LEAN MACAROV Hinatid ako ni Tracy at Shane papunta sa sinasabi nilang Headmaster. Nasa pinakataas kami na palapag ng kasilyo. Sa kanang banda ng hallway, may malalaking bintana na tinatabunan ng glass, sa kaliwa naman ay ang mga pintuan papunta sa mga clasroom at sa mga gitna ng mga pintuan ay may malalaking etatwa ng mga tao. Walang mga tao na tumatambay, siguro ay dahil na rin sa klase. Umabot kami sa pinakahuli ng kasilya na may malaking pinto. Bigla kong naalala ang mansion, maraming pagkakapareho ng mansion at ng Academy. Automatic ang pagbukas ng malalaking pintuan at bumungad sa aming tatlo ang napakalaking kwarto. may mesa sa gitna at may mga sofa naman sa magkabilang harap ng mesa, sa kaliwa ay puno ng mga aklat at sa kanan naman ay may mga painting. Umasim ang mukha ko, naalal

