LEAN MACAROV
"Woah." Hindi ko maiwasang mamangha. Mula sa open field kung nasaan ang lumilitaw na ilog, pumasok kami sa masukal na kagubatan at dumating dito. May naglalakihang pader na umaabot sa pinakamataas na bundol, no, it's more than that.
Sa harapan naman namin ay may naglalakihang gate na nakakonekta sa isang tulay na gawa sa bato. sa ilalim ng tulay ay may ilog na umaabot din hanggang sa maabot ng aking mga mata. Sa taas may mga letrang nakaukit ng salitang Vindora.
Pumunta kami sa maliit na pintuan sa tabi ng gate, kumatok ang lalaking kinuha si meow mula sa akin at sinilip siya ng isang lalaki. Mukhang kagigising lang ng lalaki at nang makita ang lalaki ay mabilis niyang binuksan ang pintuan for papasukin kami.
Papasok sana ako nangpinigilan ako ng lalaki. Napatigil ako sa paghinga dahil tinutukan niya ako ng espada. Pinaningkitan niya ako ng mata.
"Sino ka? hindi kita kilala, hindi ka basta-basta pakakapasok dito" masungit na sabi sa akin ng lalaki. Ngayon ko lang napagtanto na ang suot niya ay tulad ng suot ng mga kawal sa bahay namin. Nanigas ang katawan ko dahil sa isang galaw ay maari niyang putulin ang ulo ko.
Biglang hinawakan ng lalaking itim ang buhok ang espada ng lalaki at nilayo ito mula sa akin.
"She's with us" seryoso niyang sabi. Nanlaki ang mga mata ng kawal at humingi ng paumanhin. Pinadaan ako ng kawal at naunang maglakad. Hinawakan ng isang lalaki ang braso ko at inalalayan akong maglakad dahil nawala bigla ang lakas sa katawan ko.
Lumabas ulit kami sa isa pang pintuan palabas ng maliit na kwarto ng kawal, napasinghap ako. Nawala bigla ang takot na naramdaman ko nang makita kung ano ang nasa kabilang parte ng pader.
"Oh my god" nanlaki ang mga mata ko, ang ganda dito. Pagpasok sa loob ng gate, may maluwag na daanan. sa gilid nito at may mga bahay na makukulay at may kakaibang mga disensyo. Sa baba ng mga bahay ay mga maliliit na tindahan kung saan may nagtitinda ng iba't-ibang mga gamit.
May mga karwaheng dumadaan at may nakasakay na mga tao na may iba't-ibang kulay na kasuotan. May mga batang naghahabulan at maiingay ang mga tao sa paghahalina ng mambibili. May mga matatanda na gumagawa ng bula na may iba't-ibang hugis mamangha ang maliliit na bata.
"Madalang lang ang mga tulad mo dito" bigla akong kinausap ng isang lalaki kong kasama, mataas siya, kayumanggi ang balat at may kulay silver na buhok. Nag-aagaw pansin din ang kulay asul niyang mga mata. "Mga normal na taong bigla-bigla nalang sumusulpot sa boundary"
"H-ha?" taka kong tanong. Parang na-offend ako sa bigla-bigla nalang na sumusulpot. Hindi ko naman kasalanan yun eh, kasalanan ng multong bumubulong.
"We like to call you mushrooms" nakangisi niyang sabi "para kayong mga kabuti na kung saan-saan lang sumusulpot"
Nagpatuloy sila sa paglalakad pero napatigil ako, Mushroom? ako? mushroom?
Nilingon ako nung lalaking kinakausap ako kanina at napatawa. Bumalik siya sa akin at inilahad ang kamay niya.
"Ako si Wade" sabi niya. Tinitigan ko ang kamay niya at binalik ang tingin sa kanya. Ano ang gusto niyang gawin ko? Inilahad ko din ang kamay ko sa kanya.
oh. gusto niyang magpagandahan kami ng kuko? ngumisi ako ipinagyabang ang kuko kong bagong linis.
Napatigil siya nang pareho kaming nakadapa ang mga kamay sa ere. Bigla siyang tumawa ng malakas.
"Takte, anong ginagawa mo?" sabi niya at tumawa ng malakas. pinaningkitan ko siya ng mga mata, hindi ba kami nagpapagandahan ng kuko?
"Oo nga pala," tumigil siya sa kakatawa at huminga ng malalim "I'm Wade Fletcher, I have the Ability to control Ice" sabi niya.
Bigla niyang inilahad ang kamay niya, may mga yelong bumalot sa kamay niya. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko at tiningnan ang mga kamay ko.
Bakit wala akong ganyan? Ang unfair.
"Bakit pinapakita mo sa akin yan?" masungit kong sabi sa kanya at inirapan siya. Nabigla siya sa inasta ko at kumunot ang noo. "Nagpapainggit ka? kasi may yelo ka sa kamay?"
nanliit ang mga mata na at mukhang naguguluhan sa akin, maya-maya ginulo niya ang buhok ko.
"Ewan ko sayo," natatawa niyang sabi "Halika na, mukhang kailangan mo ng damit at sapatos"
Naglakad kami ng ilang minuto bago lumiko sa isang masikip na lugar. Nahihirapan ako dahil sa haba ng buhok ko na minsan ay naapakan ni Wade, palagi ko siyang tinitingnan ng masama.
Nang makalabas kami sa masikip na daan napunta kami sa isang open space. May daanan na gawa sa bato at mga d**o naman ang nasa paligid, may isang puno sa gilid na may lumang duyan. Sa harapan namin, may isang malaking bahay na gawa sa mga sanga at ugat, ang mga pader at bubong nito ay gawa sa pinagdikit-dikit na mga sanga, sa ibabaw naman ng bahay ay mga dayon at may mga bulaklak na nakadikit dito.
wew, this is a literal tree house.
Napansin kong humiwala ang lalaking itim ang buhok na hawak si meow, bigla nanaman akong nalungkot, naalala ko yung mga alaala namin ni meow. Pumunta siya sa malaking puno at walang kahirap-hirap na tumalon papunta sa sanga nito at biglang humiga.
"That's Flame's favorite place" bulong ni Wade sa akin, iniwas ko ang tingin kay Flame na 'yon at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi pa kami umaabot ng bahay, may lumabas na babaeng may dala-dalang kawali at tumatakbo palapit sa amin.
"Wade!" galit na sigaw ng babaeng may tuwid at maiksi ang buhok, nakasuot siya ng pajamang may design na mga bear at t-shirt na may nakasulat na 'Potterhead' "Sabi ko sayo linisin mo yung kusina pagkatapos mong gumamit! bakit nagkakalat sa kusina?!"
Nanlalaki at nanlilisik ang mga mata ng babae at tumakbo palapit sa amin, biglang nagtago si Wade sa likod ko kaya tumakbo palapit sa akin ang babae pero biglang bumagal ang takbo niya at napatigil sa harapan ko.
"S-sino 'to?" nagtataka niyang tanong hawak-hawak parin ang kanyang kawali. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa "Bata?"
Biglang kumunot ang noo ko sa sinabi niya at tiningnan siya ng masama. Inihilig niya ang kanyang ulo sa kaliwa niyang balikat at tiningnan ako ng maigi. Mas mataas sa akin ang babae, eh, mas mataas silang lahat kesa sa akin.
"Ang cute" sabi niya. Lumabas si Wade mula sa likod ko at tumawa "Ang cute diba? nakakatawa din yan. Natagpuan namin na umaaligid sa boundary, dinala namin dito dahil baka mamatay"
Naningkit ang mga mata ng babae at tiningnan ako ng mabuti, hinawakan din niya ang buhok ko na puno ng pagtataka.
"A mushroom?" Ayan nanaman yang mushroom na yan! kung sila kaya yung gawin kong kabute!
"Oo," biglang nagsalita ang pinakamaliit na lalaki, mas mataas parin siya kesa sa akin pero siya yung pinakamaliit sa kanilang mga lalaki. Kulay brown yung buhok at may bilog na mata, siya yung pinakacute sa kanila "Hindi pa namin alam kung normal na tao ba siya o may ability tulad sa atin"
Tiningnan ko siya na nakataas ang isang kilay.
may ability din kaya siya? tulad ni Wade? gumagawa din ba siya ng yelo?
"Hindi ako gumagawa ng yelo, pero oo may ability ako" sabi niya habang nakatingin sa akin. Nanlaki ang mga mata ko, nasabi ko ba yun ng malakas? hala, ang tanga.
"Hindi mo nasabi ng malakas, you're just easy to read" sabi niya ulit, lumapit siya sa akin at binigyan ako ng matamis na ngiti.
"Ako si Kairo Phantom, Telepathy ang ability ko, minsan kaya kong magpagalaw ng mga tao pero madalang lang"
Gulat akong napatitig sa kanya, so kaya niyang bumasa ng isip? hindi ba delikado yon?
"Only if I make eye contact," pagsagot niya ulit sa tanong ko "At hindi ako cute, gwapo ako"
Iniwas ko ang tingin ko bago niya pa basahin ulit ang iniisip ko, ang weird naman pala ng mga mula sa labas ng mundo. Ibang-iba ito sa mga nabasa ko sa libro. Yung sa libro walang mga nagyeyelong kamay at nakakabasa ng isip, sa mga libro walang mga bahay na gawa sa mga sanga at sa libro walang mga halimaw.
"Ah," sabi nung babae na parang biglang may naalala "Luke, pakiayos pala nung bubong, nagkabutas kasi dahil halos masunog ni Wade yung kusina" sabi niya at tiningnan ng masama si Wade.
Tumango naman ang isa pang lalaki, sa kanilang lahat siya lang yung tahimik. Malaki ang katawan niya at nakasuot ng eyeglasses. May itim siyang buhok at may dala-dalang libro.
"Siya si Luke Alvon," sabi ni Kairo sa akin, hindi ako lumingon sa kanya dahil baka basahin nanaman ang isip ko "Wolf-boy tawag namin diyan. He can turn into a werewolf at kaya rin niyang pagmanipula ng kagubatan"
great, another weirdo.
"Alis muna ako, may date pa ako" biglang sabi nung lalaking may matingkad na damit, may kulot siyang buhok at maputing kompleksyon. Inayos niya yung buhok niya at akmang aalis pero hinawakan siya ni Kairo.
"Bawal kang umalis, babalik na tayo sa academy mamaya" sabi ni Kairo. Kumunot ang noo ng lalaking kulot an buhok at padabog na pumasok sa bahay.
"Ang OA naman ni Tristan," masungit na bulong ni Shane "babaero talaga"
Napansin niyang nakatingin ako sa kanya kaya napangiti siya sa akin.
"Ako si Shane Omega, I can make illusions. But it's better not to do it on you" kinindatan niya ako at tumingin sa pintuan kung saan pumasok yung si Tristan.
"That was Tristan," sabi ni Shane "Tristan Hollows, He has he ability to control water. May pagka Playboy pero mabait naman"
Tumango ako pero bigla akong napalingon nasaan yung lalaking kumuha kay meow. Naiinis pa rin ako sa kanya.
"Yan naman si Flame Ryker" panimula niya "He has the Ability to control fire, he can also change his form because of his demon blood. He's the strongest among us"
Demon? pati mga demonyo marami dito? no wonder kinuha niya si meow mula sa akin. Pinapasok ako ni Shane sa bahay nila. Sa loob ng bahay nila, tulad din sa labas ang interior design. Ang mesa, mga poste, mga cabinet ay gawa din mula nagdikit-dikit na mga sanga.
Mga lampara na nakabitay sa kisame palibot ng bahay ang nagsisilbing ilaw sa loob. Pinaupo niya ako sa sofa na gawa din sa mga sanga pero may mga dahon na nakalagay sa ilalim ng sofa at nakaibabaw ay maliliit at malalambot ng mga ugat kay malambot pag inupuan.
Sa harap ko, may maliit na hagdanan papunta sa second floor. Nagulat ako nang may babaeng bumaba galing dito daladala ang isang kulay pink na pouch, nakasuot siya ng pink na robe at sa kabila niyang kamay, hawak-hawak ang isang curler.
"Shane, nakita mo ba yung--" napatigil siya sa pagsasalita nang makita ko. Nanlaki ang mga mata niya at tumakbo palapit sa akin.
"Omg" sabi niya "Ang cute" dagdag niya at pinisil ang magkabilang pisngi ko. Narinig ko ang malakas na pagtawa nina Wade sa labas.
Kmunot ang noo ko sa kanya, maputi siya at may matangos na ilong. May mahaba at itim siyang buhok at mapupula ang kanyang mga labi, kakaiba ang kulay ng mga mata dahil pinaghalong brown at dilaw, it was bright, parang bampira.
nakayuko siya sa akin kaya hindi ko namamalayan bumaba ang tingin ko, nanlaki ang mga mata ko sa nakita at napatingin sa dibdib ko. Hindi ko namamalayan na napahawak ako sa dibdib ko at pinisil ito.
Napasimangot ako, wala akong naramdaman. Bumalik ang tingin ko sa dibdib niya at pabalik sa mukha niya. Malawak ang mga ngiti niya.
"Hala." mahina kong sabi "ang unfair."
--
END