Cristine Soriano
“Cristine! Halika na dali. May ibabalita ako saiyo.” Malakas ng sigaw ng kaibigan ko na si Toneth."
“Ang aga aga kung makasigaw ka wagas,parang masisira bahay namin sa lakas ng ng tawag mo eh” Sagot ko sa kanya.
“Wow! OA ah! sige,aalis na lang ako,ibabalita ko sana sa iyo na lumabas na ang resulta ng mga makakakuha ng scholarship from Valdez Foundation.” Nangongosensyang balita niya sa akin.
Bigla akong napatakbo at hinila ng malakas ang kanyang kanang kamay pabalik sa loob ng bahay naman.
“Aray! Naman bruha ka masakit kaya ang hila mo.” Reklamo niya sa akin.
“Sorry! Naman kaw kasi aalis ka agad,pero totoo ba na my resulta na ung mga nakapasa sa scholarship?” Tanung niya kay Toneth.
“Oo nga paulit ulit lang ang peg and take note girl name mo ang pinaka una sa listahan,dahil kaw ang nakakuha ng pinakamataas ng score. Wow! Sissy I'm so proud of you at least,hindi ka maglilinis ng kaldero sa karinderya ni Aling Taleng." Mahabang paliwanag niya.
“Sasabihan ko agad ang Inay at Itay sa magandang balita.” Sabi niya.
“Oo at pinapupunta sa Valdez Foundation ang lahat ng nakapasa,kasi parang ang narinig ko may ipopoprovide sa inyo na dormitory na nasa loob lang din ng University niyo habang kayo ay nagaaral. May pa allowance pa kaya ang suwerte mo girl.” Pagbabalita niya sa akin. Kaya bigla akong naging excited na magaral.
“Siya alis na ako baka hanapin ako ni Inay,sabi ko kasi sandali lang ako sige una na ako.” Paalam niya sa akin.
Walang sisidlan ng tuwa ang nararamdaman ko at nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil sinagot niya ang aking dasal. Naalala ko tuloy kung paano ako kinabahan nung nagpakilala ako at ininterview para makapag exam.
“Cristine Soriano,tell me about your self at kung bakit dapat kaw ang magkaroon ng pagkakataon para makakakuha ng exam?” Tanung sa kanya during interview.
“ Ako po si Cristine Soriano,18 yrs old panganay po at may isa po akong nakakabatang kapatid na lalaki,ang Tatay ko po ay mangingisda at ang Nanay ko po naman po ay isang labandera. Kapag napili po ako at naipasa ang scholarship gagalingan ko po mabuti para magaral at balang araw makatulong po ako sa aking magulang. Magkaroon ng maayos na hanap buhay sa hinaharap.” Sagot niya sa interview.
Naalala ko nga nun napakasimple lang ng akong suot at pinahiram pa ako ni Toneth ng bestida. Sabi kasi niya sa akin dapat daw smart akong tingnan para hindi maliitin ng mga makakasabay ko. Hindi naman ako pangit sa naiinggit nga sa akin si Toneth kasi na sa akin na daw ang lahat ng katangian na magugustuhan ng sinung lalaki. Tulad ng balingkinitang katawan,ang mapupungay na mata sinabayan pa ng pagkakaroon ng mahahabang pilik mata,matangos na ilong at magandang height na 5’6. Pero sabi ko nga nun kay Toneth hindi ko priority ang magka bf mas gugustuhin ko pa mag isis ng kaserola kesa sa ligaw ligaw na yan. Aaminin ko nung naghigh school ako,may mga nagsabi at meron nga na naglakas ng loob magsabi kay Tatay na manliligaw,pero ako mismo hindi ko priority yun. Masuwerte ako kahit hindi kami mayaman nagkaroon ako ng mapagmahal na pamilya na handa akong suportahan kung anu man ang nais ko sa buhay.
“Itay mano po.” Salubong niya sa ama na bagong dating galing pangingisda.
“Kaawaan ka ng Diyos,Nasaan ang nanay mo?” Tanung sa akin ng Itay.
“ Nasa kusina po Tay at nagluluto ng hapunan. Si bunso naman ay nagawa po ng assignment niya.” Sagot niya.
“Oh! buti dumating kana Carlito,parine na sa hapag at ng makakain na tayo. May magandang balita ang dalaga mo sa atin,kanina ko pa tinatanung eh ayaw sabihin gusto niya ay andito ka na.” Sabi ng kanyang Ina.
“Siya nga! Aba maganda nga siguro ang balita at talagang inantay ako ng aking magandang dalaga.” Sabi ng kanyang Ama.
Tumulong na nga ako maghain at pumunta na kami sa hapag para makapag hapunan na din.
“Nay,Tay. Sasabihin ko na po ang magandang balita” Panimula ko sa kanila.
“Nakapasa po ako sa scholarship ng Valdez Foundation at hindi lang yun. Ako pa po ang nanguna sa lahat ng mga nagexam.” Proud niyang pagbabalita sa magulang.
Tuwang tuwa ang aking magulang lalo na aking ama,dahil alam nito na gustong gusto ko ang makapagaral kaya halos sa laot na tumira ang aking ama para lang magkaroon ng mas malaking kita at ng may magamit ako sa aking pagaaral sa kolehiyo. Pero sadyang kulang at hindi sapat para sa aking pagaaraal kung sakali.
“Masayang masaya ako dahil nagsisimula na matupad ang gusto mo sa buhay anak.” Naiiyak na komento ng kanyang ina.
“Basta anak magaral ka ng mabuti,wag mo kami masyado intindihin dito at kami bahala dito. Kapag nagkaproblema ka uwi ka lang at sabihan mo kami." Habilin ng kanyang Ama.
“Wow! Ate scholar ka na,matutupad na pangarap mo maging Teacher.” Masayang sabi naman ng kanyang kapatid
“Salamat po sa inyo hindi ko kayo bibiguin. Pagbubutihin ko po para sa inyo.” Sagot niya
“Oo nga po pala. Nay,Tay bukas po pupunta ako sa Valdez foundation,kasi ipapaliwanag lahat daw mga procedure,kasi may ipoprovide na dormatory at allowance sa mga nakapasang scholar nila.” Paliwanag niya sa kanila.
“Kung ganun mainam nga yan at kahit paano panatag kami ng iyong Ina sa magiging kalagayan mo sa Unibersidad kung sakali”. Sagot ng kanyang Ama.
“Opo nga Tay,pero susubukan ko po maghanap ng extrang pagkakakitaan,para po kahit paano may maibibigay po sa inyo.” Sabi niya.
“Naku! anak huwag na at gamitin mo sa sarili mo. Nagiisa ka lang doon at malayo kami sa iyo.”Sagot ng kanyang Ama.
“Hindi po tay basta magaabot po ako kahit po pambaon lang ni bunso.” Pamimiliy niya.
At hindi na sumagot ang kanyang Ama,dahil alam nila na hindi na mababago kung anu man ang kagustuhan ko lalo kung para sa aking pamilya.