Buhat ng maging opisyal na magkasintahan sina Dimitri at Liza, ay parang naging lihim pa iyon sa lahat. Lalo na at kinabukasan mula ng gabing iyon, ay bumalik ng San Diego si Dimitri, nagpaalam lang ito kay Liza na babalik sa kasal ni Gia. Kahit bago pa lang sila ay naging malungkot din sa part ni Liza. Hindi naman siya pwedeng umuwi ng kanila, dahil hindi naman siya nakapag-paalam ng mas, maaga. Biglaan kasi ang pag-uwi ni Dimitri, na hindi niya alam ang dahilan. Alam niyang uuwi ito. Pero hindi iyong kinabukasan kaagad. Nagpaalam lang ito sa kanya, ng mabilisan, tapos ay nagmamadaling umalis. Ngayon ang araw na ang nakatakdang kasal si Gia at Diesel, sa simbahan. Hindi man niya nakita si Dimitri, alam ni Liza na kasama na ngayon ni Sir Lucas at Sir Diesel ang kanyang nobyo. May kaun

