Cristine Soriano Tahimik lang ako. Dahil pinakikiramdaman ko si Daniel. Kahit kasi nakaalis na yung babae ay ramdam ko pa din ang tension niya at maya maya ay biglang nagsalita si Daniel sa akin. “You ok hon?” Malambing na tanung nito sa akin. Dahil parang shock pa din ako sa nangyari ay tumango na lang ako bilang pagsagot sa tanung niya. “F*ck” Mahina pero nadinig ko na sabi ni Daniel. Hindi ko alam kung para sa akin ba yun,basta hindi pa din ako nagsasalita dahil feeling ko makakapagsabi lang ako ng hindi maganda once nagsalita ako,kaya mas gugustuhin ko na lang na tumahimik. Nakita kong bumuntong hininga si Daniel at pinaharap ang upuan ko sa kanya. Dahan dahan na inabot ang aking kamay at dinala niya ito sa kanyang labi para bigyan ito ng malililiit na halik. “Hon yung nakita mo

