Chapter 3: Plan

1645 Words
CHAPTER 3 Maria Morning came and I feel like vomiting. Agad akong tumakbo sa cr at nagsusuka. Ramdam ko din ang pagkahilo kaya naman napaupo ako sa sahig. Habol ko ang hininga ko at hindi pa nag sink in sakin ang nangyari. "Mayang Kain na---oh!anong nangyari sayo?!" Tanong ng kaibigan ko at agad akong dinaluhan. Inilalayan ako nito paupo ulit sa kama ko at nag aalala akong tinignan. Nakatulala lang ako habang pilit na pinaprocess ang nangyari sakin. Ngunit ng tuluyan na itong maproseso ay sya namang paglukob sakin ng kaba. Hindi matanggap ng Sistema ko ang binibigay sa'king sagot ng utak ko. Katahimikan ang namayani saming dalawa. Ngunit nabasag yun ng magsalita si macey na tila bomba sakin. "Mayang...buntis ka ba?" Tanong nito kaya napalunok ako at isa-isang tumulo ang luha ko. Ilan lang naman ang sintomas na pinapakita sakin pero kinakabahan pa rin ako. Panu kung magbunga ang ginawa namin? Papanagutan nya kaya ako? O isa din sya sa mga lalaking itatapon lamang ang mga babae pagkatapos nilang makuha? Yan ang mga katanungang paulit-ulit na nag echo sa utak ko. Napangiti ako ng mapait dahil dun. "Kinakabahan ako Macey. Panu kung hindi nya ako panagutan? Panu kung kamuhian nya ako? Sisirain ko ang pagiging malaya nya pag nagbunga nga ang ginawa namin." Kinakabahang sabi ko kaya naman hinagod nito ang likod ko. "Hindi masasagot ang mga katanungan mo na yan kung hindi mo kumpirmahin ang lahat. Komprontahin mo din sya. Malay mo panagutan ka nya. Hindi lang naman ikaw ang may kasalanan dito. Pareho nyong ginawa to. Ano yun nagpakasarap lang sya sayo tapos hindi ka nya papanagutan? Aba Hindi pwede yun mayang! Wag kang mag alala. Sasamahan kita. Nandito lang ako para sayo." Unti-unti namang nabawasan ang bigat na nararamdaman ko. I'm very lucky to have her as my friend. Parang naranasan ko na ding magkaroon ng nakakatandang kapatid sa katauhan nya. Samin kasi ay ako ang pinakamatanda kaya naman ako ang sandigan nila. "Thank you Macey." Pasasalamat ko sa kanya pero mahina lang ako nitong hinampas sa braso. "Sus! Hindi bagay sayo no! Pumapangit ka!" Sigaw nito kaya nanlalaki ang mga mata ko. Parang hindi ko matanggap ang sinabi nito. Si Maria Isabella? Pumapangit? Guguho na ba ang mundo?! "Anong pumapangit?! Hoy sinasabi ko sayo! Never pumapangit ang mga dyosang kagaya ko!" Ganti ko dito kaya naman natatawa ako nitong hinampas sa balikat. Natawa na din ako at pansamantalang nakalimutan ang bigat na nararamdaman. "O sya! Halika na at sasamahan kita sa doctor." Turan nito kaya naman tumango ako at nagbihis na bago lumabas. Kung ano man ang magiging resulta nito ay tatanggapin ko ng buong puso. Ginawa ko na yun at hindi naman ako ipokrita para sabihing hindi din ako nasarapan sa ginawa namin. Like gaga ka ba?! s*x god na yung nasa harap mo magiging choosy ka pa? Ilang minuto ang nakalipas ng marating namin ang hospital. Dumeretso kami sa ob-gyne na nirekomenda ng landlady namin. Nagsimula na namang magkarerahan ang mga kabayo sa loob ng dibdib ko at hindi magkamayaw ang mga paru-paru sa paglipad sa loob ng tyan ko. Kahit na ano kasing mangyari ay hindi pa rin mawala sakin ang kaba. Pero ngayon ay may nakahalo ng ibang emosyon. Excitement. "Miss Dimasali?" Tawag samin ng secretarya ng doctor. Tumayo naman kami at inilalayan ako ni macey. Ngumiti samin ang sekretarya nito at binalingan si macey. "Magandang umaga po mister Dimasali." Bati nito kaya naman pigil na pigil ko ang pagtawa. Ramdam ko naman ang paghigpit ng kapit ni macey sa braso ko. Tinignan ito ni macey mula ulo hanggang paa bago umirap. "Sa ganda kong to?! Tatawagin mo lang akong mister?" Gigil na sabi sa kanya ng bestfriend ko. Nanlalaki naman ang mga mata ng nurse at humihingi ng tawad ang mga mata. "Pasensya na po." Hingi nitong paumanhin pero ang bestfriend ko ay gigil na gigil talaga. "Mabuti nalang talaga nakapagpigil ako. Kung hindi kanina pa kita sinabunutang bruha ka. Hmp! Sa ganda kong to! Mister ang itatawag." Gigil na gigil pa rin nitong Turan kaya naman hinampas ko na ito para matigil. Marami pa namang mga susunod samin kaya kailangan na naming pumasok kay doktora. "Halika na bakla." Tawag ko sa kanya kaya bumuntong-hininga ito bago ulit ako alalayan. Nahihiya naman kaming iginiya ng nurse papunta sa silid ng doktora. Pagpasok namin ay sinalubong kami ng isang ngiti ng babaeng kalahi ko. Omy! Isa din syang dyosang bumaba galing mount Olympus. May nahanap na naman akong kalahi ko! "Good morning miss dimasali and---?" Tukoy nito kay macey. Napabuntong hininga naman si macey dahil hindi na sya tinawag na mister. "Miss macey lipana." Ngiting ngiti nitong pakilala sa doktora kaya naman mahina itong natawa. "So good morning miss macey." Bumaling naman ito sakin. "So nice to meet you." Nakangiti pa rin bati nito. "Nice to meet you too." Saad ko at gusto ko pa sanang idugtong ang 'I'm glad to meet a goddess like you.' Mabuti nalang napigilan ko ang sarili ko. Sobra sobrang kaligayahan ang nararamdaman ko pag may nakita akong kalahi ko din hihihi. "So I'm Georgina de guzman your ob gyne. So now let's proceed. I will ask you some questions okay?" Pagsisimula nito kaya tumango ako. Ngumiti ito sakin bago ako tinanong. "May nararamdaman ka bang iba? Like vomiting? Or dizziness?" Tanong nito kaya kagat labi akong tumango. Napatango naman ulit ito at sinulat yun sa papel. "Okay, So When was the last time you had?" Tanong nito kaya napanguso ako ng maalalang mag tatatlong linggo na akong hindi na dadatnan. "Three weeks na po dok." Sabi ko kaya lumabi ito bago napabuntong hininga. May kinuha itong kung ano at ibinigay sakin. "Now you need to take this. May cr ako dyan and just follow the steps na nasa likod nyan okay? After that ibigay mo sakin." Paalala nito kaya naman wala ako sa sariling napatango. Dahan-dahan kong tinignan ang binigay nito sakin at napabuntong hininga. Pregnancy test kit. Inilalayan ako ni macey papuntang cr na ipinagpasalamat ko dahil nangangtog na ang mga binti ko. Pagkatapos ay agad kong binasa ang instructions na nakalagay at naghintay ilang minuto bago ko tinignan yun. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang mararamdaman ko. Halo halo na ngayon ang emosyon ko. Happiness, anxious and excitement. There are still some that I can't name. Para akong babagsak sa sahig kaya naman kumuha ako ng supporta sa dingding habang naglalakad palabas. Sinalubong naman ako ng nag aalalang mukha ni macey. Wala sa sariling binigay ko ang test kit kay doktora. Pagkaraan ng ilang minuto ay bumaling ito sakin at nakangiting hinawakan ang kamay ko. "Congratulations! You're three weeks pregnant!" Masayang sabi nito kaya ngumiti lang ako at nabalik na naman sa malalim na pag iisip. May sinasabi ito sa kaibigan ko pero hindi iyon na proseso sakin. Namalayan ko nalang na nakauwi na pala kami. Denrick "How dare you to dictate me what to do? I'm the CEO of this company and I will not accept trashy opinions from the people who is under my position." Wala ka ngiti ngiti kong sabi. Mariin ko na ring nakuyom ang mga kamao ko dahil sa tinuran ng mga kaboard meetings ko. "Pero Mr. Moncuedo para naman to sayo. You're in your thirties now and you need a wife to be by your side. You also need a successor." Turan ng isang matandang ka meeting ko. He is one of the stock holder. "Yeah I agree with Mr. Villanueva. Kailangan mo ng pamilya na magiging kaagapay mo. Kailangan mo din ng anak para maging successor mo mr.moncuedo." Pag sang ayon naman ng isang may edad na babae. Si misis delacruz na asawa ng gobernador na si edmundo delacruz. "Kung hindi mo magagawa yun ay baka mapipilitan kaming alisin ka sa posisyon mo ngayon Mr.moncuedo." Saad naman ang isa kaya marahas akong napabuntong hininga at napabaling ang tingin ko sa ama kong nakaupo at nakatingin samin. Bumuntong hininga ito at binalingan ang mga tao sa loob ng silid na iyon. "This meeting is adjourned. Leave this to me." Sabi nito ng ama ko at kanya-kanya namang tango ang mga kaboard meetings ko. He has this icy attitude that only my mom can melt. His face remain stoic. At namana ko to sa kanya. He is also a monster in business. A demon to be exact. Napaupo ako sa swivel chair ng titigan ako nito bago bumuntong hininga. I know what he is thinking. I know because we are in the same race. Nagmana ako sa kanya kaya naman kilalang kilala ko na ang ganyang ekspresyon na ibinibigay nya. "Son. You need to do what they've said. Tama sila. Kailangan mo ng pamilya. Nang anak para maging successor mo. If you will not obey then iaaalis kita sa posisyon mo. Hindi pwedeng ganito nalang. Kailangang may magmana ng kompanya. Ang susunod sa yapak mo. And your mom wants a grandchild too. You're in the right age to do that. Now it's up to you kung sino ang gusto mong maging ina ng anak mo. Remember. We are in the business world. Everyone wants your position. They have the desire to take it from you." Salita nito kaya napahawak ako sa sintido ko. F*ck! F*ck those stock holder. They won this time but I will make sure that this is the last. The first and the last. Hindi nila gustong makalaban ang isang Denrick moncuedo. Isang tapik sa balikat ang natanggap ko mula sa aking ama bago ako nito inayang lumabas. Nasuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay at wala sa sariling natuon ang tingin sa isang babaeng wala sa sariling nakaupo sa harap ng computer nito. A smile slowly crept on my face. Now I just need to execute my plan. **Written by: Stringlily**
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD