ng sneakers nito ay mukha pa rin itong mamahaling dyamante. Kahit na luma ang sofa namin ay parang ginawa nya itong bago sa pag upo nya dun. Para nyang hinihintay ang reyna nya na baba sa hagdanan. At Sino pa ba ang pwede nyang maging reyna? Hahanap pa ba kayo? Nandito na ang dyosa na si Maria Isabella! Kita ko pa ang paghagod nito ng tingin sakin bago tumayo. "Let's go?" Tanong nito sakin kaya ngumiti ako bago tumango. Nagpaalam naman muna ito kay bakla na nasa kusina bago kami lumabas. Hindi pa ako tuluyang nakalabas ay nilingon ko muna ang kaibigan ko na nakamasid samin mula sa kusina. Binelatan ko ito at natatawang sumakay sa kotse. "Your friend is so funny." Turan nito habang nasa sasakyan kami. Ngumiti naman ako. "Ayy oo funny talaga yun! Pati nga mukha eh!" Sagot ko kaya kita ko ang pag ngisi nito. "I admire your relationship with each other. I can see that you really treat him as your sibling and vice versa." Puna nito kaya naman ngumiti ako. "Oo. Kahit na naiinis ako sa kanya minsan ay Mahal ko pa din ang bakla na yun. Pero satin lang to ha? Ayaw ko kasi na mas lumaki pa ang ulo nun." Sabi ko kaya tumango ito. Hindi naman nagtagal ay nakarating kami sa ospital. Nasa hallway palang kami papunta sa clinic ng ob-gyne ay kitang kita ko ang mga malalagkit ng tingin na ibinibigay ng mga nurse kay Denrick. Tusukin ko mga mata nila eh. Hello! May kasama sya dito oh! "Hey do you have a problem? Ba't ka nakasimangot dyan?" Tanong nito at umiling naman ako. "Wala to." Sabi ko kaya bumuntong-hininga ito at hindi na nagtanong pa hanggang sa makarating kami sa clinic. Nagulat pa nga ako ng dito nya ako dinala eh. I mean kasi ito yung ob-gyne na nagcheck sakin nun. "Hi! We met again!" Masayang bati sakin ng doktora. Sya yung kalahi ko na dyosa din. Ngumiti naman ako. "Oo nga po eh." Nahihiyang sabi ko bago balingan si Denrick na nakakunot ang noo. "Magkakilala kayo?" Taka nitong tanong kaya tumango ang doktora. "Oo. Nagpacheck up sya sakin." Sagot ng doktora kaya naman tumango ito. "Now you can do your work." Sabi nito sa doktora pero imbis na mainis ay tumawa lang ito. "Still the impatient Denrick Moncuedo huh? Nothing change cousin." Natatawang sabi nito kaya nagulat ako. As in magpinsan sila? Kaya naman pala parehong bumaba galing mount Olympus. Pansin ko din na parang nasa lahi na ng boss ko ang mga magaganda at gwapo. Nakita ko na din kasi ang nakakabata nitong kapatid na babae at syempre parents nito. Ikaw ba naman ang magtrabaho sa kanila sa loob ng dalawang taon diba? "Just do your work George." Walang pasensya nitong sabi kaya natatawa akong binalingan ng doktora at tinanong ng kung ano-ano bago nito ibinigay sa boss ko ang papel na may laman ng mga dapat kung gawin at kainin. Kita ko naman ang pakikinig ng boss ko. Pagkatapos ay binasa nito ang papel na bigay ni doktora. Nakatitig lang ako sa kanya habang nakakunot ang noo nitong binabasa ang papel. Nag angat ito ng tingin kaya nagtama ang mga mata namin. Kung titignan mo lang yun ay parang normal lang pero pag tinignan mong mabuti ay makikita mo ang isang nawawalang tao. He's lost. "A-ah cr po muna ako." Paalam ko. Though this is just a part of my alibi. Hindi ko Kasi makayanan ang titig nito sakin eh. Habang nasa loob ng cr ay napatingin ako sa kawalan bago napabuntong hininga naman at napangiti. Mabuti nalang at nandito si Denrick sakin para alalayan ako. Na papanagutan nito ang batang dinadala ko. Hindi ko naiimagine na ganito ang mangyayari. I expect worst but look! Hindi naman pala yun ang mangyayari. Masyado siguro akong nag over think sa mga mangyayari kaya naging ganun ang kaba na nararamdaman ko. Pero hindi naman kasi maiiwasan ang mag over think. Lalo na't pag nasa ganun kang sitwasyon. Iba't ibang senaryo na talaga ang pumapasok sa utak mo. Nakangiti akong lumabas ng cr at lalapit na sana sa kanila kung hindi ko lang narinig ang usapan nila. "She's just a friend. Kailangan ko lang sya para hindi ako mapaalis sa posisyon ko. Nothing more nothing less." "But look cousin! I think it is the time to move on from the past! Denise don't like this! Move on from her and start a new with maria. She's great and I like her." Mariing Turan ng doktora sa pinsan pero umiling lamang ang kaharap nito. "She is just my secretary. And she will remain like that. Yes she will be the mother of my child but that's just it! I will not gonna fall for her. I will not." Ganti naman nito habang ramdam na ramdam mo ang riin sa mga salitang binibitawan nya. Parang gumuho naman ang kaninang pag asa na namumuo sakin. Ginagamit nya lang ako. Hindi nya ako mamahalin. Yun lang. But I should be grateful right? Because my child will have a complete family. But the difference is. The love between her/ his parents is just one sided. **Written by Stringlily**
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD