Chapter 3

1220 Words
“Mama!” Ayon palang ang naririnig ni Katrina pagpasok na pagpasok niya sa loob ng bahay nila ay wala na ang pagod na nararamdaman niya. Nang matanggal niya ang sapatos niya ay agad niyang niyakap ang anak niyang tumakbo papunta sa kanya. Agad siyang nanggigil sa anak niya dahil talagang sabik na sabik siya rito kahit na kaninang umaga ay nasilayan pa niya ito habang natutulog. “My baby!” Inamoy-amoy niya ang leeg ng anak niya kaya nang marinig niya ang tawa nitoay tuluyang nalusaw ang pagod na nararamdaman niya. Lagi na lang kapag uuwi siya at ang anak niya ang sasalubong sa kanya ay ganito ang nararamdaman niya. Kaya bakit pa siya hihiling ng bagong pag-ibig kung busog na busog na siya sa anak niya? Hindi na niya kailangan ng iba pang mamahalin lalo’t ang anak niya lang ay sobra-sobra na. “Mama nakikiliti po ako,” tumatawa at hirap na sabi ng anak niya kaya tumigil na siya at buhat-buhat ang anak na tuluyan siyang pumasok sa loob ng bahay. “Kamusta naman ang prinsipe ko? Natulog ka ba kaninang tanghali?” tanong niya sa anak niya habang buhat-buhat ito. Papunta sila sa sala. “Opo, Mama. Kahit na itanong mo pa po kay Ninang,” sabi ng anak niya kaya napangiti naman siya. “Naku! Baka kinausap mo na naman si Ninang mo para magsinungaling at sabihin sa akin na natulog ka nga kahit hindi naman,” sabi niya at tinutukoy si Raula Mae. Lagi naman gano’n ang anak niya at si Raula Mae. Talagang pinagkakaisahan siya ng dalawa pero kapag galit naman na siya ay talagang hindi uubra ang anak niya pero konting lambing lang naman sa kanya ni KV ay bumibigay na siya katulad niya si Emitt at Raula Mae. Kahinaan nila ang maamong mukha ni KV kaya naman talagang sunod sa hulo ang anak niya kahit na minsan ay gusto niyang pigilan pero hindi naman niya kayang nakikitang umiiyak ito. “Nakauwi ka na pala,” sabi bigla ni Emitt kaya napangiti naman siya. Kanina pa siguro si Emitt dito. Agad naman nagpababa sa kanya si KV at tumakbo kay Emitt para magpasubo siguro rito ng pagkain lalo’t may hawak si Emitt na pinggan na puno ng pagkain. “Kanina ka pa?” tanong niya. Hindi kasi siya nakasama nang ilabas kanina ni Emitt ang anak niya lalo’t may dapat siyang tapusin sa trabaho. Kaya nang sinundo siya ni Emitt kanina ay tumanggi siyang sumama kaya mukhang silang tatlo lang nila Raula Mae ang nakalabas. “May pagkain na roon sa kusina. Kumakain ka na,” sabi ni Emitt kaya tumango naman na siya pero nang makita niyang talagang paramng prinsipe ang anak na sinusubuan ni Emitt ng pagkain at pati ang baso kapag umiinom ang anak ay hawak din ni Emitt ay sinuway niya ang anak. “KV… Wala ka bang kamay anak?” tanong niya habang nakakunot ang noo niya. “Ayos lang naman,” sabi ni Emitt pero nang makita ng anak niya ang masamang tingin niya ay hinawakan nito ang kutsara at ito ang kumuha ng pagkainin nito kaya ngumiti naman siya agad sa anak niya. Iniwan na niya ang dalawa dahil mukhang maayos naman na ang mga ito. Nang pumasok siya sa kusina ay nakita niya si Raula Mae na hanggang ngayon ay abala sa harapan ng laptop nito. “Kanina ka pa d’yan. Kaninang umalis ako ay laptop na ang kaharap mo, hanggang ngayon na nakauwi na ako ay laptop pa rin ang harap mo,” sabi niya at sandaling naupo sa harapan ni Raula Mae. “Kanina tumigil ako sa ginagawa ko kasi binabantayan ko si KV,” sabi nito habang nagtitipa sa laptop nito. “Bakit parang kasalanan ko kung bakit tumigil ka sa ginagawa mo kanina para bantayan si KV?” tumatawang tanong niya at kumuha na ng pagkain na nasa mesa. “Sira ayos lang naman. Hindi nakakasawa ang batang ‘yon. Ang pogi!” sigaw ng kaibigan niya kaya natawa naman siya. “Saan magmamana? Tanga na ‘to syempre sa akin. Ang ganda-ganda ng nanay niya,” sabi niya kaya nakita naman niyang napairap si Raula Mae kaya natawa naman siya. “Katrina…” tawag sa kanya ng kaibigan kaya natigilan naman siya at lumingon kay Raula Mae. “Bakit?” tanong niya bago sumubo ng pizza na nakalahati na niya. “May nag-aya sa aking na kaibigan. Gusto mo bang mag-abroad?” tanong ni Raula Mae kaya doon siya natigilan. Pinag-isipan na niya ‘yan noon nang ma umalis siyang katrabaho noon para maging katulong sa ibang bansa. “A-anong klaseng trabaho naman?” tanong niya sa kaibigan niya. “Ang sinabi lang ay magtra-trabaho ka sa isang budega ng mga laruan, malaking kumpanya kaya maganda rin ang kita,” sabi nito kaya napabuntong hininga naman siya. “Alam mo namang hindi ko maiwan si KV, tsaka natatakot ako,” sabi niya sa kaibigan niya. Alam niyang hindi siya magtatagal sa ibang bansa habang nandito ang anak at Lola niya sa pilipinas. Hindi niya kayang lumayo lalo’t natatakot na siyang mag-isa. Sobrang hirap kapag ikaw lang ang mag-isa sa malayong lugar. “Alam na alam ko ‘yon, Katrina, kaso naisip ko rin. Hindi na madali ang buhay ngayon. ‘Yong tipong pagod na pagod ka na pero wala ka pa ring ipon,” mahinang sabi ng kaibigan niya kaya napayuko naman siya. Lahat din talaga ng naipon niya ay parang baliwala lalo’t nabibili rin agad sa gamot palang ng Lola niya at isama pa ang pang-araw-araw na gastos nila. Mag-aaral pa si KV kaya kailangan niyang kumita talaga ng malaki. “Pasensiya ka na kung hanggang ngayon pabigat ako sa ‘yo,” mahinang sabi niya sa kaibigan kaya nagulat naman siya ng binato siya ng gamit na tissue. “Bakit sinasabi mo ‘yan? Kailan ka ba naging pabigat sa akin?” inis na tanong ng kaibigan niya. Hindi naman niya makuhang ngumiti sa binata dahil sa tanong nito kasi kahit naman hindi gano’n ang iniisip nito ay gano’n naman siya para sa kanya. Alam niyang pabigat na siya kay Raula Mae. Wala pa ring pamilya ang kaibigan niya at sa perang naiipon dapat nito para sa mga magulang ay alam niyang kakaunti pa dahil nakikihati pa siya. “Huwag kang mag-isip ng kung ano-ano bakla ka,” tumatawang sabi nito pero ito na siya ngayon at umiiyak na dahil masamang-masama na ang loob niya at pakiramdam niya ay pagod na pagod na naman siya. “Hindi ko kailanman inisip na pabigat ka Katrina. Sa mga taon na lumipas hindi na gano’n kababa bilang isang magkaibigan na lang ang turing ko sa ‘yo. Kapatid kita at sa kahit na anong laban ay kasangga mo ako kahit na anong mangyari kaya laban lang,” sabi nito kaya tumango naman siya. “Sinabi ko na kasing tanggapin mo ang tulong ko.” Napatingin siya sa pinto ng kusina at nakita niya si Emitt gano’n na seryosong nakatingin sa kanya at buhat-buhat nito ang anak niya. “Emitt.” “Pakiusap Katrina… tanggapin mo na ang sinasabi ko sa ‘yo,” sabi ni Emitt habang nakatingin sa mga mata niya. Hindi niya alam ang sasabihin niya. Basta nakatingin lang siya kay Emitt. “Magpakasal na tayong dalawa.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD