Rhian's POV Bigla akong kinabahan dahil nandito si Blue at malungkot ito. Hindi kaya alam niya na magkasama kami ni Oliver kanina? Pakiramdam ko nagtaksil na ako. "Can we talk? I need to tell you something important" tumango naman ako at ginayak siya papunta sa kwarto ko "Ito nga pala. Flowers for you" tinanggap ko naman ito at hinalikan siya sa pisngi "Ano nga pala ang pag-uusapan nating dalawa?" tinignan naman niya ako sa mata. Hindi ko alam pero parang nawala ang kabang nararamdaman ko kanina "Do you love me?" sabi ko nga hindi na ako kinakabahan dahil sa amin ni Oliver pero parang kinakabahan ako sa susunod niyang sasabihin "Ofcourse. Mahal kita Blue. Tinanggap mo ako kahit na nasa state palang ako na minamahal ka ng lubusan noon. Bakit bigla mong tinanong?" at doon ko palang napan

