Chapter 22

2120 Words

Sa dalawang linggo na nawawala si Gia, ay si Liza na ang katulong ni Manang Fe, sa pag-aasikaso kay Gael. Labis na silang nababahala dito, dahil napakamatamlayin ni Gael. Hindi ito gaanong kumakain, na kita nilang malaki na rin ang ikinabagsak ng katawan nito. Alam nila kung gaano kamahal ni Gael ang nanay nito, kaya naman, hinihiling din nila na makita na ng mga ito si Gia. Pero nitong nakaraan kahit papano ay naging masigla si Gael ng makilala nito ang lolo at lola nito, pati ang nag-iisang tiyahin. Kahit papano ay nabawasan ang lungkot ng bata, ng palagi nitong nakakausap ang lolo at lola. Nakilala din ni Liza ang kapatid ni Gia, ng minsang isama ito ni Diesel doon, dahil sa pag-aayos ni Diesel ng bagong lilipatang bahay at lupa ng pamilya ni Gia. Malapit lang sa bahay ng mga ito. Ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD