PINAGBUKSAN NG PINTO NG SECURITY guard ang bagong dating na si Harry John Allan Tolentino. Ngayong araw ay hindi ginamit ni Hj ang kanyang Toyota GR86. Paano naman ay pumunta sila sa bar ni Patrick para magmasaya dahil sa wakas ay may isang nagpatali sa mga kapatid niya. Liam is now officially married to Jas. Masaya siya sa kapatid. At alam niyang si Jas ang babaeng para dito kaya nga kahit anak ito ng taong kinamumuhian nila ay tinanggap pa rin nila ito.
"Good morning, Sir." Bati ng security guard sa kanya.
"Good morning." Ganti niyang bati.
Pagpasok niya ng office ay tuloy-tuloy siya hanggang elevator. Hindi pinansin ang mga tingin ng empleyado ng apat na kompanyang nag-oopisina sa building na iyon. Nandoon kasi lahat ng main office ng apat na kompanya. Ang Aristocrat Group Inc. na siyang main company ng pamilya Tolentino.
Parameter Technology Corporation, ang negosyo na itinayo ng mga magulang para daw sa kanya dahil bata pa lang siya ay mahilig na siyang pag-aralan ang mga gadget or kahit anong electronic device. Na siyang tinanggap niya ng makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo.
The Frequenxy Cosmetic Corp., ang sariling negosyo ng kapatid na si Zj or Zyan Jack. Humingi ito ng panimula sa kanilang mga magulang at ginamit sa pagpapatayo ng sariling negosyo. Na siya namang napa-unlad nito kaya sobrang proud ang magulang sa kapatid.
Musical Note Recording Studio, ang music studio at recording company ng bunso nilang si Nj. Mula pa kasi noon ay mahilig na sa musika si Nj at Lj. Kaya naman ng hingin nito sa magulang na magkaroon ng music studio ay pinatayuan agad ito ng mga magulang.
Hindi naman basta ganoon lang binigay ng magulang ang gusto nila, humingi din naman ang mga ito ng kapalit. Nakataya ang mga mana ng mga kapatid sa pinatayong negosyo. Ganoon din siya kahit pa nga ang sariling mga magulang ang nagpatayo noon. Ang negosyong binigay ng mga ito ay siyang negosyo na para sa kanila.
Hindi naman sila nagreklamong magkakapatid. Tinanggap nila iyon dahil malaki ang pasasalamat nila sa mga magulang. Wala sila sa ganoong estado ng buhay kung hindi dahil sa mga ito. Napakaswerte nga nilang limang magkakapatid. Binigyan sila ng maayos na edukasyon, masayang pamilya at maayos na buhay.
Pagkarating sa tapat ng elevator ay tumabi ang mga empleyado at hinayaan siyang unang makapasok. Employees making way for them to take the elevator alone. Iyon kasi ang nais ni Liam noon pa. At dahil panganay ito at siyang CEO ng kompanya ay walang nagawa ang lahat. Employees obey his brother a lot. Kahit naman silang apat ay sumusunod dito.
Nang makarating sa 15th floor ay agad na tumayo ang kanyang sekretarya na isang lalaki. Simula ng magtrabaho siya sa Parameter ay lalaki na talaga ang kinukuha niyang sekretarya. Para sa kanya ay walang komplekasyon kapag lalaki ang kinuha kaysa sa babae.
"Good morning, Second." Magaling na bati sa kanya ni Gino.
"Good morning, Gino. Please, prepare the finance and warehouse inventory report. May gusto akong makitang data." Utos niya dito.
His work time is now starting. Dito na magsisimula ang araw niya. Magiging abala na siya sa kanyang trabaho. Pumasok ang kanyang sekretarya sa opisina at may dalang kape. Hawak din nito ang planner at isang folder. Mukhang iyon ang papeles na hinihingi niya.
"Sir, do you want me to read your schedule today?" tanong nito.
"Yes, please." Binuklat niya ang papeles na nasa harap.
"You don't have any meeting this morning. Kaya pwede niyo pong permahan ang mga papeles na kailangan na po ng inyong approval. Later this afternoon you have a meeting with Mr. Dela Costa for the launching of our newly invented product. After that meeting, you going to meet, Mrs. Tolentino. Your mom requested you to accompany her to one of her friend's parties."
Napapikit siya sa narinig. Sa kanilang magkakapatid siya ang parating kasama ng ina sa ganoong event. Nais kasi nitong mas lumago pa ang Parameter at isinasama siya nito para maghanap ng potential investor. Wala naman problema doon kaso ang hindi lang niya nagugustuhan ay iyong mga babaeng lumalapit sa kanya para lang makipaglandian. Hindi naman siya interesado sa kahit kaninong babae. Masaya na siyang single at inaasikaso ang kompanya na pagmamay-ari ng kanilang pamilya.
"The party is about what?" tanong niya na hindi maitago ang disgusto sa tono ng boses.
"Birthday po ng kilalang senador sa bansa. Mr. Pimentel celebrating his 52th birthday. Isa ang ina mo sa dadalo."
"It's just Mom who going to come? What about dad?"
"I didn't ask about Sir Tolentino, Second."
Pahilamos siya sa sariling mukha. "I will call, Dad. You can go out now and do your job."
"Okay, Second. Here's the report you're requesting." Inilapag nito ang hawak na folder.
Isang malalim ulit na paghinga ang ginawa niya. Kinuha niya ang phone sa bulsa ng pantalon. Tatawagan niya ang ama at pakiki-usapan na ito na muna ang sumama sa kanyang ina. Marami pa siyang gagawin at wala siyang time na makipagplastikan sa mga taong nandoon sa party.
GUSTO NG UMALIS NI Hj sa lugar na iyon. Sobrang bored na siya. Nasa table lang siya at umiinum ng juice. Hindi siya pwedeng uminum ng alak dahil ipagmamaneho pa niya ang kanyang ina pa-uwi ng mansyon. Sinundo niya ito kanina sa isang kilalang restaurant. Her mom meets her friends. Masyadong socialite ang ina pero napakabait nito. Sabi nga nito, sa mundo ng pagnenegosyo ay kailangan magkaroon ka ng maraming kaibigan pero wag mong pagkatiwalaan lahat. Connection. Iyon ang tawag ng ina sa pagiging socialite nito.
Hindi ganoon ang ama pero dahil nga sa pagiging ganoon ng ina ay marami silang investor na pumapasok sa kompanya. Her mom knows how to negotiate. Kaya naman hindi nakakapagtaka na successful ang mga ito sa buhay.
"Son, what are you going here in the table alone?" tanong ng ina.
Kakagaling lang nito sa isang table at nakipagkwentuhan sa mga kaibigan.
"It's nothing. I'm not in the mood to socialite. Marami lang akong iniisip sa opisina." Sagot niya.
Huminga ng malalim ang kaharap. Tinapik nito ang balikat niya. "Just calm yourself down. Take easy with your work. Loosen up sometimes, Hj. Magiging kagaya ka ni Liam na umikot lang ang buhay sa kompanya. Kung hindi pa dumating si Jas sa buhay niya ay hindi magbabago."
"Mom, I won't be like Liam. I know how to make my own fun. It's just I'm not in the mode today."
Pinakatitigan siya ng ina bago kumawala ng isang napakalalim na paghinga. "Okay. I believe you. Let's go home after thirty minutes."
Tumayo ulit ang ina at muli siyang iniwan sa table na iyon. Kinuha na lang ni Hj ang phone at nagsimulang maglaro. Wala naman siyang gagawin talaga doon. Para siyang batang naghihintay sa ina na matapos sa pakikipag-usap sa mga amiga.
"Hi."
Napahinto si Hj sa paglalaro at napatingin sa babaeng ngayon ay umupo sa kanyang tabi. Napataas ang kilay niya. Maganda ang babae kaso sobrang kapal ng make up. Nagmumukha itong clown sa harap niya. Ang kapal kasi ng foundation nito na siyang hindi bumagay sa kulay ng leeg nito. Makapal din ang blush on at kilay nito. Ang tanging hindi ang makapal dito ay ang lipstick na pink.
"You are Harry John Tolentino, right?"
"Yes," sagot niya.
Napansin niya ang pag-ningning ng mga mata ng babae. Inilahad nito ang kamay sa harap niya.
"Zia Shiela Inocensio. I'm the daughter of the former Justice secretary of the Philippines."
Tinanggap niya ang kamay nito. "Harry John Allan Tolen---"
"'Yeah! I know you." Inilapit ng babae ang sarili sa kanya na siyang hindi niya nagustuhan. "You are the owner of Parameter Technology. Ang sikat ng electronic and appliances company sa bansa. Ang mga ginagawa niyang product ay pwedeng ipanglaban sa ibang bansa."
"Oh! Thank you for the compliment but we have a long way to go."
It's not that he doesn't like the complement but he just stating fact. Sobrang layo pa talaga ng Parameter kumpara sa mga sikat na product ngayon sa merkado.
Ngumiti ang babae. "They are right. You are the humblest businessman."
Tumaas ang kilay niya sa narinig. Sino naman ang nagsabi noon? Kailan pa siya naging humble?
"People talking how kind you are but aloof to girls. Nagdududa na nga ang ibang mga kababaihan. Are you really a man?"
Hinawakan ng babae ang braso niya. Tumaas ang balahibo niya sa katawan. Alam na niya ang nais ng babaeng ito. May nagbago ba sa tuwing pupunta siya sa isang event.
"What do you mean?" may bahid ng inis na tanong niya.
Alam naman niya kung saan papunta ang ganoong usapan nila ng babae.
"They said you are gay. And I heard you have friends who are gay. Are you one of them?" May pang-akit na tumingin sa kanya ang babae.
Nawala ang inis niya. Hindi niya alam pero natatawa siya sa pang-aakit na ginagawa nito. Trying hard kasi ang babae pero hindi naman siya na aakit. Paano naman siya maakit kung ganitong klaseng babae ang aakit sa kanya. Instead na magalit siya ay matatawa na lang siya.
"Gay?" Inilapit niya ang mukha dito. "What if I said yes, are you going to leave me alone?"
Napa-atras ang babae sa ginawa niya. Nagulat din ito. Mukhang hindi iyon ang inaasahan nitong tugon mula sa kanya. Iniisip ba nito na papatunayan niya ang sarili dito. Na papatulan niya ito para sabihing lalaki talaga siya.
"Y-you mean, you're a gay?"
"What's wrong being gay?" Umayos siya ng upo.
Kumurap ang babae at umayos ng upo. Mukhang nakabawi na ito sa pagkagulat. Tumayo ito at walang pasabi na umalis. Napa-iling na lang siya at napangiti. Hindi talaga nagbabago ang mga babaeng lumalapit sa kanya. Nais pa rin ng mga ito na masilo siya ngunit hindi siya ganoon kabilis makuha. Lalo pa nga at wala siyang balak na magkaroon ng kahit na anong sabit o sakit ng ulo ngayon.
Natigilan si Hj ng may umupo ulit sa upuan kung saan umupo kanina ang babae. Akala niya ay bumalik ang babae at magsasalita na sana siya ng mapansin na ibang babae naman ngayon ang umupo. Ngunit iba naman ang dating ng babaeng ngayon ay nasa harap niya. May hawak itong wine glass at alam niyang wine ang iniinum nito. Nakatingin ang babae sa mga taong nagsasayaw. Hindi niya alam ang agenda ng babaeng ito.
Hinintay niyang magsalita ang babae ngunit lumipas na ang ilang minuto ay walang siyang narinig na kahit anong salita mula sa babae. Tumingin ulit siya dito at nakatingin pa rin ito sa mga taong nagsasayaw. Tumikhim siya para kunin ang pansin nito. Napatingin naman ang babae nugnit salubong ang kilay.
"Yes?" tanong nito.
Nagulat siya dahil hindi iyon ang inaasahan niya. Every girl knows him. Maraming babaeng nais makuha ang atensyon niya. Pakiramdam ni Liam ay napahiya siya kaya umiwas siya ng tingin.
"Nothing," aniya.
Hindi na nagsalita ang babae pero nakita niyang ibinalik nito ang tingin sa mga taong nagsasayaw. Gilid lang ng mga mata ang pagsulyap niya dito dahil ayaw niyang may isipin na iba ito. Wala siyang kahit anong nakitang kahit anong kakaiba sa babae. Maliban sa seryuso itong nakatingin sa mga tao. May suot na salamin sa mga mata ang babae at pansin din ang kapal noon. Malabo ang mga mata nito kaya hindi siya agad nakilala? Pero may suot itong salamin.
Hindi kaya hindi siya kilala nito? O nagpapanggap lang ito para makuha ang atensyon niya. Umiling siya. Kung iyon ang habol ng babae ay hindi niya ito hahayaan. Wala siyang balak na makipagmabutihan dito. Para mawala ang atensyon sa babae ay tumayo siya at nilisan ang mesang iyon. Sa labas na lang muna siya maghihintay sa ina. Tutal ang maganda naman ang tanawin sa labas kaysa sa loob ngunit ba pa siya mapalayo sa table ay muli niyang sinulyapan ang babae. Nanatili itong nakatingin sa mga taong nagsasayaw. Wala itong paki-alam kung umalis siya. Hindi man lang ito naghabol o pinigilan siya.
Maybe that woman is not interested in him which is for the first time.
"CHEERS PARA SA ATING MGA single." Natatawang sigaw ni Nj.
Itinaas ng mga kapatid ang hawak na beer. Wala si Liam dahil nasa honeymoon ito kasama si Jas. Napili ni Jas at Liam na sa Hongkong pumunta. Gustong ilabas ni Jas ang inner child nito dahil hindi nito iyon nagawa. Pinagbigyan naman ito ng kapatid. Next stop naman ng mga ito ay Singapore bago US. Matatagalan si Liam sa honeymoon nito kaya naman ganoon ang sinigaw ng makulit niyang kapatid na si Nj. Tuwang-tuwa na naman ito dahil walang sisita sa gagawin nitong paghahanap ng babae. Lagi kasing si Liam ang pumipigil sa kalukuhan ng kapatid.
"Lj, himala at kasama ka namin ngayon. Wala kang tour?" tanong ni Zj sa kapatid nilang mas busy pa sa kanilang nasa opisina.
"Yes. Ayaw akong bigyan ng maraming project ni Joshua dahil sa utos na rin ni Mommy," ani ng kapatid.
Mukhang tinutuhanan nga ng ina ang sinabi nito noong nakaraan na dapat ng pag-aralan ni Lj ang negosyo nila. T.L is waiting for Lj to be manage. Sa ngayon ay isa sa pinagkakatiwalaan ng pamilya ang humahawak doon pero hindi din naman na magtatagal ang matandang naging sekretarya na ng kanilang ama ng ilang dekada. Hindi na rin kasi ito bumabata at kailangan na rin mag-retiro.
"Because Mom wants you to manage our family business. Pwede mo naman pagsabayin ang dalawa dahil ang T.L Television Company naman ang hahawakan mo. May experience ka na sa mundo ng showbiz kaya may tiwala si Mommy na hawakan mo iyon."
"Which is not in my mind right now. I'm not yet satisfied with everything in my life." Nakita niyang bumalot ang lungkot sa mga mata ng kapatid.
Alam na naman niya kung anong tumatakbo sa isipan nito. May kinalaman na naman ang namayapa nilang kapatid na si Leona. Sa kanilang magkakapatid ay ito talaga ang na-apektuhan. Lj still living on the past. Nasa nakaraan pa rina ng puso at pagkatao nito. Hindi niya alam kung kailan ba makakalimot itong kapatid niya.
"Hey! Stop missing around with Lj. Mabuti nga at kasama natin siya ngayon. Let's be happy. At magsaya ka dahil wala si Liam. Wala kang bantay sa mga kalukuhan mo."
"Yes! I'm a freeman tonight. So, let's find a beautiful woman for me." Umikot ang mga tingin ng kapatid.
Naghahanap na ito ng babaeng mabibiktima. Napa-iling siya. Wala siyang balak na sitahin ito dahil hindi din naman ito makikinig sa kanya. Tanging kay Liam lang naman tumitiklop itong si Nj. Kahit si Zj ay walang magawa. Sasagot pa nga ito na parang mas matanda ito sa kanila. Well, they are in the same age. Nakadepende kasi ang respeto nila kung kailan sila inampon ng kanilang magulang. At itong si Nj ang huling inampon pero hindi pa rin nakikinig sa kanila.
"Guess, I found the right woman for me tonight." Narinig nilang wika ni Nj. Pansin na pansin din nila ang saya sa boses nito.
Napatingin siya sa kapatid. Nakatingin ito sa isang sulok ng bar. Sinundan niya iyon ng tingin at may nakita nga silang isang grupo ng mga babae. Tatlo ang mga iyon at nagkakasayahan. Those girls look stunning but one girl caught his attention.
Nakasuot ang babae ng isang crop top na kulay black and white, hindi niya sigurado kung may manggas iyon dahil natatakpan ng jacket ang maikli nitong kasuotan. Naka maong jeans ang babae na siyang binagayan nito ng mataas na itim na takong. Pansin na pansin ito sa tangkad na taglay. Mahaba din ang tuwid na tuwid nitong itim na buhok. Hindi lang tindig ng babae ang nakaka-agaw pansin kung hindi pati na rina angg gandang taglay nito. May bahid ng make up ang babae pero hindi naman iyon ganoon kakapal. Light make up with red lipstick. Mahinhin ang galaw ng babae na talagang masasabi nilang pormal ito at naligaw lang doon. Kung hindi sa ayos nito ay baka masabing hindi ito bagay sa lugar na iyon.
"Hey! You like the girl wearing crop top?" tanong ni Zj.
Napatingin siya sa kapatid ng marinig ang tanong na iyon ng kapatid kay Nj.
"Nope. The other girl. Hindi ko type iyong sinabi mo. Masyadong matangkad. At mukhang mahinhin. Naligaw lang yata iyan dito sa bar ni Patrick." Natatawang wika ni Nj.
Para siyang nakahinga ng maluwag. Akala pa pa naman niya ay type ni Nj ang babae. Kilala pa naman niya ang kapatid. Wala itong siniseryusong kahit sino. Pinagdarasal na lang nila talaga na makahanap na ito ng katapat at para tumino na sa buhay.
"Then Hj can go and introduce himself." May panunuksong wika ni Zj.
Natigilan siya sa sinabi ng kapatid. Napatingin din siya dito at binigyan ng nagtatanung na tingin. Anong ibig nitong sabihin?
"Don't give me that look, Hj. I saw you looking and admiring that woman." Ngumiti pa ang kapatid.
"Ikaw, naging single ka lang naging ganyan ka na." Inis niyang wika dito.
"I'm not single. Girlfriend ko pa rin si Alice at babalik siya. I already hired a private investigator to look for her. Whoever kidnaps and harms us will pay for what he did."
"Naniniwala ka pa rin na buhay si Alice, Zj?" tanong ni Lj.
Lahat sila ay napatingin sa kapatid. Walang preno itong nagtanong. Alam nilang sensitive pa rin ang topic ng pagkawala ng kasintahan ni Zj ng gabing may bumaril sa mga ito. Nahuli na ang mga lalaking gumawa at sinabi ng mga ito na nais lang ng mga ito na eh carnap at mang hold up pero sinama ng mga ito ang kasintahan ng kapatid. Pagkatapos gawan ng masama ay iniwan ng mga ito sa isang malawak na damuhan ang kasintahan.
Tinuro ng isa sa mga kumidnap kung saan tinapon ng mga ito ang katawan ni Alice ngunit wala na doon ang katawan. Wala din silang nakuhang balita na may natagpuan na babae doon. Nasa kulungan na ang mga lalaki pero hindi pa rin nakikita ang kasintahan ni Zj. Kaya naman umaasa pa parin ang kapatid na makikita nitong buhay si Alice.
"Yes. As long as there's nobody found I will believe that she is alive and come back to me."
Nagkibit balikat lang si Lj. Nandoon na naman ang tensyon sa paligid nila. Huminga siya ng malalim. Nais niyang mawala ang masamang hangin sa pagitan ng mga kapatid kaya naman tumayo siya.
"Don't ever tell Liam I did this." Banta niya sa mga ito.
Nagsalubong ang kilay ng mga ito. Tumalikod siya at iniwan ang mga ito. Tinahak niya ang daan palapit sa babaeng kanina ay nakita. He is interested to know this woman. And he has this desire inside of him. Nais niyang mahawakan ang babae. May humahatak sa kanya na gawin ang bagay na iyon kahit pa nga alam niyang hindi iyon ang tamang gawin.
Tonight, he just wanted to follow what his heart and body desired.