"Alam niyo,guys..badtrip ang araw ko ngayon.." bulalas niya habang nakapalibot sa kanya ang mga pusa. Routine na nila ang ganun bago siya matulog hinihimas niya ang bawat isa habang mga nakasalampak na ang mga ito sa salas niya. She sighed. "Hindi ko makumbinsi ang modelo yun,naiinis ako kasi ni hindi man lang siya naawa sakin," sabay sapo niya sa nasaktan noo. Ang kulay puti na batik batik naman ang hinimas niya. "Nakakatakot nga siya eh,ang intense niya tumingin.." Ang isa naman ang hinaplos niya. Marahas siya napabuga ng hangin. "Pero ang sama lang kasi di ba dapat maayos ang pagpapaalis niya sakin pero hindi eh! Sinabihan ba naman ako 'Get lost'! Sa ganda kong 'to gaganuhin na lang niya ko,ang yabang niya,akala naman naman siya lang ang gwapo sa balat ng lupa!" pag-ismid niya sa

