Chapter 23

1006 Words
3rd Person's POV Tahimik ang dalawa ng marating nila ang condo. Inaantay ang coach nila dahil kailangan na nito marinig ang talent portion nilang dalawa. Hindi nakatiis si Rhian tumayo ito at tinignan siya ni Oliver ng nay pagtataka. "Kukunin ko lang si Ai. Nabobored ako" lumabas si Rhian ng unit ni Oliver at nagtungo siya sa sariling unit para kuhanin si Ai Naiwan mag-isa si Oliver sa sala at nag-isip isip ito para sa nalalapit na contest. Hindi niya maisip na kasali siya rito dahil noon pa man tumatanggi itong sumali sa kahit na anong paligsahan pa yan dahil mas gusto niya ng tahimik na buhay. Dumating si Rhian sa mundo niya kaya ito nag-iba "Woof! Woof!" Nagulat si Oliver sa sigaw ni Ai pero napalitan din ito ng ngiti dahil nakita niyang muli si Ai ang regalo niya para kay Rhian "Come here to daddy" sinenyasan nito ang aso na lumapit sakanya at sumunod naman si Ai habang wini-wiggle ang buntot nito sa saya "Tch. Dapat dinedma mo" pabulong naman na sabi ni Rhian na ikinalingon naman ni Oliver na kasalukuyang nilalaro ang aso "May sinasabi ka ba?" Seryosong tanong nito pero nagkibit-balikat lamang siya at nagtungo sa kusina para uminom ng tubig Maya't-maya sumunod na ang dalawa sa kusina. Nagulat si Rhian at muntikan ng maibuga ang iniinom kaya agad nagtago ang dalawa sa ilalim ng upuan. "Anong ginagawa niyo dito? Aatakihin yata ako sa puso sainyo eh!" Galit na sigaw niya sa dalawa ngayon sa ilalim ng upuan Tumayo agad si Oliver at nagkunwaring ubo. Tumungo siya sa cabinet at may nilabas na dog plate at dog food. Lumapit naman si Ai ng inihain na nito ang pagkain niya. Masayang tinitignan ni Rhian ang dalawa. Maya't-maya tumunog ang doorbell ng unit ni Oliver kaya sinenyasan nalang ni Rhian na siya nalang ang magbubukas. Ang buong akala niya yung coach nila ang tao pero pagbukas ni Rhian ng pinto nakita nito ang ate niya na nakangiti pero napalitan din ng kakaibang expression. "Anong ginagawa mo dito Rhian? Andito ba si Oliver?" Sabi nito ng may pagka-pait na ngiti at salita "Ah o-oo nasa loob. Pinapakain si Ai" pilit ngiti naman ang ibinigay niya sa ate niya. Pumasok na lamang si Rhea at nagtungo sa kusina at nadatnan doon ang kasintahan kasama ang aso "Ang laki na niya ah" nakangiti ito pero ng hahawakan na ni Rhea ang aso bigla itong nag-growl kaya napalayo agad ito "Ai come to mommy" pagkarinig ng aso sa pangalan nito agad siyang lumapit kay Rhian "Pagpasensyahan mo na si Ai ate ngayon lang siya naging ganyan. Sorry aalis na muna kami ni Ai. Text mo ako pag meron na si coach" tumango naman si Oliver pero humirit pa ito sa aso "Ai give daddy a hug first" at dahil matalino ang aso agad itong lumapit at nagpayakap. Bakas ang gulat sa mukha ni Rhea dahil narinig niya ang dalawa na sinabihan ang isa't-isa ng 'mommy' at 'daddy' ang aso na parang isa silang pamilya Pagkalabas ni Rhian ng unit ni Oliver agad hinarap ni Rhea ang lalaki at tinignan ito ng masama nagtaka naman si Oliver sa inaasta ng kasintahan kaya dinedma nito at umupo sa sofa at nanood. "Bakit ganun ang tawagan niyo?" Nakapout nitong sabi sa tabi ni Oliver ngayon kaya hinarap na niya ang babae "Nagseselos ka?" Nakangiting tanong ni Oliver at tumango naman ang babae. Niyakap niya ang kasintahan at hinalikan pero parang naguguluhan na ito sa nararamdaman. "Bakit babe?" Nagtatakang sabi ni Rhea pero hindi ito pinansin ni Oliver. Maya't-maya may kumatok na sa pinto. Tumayo si Oliver at sinilip ito sa pinto. Nagulat siya dahil ito na ang coach nila kaya agad niyang hinila si Rhea papunta sa kwarto. Agad nitong kinuha ang cellphone at tinext si Rhian Lalabas na sana si Oliver ng kwarto ng bigla siyang yakapin ni Rhea. Bigla itong nag-init dahil alam niyang may gustong iparating ang babae dahil sa maliliit na halik ng babae. At dahil lalaki siya naitulak niya si Rhea sa higaan at siniil ng halik. Habang sila ay naghahalikan. Minulat ni Oliver ang mga mata niya at ang nakikita niya ay si Rhian kaya agad itong humiwalay at kinusot ang mata. Pero si Rhea na muli ang kanyang nakikita "Bakit yun babe?" Nagtaka muli ang babae sa inaasal ni Oliver pero agad din itong lumabas at naghilamos. Sumunod naman si Rhea para tignan si Oliver. "Meron na ang coach namin ni Rhian. Umuwi ka na muna Rhea. Magkita nalang tayo mamayang gabi" tumango naman ang babae at umalis ng malungkot "s**t!" Sigaw niya sa sarili. Hindi na niya alam ang nangyayari sakanya at kung sino ba talaga ang mahal niya Nag-shower muna si Oliver bago naisipang pumunta sa unit ni Rhian. Mabagal itong gumalaw dahil iniisip pa rin niya ang nangyayari ng tumunog ang cellphone niya at nagtext si Rhian Nagmadali na siyang mag-ayos ng sarili at nagtungo sa unit ni Rhian. Nadatnan niya ang mga ito na makalat na ang lamesa dahil nagumpisa na silang magpraktis "You're 15 minutes late! Let's start again!" Galit na sigaw ng coach nila kaya nagmadali na silang gumalaw Pagkatapos ng 3 oras ng pag-eensayo nagustuhan na ng coach nila ang pagde-deliver ng kanta kaya maaga silang natapos. Nag-aya si Rhian na kumain pero tinanggihan siya ni Oliver kaya mag-isa na itong muli ng condo. Napaisip ito kung siguro highschool palang ang ate niya panalo na sila dahil may chemistry na sila dati pa. Sumakit ang ulo ni Rhian kaiisip kaya itinulog na lamang niya ito. Nagising si Rhian sa ingay ni Ai kaya bumangon siyang muli pero napaisip siya. Deja vú. Kumuha ng pan si Rhian sa kusina at nagpunta sa pinto. Sinilip niya muna kung sino ito at nagulat siya ng makita niya si Blue kasama si Angel. 'Small world' sabi ni Rhian sa isip kaya pinagbuksan na lamang niya ito ng pinto "Nalasing siya. Nakita ko lang kaya dinala ko dito walang halong malisya" nakayukong sabi ni Angel. Tumango naman si Rhian saka kinuha si Blue kay Angel. Nabibigatan man siya pero nauna pa ang pride niya para humingi ng tulong kay Angel kaya nagpasalamat na lamang siya at nagsara ng pinto. "Hanggang dito ba naman kailangan natin magkita ng sabay sabay?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD