Spade POV
Nandito ako ngayon sa aking opisina habang iniisip ang mga dapat gawin upang matigil na ang pagpatay .
Tumayo ako at kinuha ang mga cards na itinabi ko sa drawer ito yung mga natagpuan sa katawan ng mga biktima.
Inisip ko ang bawat senaryo at baka makikita ko ang tamang pattern ng pagkamatay nila.
at kung para saan ang mga card na ito.
Inilapag ko sa lamesa isa isa ang mga card na May mga ekis.
Nag umpisa ito sa mga 10ths sumunod ang 9ths at ngayon ay ang 8th of hearts teka ... hinawakan ko ang isang card ng 10ths at isa lang ang pumasok sa isip ko.
tama sya na ang sunod..
Kinuha ko agad ang cellphone ko at dinial ang numero ni flower .
("hello ") sagot nito
" flower ! tawagan mo si 8th at sabihan mo na siya na ang sunod na ipapapatay"
sabi ko
("what? ") gulat nito (" how did you know ") tanong nito
" basta tawagan mo sya bago ko na ipapaliwanag sayo. "
("okay , I'll call her.") bago nito ibinaba ang tawag.
kailangan mag ingat ng mga 8ths sigurado akong sila na ang susunod..
kaagad kong tinawagan ang mga master nila at ipinaaalam sa mga ito ang nalaman ko. sinabi ko na din na kailangan nilang mag doble ingat.
ibinalik ko ang mga cards sa loob ng drawer.
Nakatanggap ako ng minsahe mula kay Diamond. Binasa ko iyon ,
Saka ako lumabas ng opisina , nakita ko pa si Agnes na busy sa pictorial niya . Dumiretso ako sa labas kung saan Naka park ang aking sasakyan. Pag karating ko sa parking area agad kong napansin ang isang papel na nakaipit wind shield ng aking sasakyan.
Kinuha ko iyon at binuksan. Nagulat ako sa aking nakita. Walang kahit anong sulat na makikita sa papel pero May marka ito ng dugo .
Hindi ito basta isang marka ! Ito'y isang babala. KAMATAYAN.
Agad kong nalamukos ang papel na hawak ko
'Kung sino ka man ako mismo ang papatay sayo'
papasok na ako sa loob ng sasakyan pero bago ko pa mabuksan ito ay tinawag ako ni Sheryl isa sa mga 8ths ang 8th of spade.
" Master sandali." sigaw nito . Nilingon ko ito
" o bakit? " tanong ko dito
" Master pasensya na sa abala , nasira kasi ang sasakyan ko , baka matutulungan mo akong ayusin . Nagmamadali kasi ako . " saad nito kita ko sa mukha nito na kailangan talaga niya ng tulong . Kaagad akong tumango at
Sumunod ako dito papunta sa sasakyan niya. Nang makarating kami ay nakita ko agad na umuusok ang unahan nito.
" nag overheat po siguro . " aniya.
kumuha lang ako ng tubig dahil naigahan ito ng tubig , napansin na na panay ang tingin niya sa kanyang relo .
" May problema ba? " tanong ko dito.?
Tumango ito
" Master ngayon kasi ang flight ng boyfriend ko ayaw kong magkahiwalay kami ng hindi man lang nagkikita. Simula po kasi ng mamatay ang 10ths at 9ths ay natakot na akong naglalalabas baka ako na ang sunod na mamatay kaya hindi talaga ako lumalabas maski ang makipagkita sa boyfriend ko ay hindi ko na nagawa , natatakot po kasi ako na baka pati siya madamay . " mahabang litanya nito. naawa naman ako dito , Ramdam ko ang takot niya , at ang pangamba na baka hindi na sila magkita pang muli ang mahal niya.
" Mukhang matatagalan pa bago ito mag start ulit. !" usal ko
iniabot ko dito ang susi ng aking sasakyan, tumingin siya sa akin ng May pagtataka.
" Gamitin mo muna yung sa akin . Pag nag start na itong sasakyan mo ako na muna gagamit , May pupuntahan din kasi ako." wika ko dito
Kinuha niya ang susi at nagpasalamat sa akin. Tumango ako dito at sinubukang iistart ang sasakyan niya.
Nakita ko naman itong palayo na sa akin at patungo na sasakyan ko.
Sinubukan ko ulit na iistart ang sasakyan pero ayaw pa din talagang gumana.
.
*BOOOOM* isang malakas na pagsabog ang aking narinig mula iyon sa parking area.
Kaagad akong lumabas ng kotse at tinungo ang lugar ng pinagsabugan.
*enggggg* tunog ng mga sasakyan sa malapit.
Nang makarating ako sa parking area bumungad sa akin ang napakakapal na usok ,
Napahinto ako ng May maapakan ako.
" Put* " sigaw ko.
Nakita ko ang putol na kamay sa paanan ko. hawak pa nito ang susi . kinuha ko iyon sa putol na kamay at doon ko napagtanto na sa akin ang susi na iyon.
" Bwiset. ! Sheryl.!! " sigaw ko.
nang makalapit ako sa aking sasakyan ay doon ko nakita sa wasak na wasak ito.
Anong nangyari? Bakit sumabog , Sheryl...
Nakita ko na nagsilabasan na din ang ibang myembro ng cards.
" Anong nangyari?" tanong ni famela.
" Hmm guys . !" tawag ni Agnes sa amin.
lumingon kami dito at nakita namin ang hawak niyang card. Kinuha ko iyon at binasa
" 8th of Spade , " sa likod nito ay May nakasulat .
" maswerte ka pa din Spade. "
" AAAHHHHH. !!! HAYOP KA , PAPATAYIN KITA." sigaw ko sa galit .