Rhian's POV
Nakauwi na ako ng bahay kinabukasan ng mapunta ako sa hospital. Nagulat pa sila ate at kuya dahil hindi ako nakauwi ng gabi tapos kasama ko pa si Blue pero mabuti nalang at hindi na sila nagtanong pa tungkol doon.
Nakahiga na ako sa kwarto ko umalis na rin si Blue. Iniisip ko lahat ng nangyari sa akin kahapon. First, sinigawan ako ni Oliver na hindi pa nagagawa sa akin ng magulang ko. Second, muntikan na ako mabangga dahil careless ako. And lastly, I met him again. My ex-boyfriend.
Habang iniisip ko siya pakiramdam ko okay na. Hindi na siya masakit pero pag naaalala ko yung kataksilan nila ng bestfriend ko nandoon pa rin. Akala ko okay na pero hindi pa pala. But, still I can now say that I'm finally over him.
"Rhian?" Katok ni kuya sa kwarto. Napaupo naman ako dahil kadalasan pumapasok nalang si kuya ng walang katukan eh
"Yes?" Sagot ko habang inaayos ko ang mga nakakalat ko na gamit. Pero hindi ko inaasahan yung sasabihin niya
"May bisita ka. Papa-pasukin ko nalang dyan ah" pagkasabi niyang yun binilisan ko ang pag-ayos dahil baka si Lia yan. Pero hindi niya alam kung saan ako nakat------
"Rhian" bigla akong nanigas sa kinalulugaran ko at ang bilis sobra ng t***k ng puso ko. Hindi ba pwedeng rest day ko muna? Bat pumunta ka pa dito?
Bigla nalang niya ako niyakap. But I can't hug him back. Yes HIM. Si Oliver nandito sa kwarto ko. Lucky him because he's the first outsider that came in at my room. Si Blue hanggang labas lang ng kwarto ko.
"I'm sorry for being a jerk. I'm sorry for shouting at you yesterday. Hinanap kita but I can't find you kaya inisip ko umuwi ka nalang. But then I was waiting for you until 7 am kasi sabay tayo papasok pero wala hindi ka lumabas so I thought pumasok ka na pero hindi pala kaya bumalik ako dito. At nalaman ko lahat kay Rico---I mean kuya Rico what happened to you. I'm sorry Rhian" nakayakap pa rin niyang sabi. Naiinis ako sakanya dahil nanghihina ako sa sorry niya. I hate him although I already love him
"Okay. Apology accepted. Pero pwede ka ng umalis. I want to take a rest" sabi ko at nilayo ang sarili ko sakanya. Baka lubus-lubusin ko pa ang yakap niya. Ang bango kaya niya
"No. I'll stay. Aalagan kita if that's the only way I can make up to you" ng dahil sa sinabi niya binigyan niya ako ng isang idea na mukukuha ko lahat ng gusto ko
"Okay. Teach me to drive" kumikislap-kislap pa ang mata ko ng sinabi ko yun pero nasira rin ng may sumingit.
"No Rhian. Remember what Mom said. Please don't be so stubborn okay?" Sabi ni Ate Rhea. Sabay lapag niya ng isang tray ng food sa lamesa ko
"Fine ate you win" sabay taas ng kamay ko tanda ng pagsuko. Bwahahaha I have my other plans. Pagkalapag ni ate nagkatinginan sila ni Oliver saka lumabas. Weird
"Shop with me then" nakangiting sabi ko saka ako nagpalit ng damit sa banyo ko. Pagkatapos noon hinila ko na siya palabas ng bahay ng hindi nagpapaalam kina ate at kuya.
Hindi na siya umangal at nagdrive na siya papunta sa malapit na mall. Nag-iikot kami sa mga botique at marami na rin akong nabiling gamit ko mga 2 dress, 2 shoes at 1 bag. Kaso may agaw pansin ako na nakita...
"Shocks! May bagong brand nanaman na ine-endorse si Scarlet" sabi ko kaya agad ako pumasok sa boutique na yun
"Really? Still not satisfied with these things?" Irritated na sabi niya. Sabay taas pa ng mga paper bags na bitbit niya
"Nope. This is the me outside tyaka sabi mo you want to know more of me and you want to make up for being a jerk yesterday so suck up dude" natatawang sabi ko dahil ang mukha niya ay priceless
"Not the typically nerd huh. Amazing. So who is this Scarlet you're talking about?" Naglalakad na siya papalapit sa akin at inakbayan ako. Sabay kaming pumasok sa pinakaloob ng boutique
"Modelo siya and guess what. She's already married with her bestfriend" nakangiting sabi ko. What a beautiful story it is
"Really? I don't believe it" pagkasabi niyang yun umupo na siya sa malapit na upuan.
Tinignan ko siya ng masama at doon ko lang narealize na naka-uniform siya. Omo. Kawawa naman pala siya eh. Naglibot ako sa may men's wear at naghanap ng damit niya. This is perfect.
"Magpalit ka. Here wear this sabihan mo ako pag hindi mo kasya yung pants" abot ko ng plain v-neck black na shirt at pants.
"Thanks" kinuha naman niya ito at agad na sinuot at pak ang bilis niya nagpalit kasya niya pa lahat. Agad ko naman na binayaran ang suot niya at naghanap ng shoes niya. At aba ang laki ng kaltas nito sa allowance ko ha.
Pagkatapos namin bumili pumunta na kami sa malapit na fastfood chain at doon kumain. Hindi na kami nagka-imikan dahil gutom na ako at wala silang magagawa doon
"May dumi ka sa mukha" pagkasabi niyang iyon na-concious ako and I take back what I said. Agad ko naman kinuha yung tissue sa lamesa kaso naunahan na niya ako
"Let me" at pinunasan na niya ang dumi sa gilid ng mukha ko. Yung feeling na parang bumagal ang lahat sa akin at tanging t***k lang ng puso ko ang naririnig ko
"You're blushing hard Rhian" nataranta ako ng sinabi niya yun dahil nakakahiya. Please don't tell me he already knew!
"Just kidding. Tapusin na natin ito para makauwi na tayo" at kumain na siya. Doon ko lang napansin na gagalawin niya palang ang pagkain niya samantalang ako paubos na
Don't tell me he's watching me eating all along! Gosh this is embarassing. Mukha ba akong baboy kumain? Ala nahihiya na talaga ako
Pagkatapos namin kumain hinatid na niya ako pauwi sa akin. Medyo gabi na ng makarating na kami sa bahay.
"Thanks for the day I enjoyed it a lot" nakangiting sabi ko and he also smiled at me
"Likewise. Bye Rhian see you tomorrow" sabi niya saka sumakay ng sasakyanq niya saka ito pinaharurot.
"Goodbye Oliver. I love you"