Nasa isang parke lang si Beth, habang hinihintay ang kanyang inang at amang sa pagbebenta ng kanilang ani. Nagkataon kasi, na isinama ng byahero ng gulay ang kanyang amang at inang sa pinakabayan ng San Diego, kasama ang mga aning gulay ng kanyang amang sa byaheng iyon. Masayang masaya naman si Beth, dahil makakarating ulit siya sa pinakabayan. Nagkataong wala siyang pasok noon kaya naman isinama na siya ng kanyang inang. Maayos naman sa San Diego kahit maiwan kang mag isa sa pinaka parke doon. Wag ka lang talagang lalayo para hindi ka mawala. Nakaupo lang si Beth sa isang isang bench at pinapanood ang mga taong lumalabas at pumapasok ng simbahan. "Nakakatuwa talaga dito sa pinaka sentro ng San Diego, mas maganda ang mga struktura kaysa sa linang. Maganda din ang simbahan." Masayang wi
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


