Rhian's POV
Hmm?? Parang pamilyar sa akin ang amoy na ito. Wait what?! Nasa bahay na ako? Anong nangyari? Ang alam ko lang susunod ako sa mga classmates ko eh
"Nahimatay ka. Kaya wag ka ng mag-isip pa kung paano ka nakauwi. May nagdala sayo sa clinic niyo tapos pinasundo ka" malambing na sabi niya.O_O.
"Ate? Kailan ka pa umuwi? I miss you!" Agad akong bumangon at niyakap siya
"Kanina lang. Mabuti nalang ako lang ang tao sa bahay lumabas sila Mommy para bumili ng makakain" sabiy niya habang nagyayakapan kami
"Ganun ba? Thank you ate" nakangiting sabi ko at kumalas na sakanya
"Sige pahinga ka na muna at pupunta muna ako sa baba. Aabangan ko sila Mommy" sabi ni ate habang nasa pinto na siya
"Okay" di ko aakalaing uuwi si ate di na kasi siya umuuwi simula nung nagmodel siya nakakapagtampo psh. Matutulog nalang ako -_-!
MORNING.....
"Good morning Rhian ^_^" may babaeng bumungan sa akin. First thing in the morning
"Good morning :) din Lia" yiee my friend :D
"Good morning nerd ako pala nagbuhat sayo papuntang clinic kaya may kapalit" pagbungad naman sa akin ng mayabang na seatmate ko na magnanakaw ng halik
"Anong kapalit ha? Hindi ko naman sinabi sayo na buhatin mo ako doon kung may kapalit lang" naiinis kong sabi
"Magpa-salamat ka nalang dahil buhay ka pa at hindi yung nagrereklamo ka" singhal niya
"Fine! Thank you!" Sigaw ko. Hinila ko si Lia at aalis na sana ng bigla niyang hinigit ang braso ko papunta sa kanya
"Magiging alalay kita for two months" nakangising sabi niya sa akin. Aalis na siya ng sumigaw ako
"Aba wow lang ha? Alalay? Two months? Eh dinala mo lang ako sa clinic ah" ang laki naman kasi ng kapalit alalay pa
"Puro ka reklamo. Kaya nga parang utang na loob mo na sa akin yun dahil binuhat kita. Also you're heavy" naiinis na sabi niya
"Sige pero one month lang!"
Lche to!
"OK" sabi niya na nakangisi
"Tara na Lia" Bws*t siya argh!!!! Hinila ko na siya at mabilis na naglakad. Sira na ang araw ko sakanya promise!
"Goodluck Rhian :)" aba sinama pa itong kaibigan ko na ito. Napahinto tuloy kami sa sinabi niya
"Anong ibig mong sabihin sa good luck?" What the?! Nakakacreepy yun ah >.<
"Wala lang haha" at nauna siyang naglakad papasok ng room
Pumasok na rin ako sa loob at umupo na sa room at saktong tumunog na ang bell.
Bzzzzzzttt......
"Good morning class your teacher in Math will be leaving for two months kaya may papalit sa kanya" sabi ni Sir Alex na kapapasok lang
"Sino siya sir?" Maarteng sabi ng bully ko na si Hilda
"You will see later so let's start our lesson" seryosong sabi niya at naglabas na ng chalk
Bat parang masama ang kutob ko dito? Psh. Makinig na nga lang ako. Kaso sino yun?
Bzzzzztt.....
Bell na pala hindi ko napansin kakaisip kung sino yung papalit na teacher. Oo nga pala math next sub namin sino kaya yu-------
"Ate?!" Napasigaw ako sa gulat dahil si ate ang niluwa ng pinto
"Don't shout Rhian :) " nakangiting sabi sa akin ni ate
*blag!
"Bllsht! natutulog-----what are you doing here?!" Sigaw ng bagong gising na seatmate ko. Sino pa ba? Edi si Oliver
"I'm a substitute math teacher here" kalmadong sabi niya
"I don't care..." Naiinis niyang sabi at lumabas nalang ng classroom
"Oliver!!" Ano ba yan class is still going on pero magkakilala sila ni ate pano kaya nangyari yun? Di naman naikwento ito ni ate sa akin...psh. walang pake si ate basta nalang nag discuss tsk.tsk.
Oliver's POV
Lumabas ako dahil sa inis. Why is she here? Inantay kong matapos ang klase niya. Pagkalabas niya hinila ko siya sa bakanteng room.
"Substitute? Quit joking at me Rhea!" Sinong maniniwala sa sinabi niya? I've known her for 2 years
"Totoo nga substitute teacher lang ako" painosensteng sabi niya. Pero nakatingin siya sa iba. She's lying
"Sabihin mo yung totoo Rhea! Kilala kita!" Naiinis na ako
"Okay fine I'm here para humingi ng second chance sayo I still love you Oliver. Don't you love me anymore? Nag bago na ako di na ako yung gaya ng dati" nagmamaka-awang sabi niya
"No I don't f*cking love you anymore and I don't f*cking believe that you change kaya pwede ba umalis ka na sa school na ito!" Kahit na tumitibok pa rin ang puso ko para sayo. Hindi na pwede dahil niloko mo na ako at maaaring gawin mo ulit
"No I won't leave until you say that you still love me" umiiyak niyang sabi
"I said I don't love you anymore meron nang may nagmamay-ari ng puso ko!" Masakit man pero wala na akong tiwala sayo
"Sino? At sasabihin ko sa kanya na akin ka" Sabi niya na nakahawak pa sa damit ko
Napaka-desparada niya na bumalik ako sa kanya. Ayaw ko na dahil niloko niya ako. But I have an idea pero kaya niya bang saktan kapatid niya hmm...let's see
"Kapatid mo" nakangising sabi ko. Para takpan na niloloko ko lang siya
"A-Ano? S-si Rhian imposible ang pangit niya eh!" What the?! Kailan pa ito naging ganito sa kapatid niya?
"Hindi siya pangit at girlfriend ko siya kaya umalis ka na dito pwede ba?!" Umalis na ako para hanapin yung nerd na yon para hindi masira ang plano ko. At kung sinuswerte ka nga naman
"Lia wait lang nawawala wallet ko" nakakabinging sabi niya
Habang naglalakad ako papalapit sa kanila may naapakan ako na matigas. Napatingin ako kung ano yun. Wallet ba to ni nerd? Agad ko naman silang pinuntahan habang hawak ang wallet.
"Hoy panget! Wallet mo ba to?" Sabay wagayway ko sa wallet
"Oo bat nasayo? Kinuha mo no?" Pamimintang niya
"Wag kang assuming marami akong pera tyaka may kapalit ulit ito"
"Tsk. Ano?" Naiinis niyang sabi. Is she really a nerd? She acts like a pretty lady. Masabi na nga ang pakay ko
"Pretend to be my girlfriend" wala ng paligoy-ligoy pa
"What the?! Ayoko nga in your dreams" sabi niya sabay hinahablot sa akin ng wallet niya
"Hindi ko ibabalik itong cheap mong wallet" sabi ko at tinaas ito
"Tsk. Payag na ako kaya akin na yan and ano ngayon kung cheap yang wallet eh may sentimental value ito" sabi niya habang hawak na niya ito ngayon
"Papayag rin pala so girlfriend na kita ngayon" nakangising sabi ko
"Pretend lang ah!" Sigaw niya. Aalis na sana sila ng masilayan ko si Rhea na andoon pa rin
Nilapitan ko si nerd at may binulong sa tenga niya na ikinamula niya. Kaya hinalikan ko siya sa labi at pinaalis na.
Umalis na sila na namumula ang mukha ni Nerd kasama si Lia yung friend niya ba? Ewan hindi ko naman kilala mga classmate namin? Funny right? Tsk. Makaalis na nga dito and I will never trust a woman anymore....
"Tara na pare sa tambayan" sabi ng kaibigan ko na si Rick
"Sige pare asan pala si Ken?" M.I.A nanaman yang si Ken
"Sorry pare may ginawa lang tara na" sabi ng kadarating lang na si Ken
"Sus chicks lang yan eh" natatawang biro ni Rick
"Hindi pare loyal ako sa gf ko" proud niyang sabi
"Di na uso ang loyal ngayon! Timer na!" Nakapikit kong sabi. Saan ka pa ba makakahanap ng loyal sa panahon ngayon?
"Pare uso yan pag totoo kang nagmamahal" natatawang sabi ni Ken
"Ah basta di na uso yan ngayon!" Tch. Loyal? Salita nalang yan sa akin
"Pare bitter ka ba?" Natatawang sabi ni Rick
"Ahy t*ngina! Ako bitter?! Asa hindi no!" Natatawang sabi ko naman.
"Sus deny pa more hahaha" tawa rin ni Ken
"Tsss. Whatever inom nalang tayo" bitter nga ba? L*che naman! Hahahaha.