LEAN MACAROV
"Ang boring talaga!" sabi ko at hiniga ko ang sarili ko sa napakalaki kama at tumingin sa pader. Malungkot kong tinitigan ang mga nakapintang imahe sa pader, puno ito ng mga imahe ng itsura sa labas. Nilibot ko ang tingin sa mga librong nakatambak sa loob ng kwarto ko.
It was only escape. The only images I see on the outside world. Sa mga libro lang ako natututo kung ano ang meron sa labas ng mga naglalakihang pader.
Huminga ako ng malalim, kailan kaya ako makakakita ng bayan? ng dagat? gusto kong maging malaya, gusto kong makita ang mundo. Nung bata pa ako, minsan ko nang makita ang mundo sa labas at nais kong bumalik doon.
Tiningnan ko ang mga notebook kung saan nakaukit ang pangalan ko na paulit-ulit ko na sinusulat.
Lisanna Eloise Antoinette Macarov. Pero Lean ang tawag sa akin ni Doyle, ang taong nagaalaga sa akin.
"Madam, nakahanda na po ang hapagkainan, hinihintay ka na po ni Sir." Sabi ng isang babaeng matagal nang nangsisilbi sa amin, umupo ako ng maayos at ngumiti sa kanya bago sumagot
"Opo, bababa nalang po ako" Sabi ko sakanya, humarap ako sa salamin para tingnan kung presentable ba ang suot kong bestida.
Bumaba na ako ng napakalaking hagdanan at nakita si Doyle sa napakamahabang naming mesa, si Doyle ang kasama ko dito sa Mansyon, hindi ko siya kaano ano, sabi niya guardian ko daw siya simula nung mamatay ang mga magulang ko, oo ulila ako pero minana ko lahat ng kayamanan ng pamilya ko.
Isang nakakatakot na tao si Doyle, isang mataas na tao na ang mata ay may malaking peklat sa mukha. May katandaan na rin si Doyle, palagay ko nasa 50's na siya at palaging nakasuot ng suit maliban nalang sa pagtulog, sa buong buhay ko hindi ko pa nakitang nagsuot siya ng bang damit.
Minsan wala si Doyle sa mansyon dahil busy siya sa pagpapatakbo ng business na minana ko kena mama, yun lang ang sabi niya pero hindi ko alam kung ano ang business na iyon. inalalayan akong umupo sa kabilang dulo ng mesa ng mga tagasilbi at nilagay na ang pagkain sa harapan ko.
"So, how's your day?" tanong bigla ni Doyle habang sumusubo, mukhang bagong ligo siya at aalis nanaman para sa trabaho.
"Same as usual, wala namang pinagbago" I said in a disappointed tone, I never treated him with enthusiasm. Bigla niyang binagsak ang kutsara't tinidor niya ng padabog, nagulat naman ako sa ginawa niya. Nakalimutan ko, ayaw ni Doyle kapag nagrereklamo ako o walang gana.
"We've talked about this! bakit kailangan mo pang ulit ulitin?! you are never allowed to go outside of those walls! ever!" Sigaw niya, biglang uminit ang ulo ko.
Buong buhay ko, nakakulong ako sa isang mansyon. Hindi ako nagreklamo, hindi ako nagtangkang tumakas pero napupuno na ako. Gusto ko nang maging malaya. Ano ang gagawin ko sa pera kung hindi ako malaya?
"I'm sick of being trapped in here! bakit ba hindi mo ako pinapalabas?! Hindi ako isang halimaw para ikulong!" sigaw ko rin sa kanya. Bigla akong sumabog, hindi ko maintindihan ang sarili ko.
"I am just trying to protect you! the world is cruel! at alam nating dalawa na kapag nalaman nila ang totoo mong pagkatao, gagawan ka nila ng masama!" sigaw niya sa akin pabalik. This time he was standing, Tumayo rin ako the tension between us was thickening.
"Protect?! Kinukulong mo na ako dito! I don't even understand why you built all those tall walls!" Umiiyak na ako habang tinuturo ang matataas na pader sa labas, I hate being trapped, I hate the fact that I have no freedom
"Bakit Doyle?! sila ba ang dapat kong katakutan? o ikaw?"
"That's it. go to your room, you are never going to set foot outside the mansion my decision's final" Bigla siyang kumalma. Bumalik sa pagiging malamig ang mga mata niya, kinuha niya ang table napkin at casual na pinahiran ang kanyang bibig. Inayos niya ang kanyang coat at naglakad palabas.
Napasigaw ako sa inis at umakyat papunta sa kwarto. Bago makarating sa kwarto, dumaan ako sa isang maluwag na hallway kung saan may mga lampara na nagsisilbing ilaw. Sa mga pader, may mga nakadisplay na paintings o mga portrait na binili niya sa mga auction.
Doyle has a fascination with paintings, dahil sa galit ay kinuha ko ang vase sa gilid ng daanan at binasag ito. Kumuha ako ng piraso ng basag na Vase at ginamit ito para punitin ang mga painting sa gilid.
Napasinghap ako at nabitawan ang basag nang nasugatan ako, napatitig ako sa palad ko at dumaloy ang dugo mula dito. Pumasok ako sa kwarto at nilock ang pinto.
Kinuha ko ang medicine kit sa ilalim ng higaan ko at ginamot ang sugat. Nilibot ko ang gauze sa sugat at napatitig nalang sa bintana. Ang mansyon ay may tatlong palapag kung saan ang una ay nagsisilbing storeroom. Isang beses lang sa isang buwan bumubukas ang gate ng mansion, dito pumapasok ang mga truck na nagdedeliver ng mga pagkain.
Sa palibot ng mansyon, may malalaki at matataas na pader na gawa sa semento, sa taas naman may nagpapatrol na mga kawal. Huminga ako ng malalim at pinigilan ang mga luhang nagtatangkang pumatak, naiinis ako sa buhay ko. Pakiramdam ko nag-iisa lang ako sa mundong ito.
Wala akong makausap kundi si Doyle lang, pinagbabawalan din ang mga tagasilbi na makipag-usap sa akin. Kinuha ko ang kahon mula sa ilalim ng higaan, nang binuksan ko ito kinuha ko ang papel na naglalaman ng blueprint ng bahay. Matagal ko na itong ginawa para makatakas.
Pinag-aralan ko ang bawat kanto, bawat labasan, bawat pinto ng mansyon pero mukhang minabuti ni Doyle na hindi ako makakatakas.
Kung akyatin ko nalang kaya ang pader?napanguso ako, masyadong mataas at makikita ako
Kung maghukay nalang ako palabas? Makikita parin ako at hindi ko kayang magbuhat ng pala, ni hindi ko nga alam kung saan nila tinatago yun eh.
Kung magpanggap akong maid tsaka lumabas para mamalengke kuno? Too risky! chinecheck ng mga kawal bawat tagasilbi na lumalabas eh.
Ano nang gagawin ko? Hindi ko namamalyan na hinawakan ko ang kwintas gamit ang kamay na may sugat.
"Lisanna"
Kumunot ang noo ko at napalingon sa paligid nung narinig ko yung pangalan ko.
"Lisanna"
Nagsalita ulit ang boses, hinanap ko sa kwarto kung may nagtatago at pinaglalaruan lang ako pero walang tao. Tumayo lahat ng balahibo sa leeg ko nung marinig ko ang boses na iyon, napakapamilyar at nakaka kalma. parang narinig ko na ang boses na iyon.
"Chase and fight for your freedom, Lisanna"
"Tutulungan mo akong makatakas?!" Excited kong tanong sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat, finally makakatakas na ako. Finally, magiging malaya na ako.
Nawala ako sa sarili at tinanggal ang gauze mula sa kamay ko nang hindi namamalayan at ginamit ang dugo upang gumuhit ng simbolo sa sahig. Biglang may bumukas na bilog na butas na kulay asul, parang tubig ang kompleksyon nito.
Bumalik ako sa realidad at napatitig sa bilog. Kumunot ang noo ko, sigurado ba ako sa gagawin ko?
"Lean" nagulat ako nung kumatok si Doyle sa pinto "I'm sorry for what I've said pero sana naman ay maintindihan mo"
hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagtitig sa portal, papasok ba ako o hindi?
"Doyle, kung buksan ko ang pinto, papayagan mo na ba akong lumabas?" pasigaw kong tanong, hoping na pumayag siya sa gusto ko at magbago ang nasa isip ko.
"you know the answer to that" hindi ko na napigilan ang inis ko at nagderederetso sa portal, nakatapak ako sa d**o na naramdaman ko since nakapikit akong pumasok sa portal. Malamig at basa sa pakiramdam ang portal na parang hinihigop ako.
"Teka, nasaan na ba ako?" bulong ko sa sarili ko, nilibot ko ang tingin ko. this is the outside world? is it?
ito pala ang itsura ng world?! Yung ilog, iba sa na imagine ko! akala ko kasi nasa baba eh lumilitaw pala! Tapos yung mga isda may pakpak! Ang weird!
"Nasan ba talaga ako?" pabulong na tanong ko sa sarili, parang hindi ito ang mundo na ginagalawan ng mga normal na tao. napakamot ako sa batok, nawawala nanaman ba ako?
--
END