Rhian's POV Nagising ako na masakit ang ulo. Paano ako nakarating dito? Ang maalala ko ay kasama ko pa si Oliver kagabi. Tumayo ako sa bed at pumunta ng kusina para magtimpla ng kape. Nagulat pa ako ng makita ko si Ate Rhea kasama si Oliver sa sala. Ginawa pang lovenest ang unit ko Pumunta ako ng kusina at nagulat akong nandito silang lahat. Patay ako kay Kuya Rico nito panigurado. Huling pinagalitan niya ako ay dahil sa careless ako sa pagtawid ng highway. Halos buong araw akong nakaupo at kaharap siya "So young lady! Tanda mo naman siguro ang mga kasalanan mo diba?!" At nag-umpisa na siya. Laging tango lang ang sagot ko sakanya kahit na hindi ko siya pinapakinggan pero napatingin ako sa taong nag-abot sa akin ng kape na may kasamang gamot "Blue" nginitian niya lang ako saka umalis ng

