Paglabas ni Liza ng kusina ay dumiretso agad siya sa dating bodega. Alam niyang sobra siyang namumula, dahil sa pangyayaring iyon sa pagitan nila ni Dimitri. First kiss niya iyon. Dahil wala naman siyang naging boyfriend mula noon, hanggang ngayon. Hindi niya akalain, sa ganoong pagkakataon mawawala ang first kiss niya. Pagkapasok ni Liza ng bodega ay mabilis niyang isinara ang pinto at inilock iyon. Napaupo pa siya sa likod ng pintuan, dahil sa sobrang panghihina ng tuhod niya. 'Presensya pa lang ni Dimitri, nakakaubos na ng lakas. Sa halik pa kaya ang hindi maubos ang lakas ko? Halos ilang segundo din iyon, kung hindi pa ako natauhan. Baka nakita pa kami ni Manang Fe. Lizariabeth!! Nakakahiya.' Saad pa ni Liza sa sarili, habang nagpapaypay ng kamay, sa init ng pakiramdam na kanyang nad

