Daniel Valdez
Tulad nga ng plano sabay sabay nga kami magkakaibigan na pumunta sa mansyon. Sadyang tinawagan ko ang mga moron na ito para saluhin ako kapag nagumpisa ng magmisa si mom. Ang alam ko kasi yun ang gagawin sa akin ni mom,maasahan ko naman ang mga lokong kaibigan ko,kahit ganun naman si Mom mahal ko yun pero minsan kasi sumosobra na ito tinuturing niya pa din akong bata eh kung tutuusin puwede na akong gumawa ng bata.
“Baka naman gusto niyo na bumaba anung inaantay niyo pagbuksan ko pa kayo ng pinto.”Sabi niya sa mga kaibigan. Ginawa akong driver at iniwan ang kanilang mga sasakayan sa parking area ng penthouse. Hindi dinala ang sasakyan nila kasi incase daw magkagipitan sabay sabay kami aalis.,mga loko din sabihin nila mga tamad sila magdrive.
Pagkababa nauna na ako pumasok sa loob ng mansyon at nagulat na lang ako na may iba pa palang bisita ako madadatnan. Andito ang mga Montes,pero ang nakakapagtakaw wala akong nakitang ibang sasakyan sa garahe,kaya akala ko wala naman ibang tao dito maliban sa amin.
“Good Evening.” Bati ko sa kanila. Nakita ko ang pagngiti at pagaliwalas ng mukha ng aking ina nung makita ako.
“Oh! Iho your here. Nasabi ko nga na dito ka magdidinner kaya, I invited the Montes,para makita ka nila kasi sabi ko busy ka kaya hindi ka nakapunta last time” Bungad sa akin ng aking Ina.
“Valdez! Bakit nangiiwan ka naman? Parang wala kang kasama eh.” Reklamo ni Oscar. Bigla natahimik nung nakita na may ibang tao sila nakita.
“Oops! Sorry po Tita may bisita po pala kayo.” Hinging paumanhin ni Oscar kay Mom.
“Oh! mga Iho,buti nakapunta kayo dito sa mansyon. Tagal na din kayo hindi nadalaw dito. Tara na sa dining area para makakain na tau.” Bati ni dad sa mga kaibigan ko.
Alam ko na namiss niya ang mga ito,dahil pinangarap din ni daddy na magkaroon pa ako ng kapatid,pero nagkaroon ng komplikasyon si Mom sa matris,after niya ako maipanganak kaya hindi na ako nasundan. Kaya gustong gusto ni Dad na andito mga kaibigan ko. Kasi ramdam daw niya na natupad ang pangarap niya na magkaroon ng maraming anak sa pamamagitan ng mga kaibigan ko.
Nakita ko na nakasiring mata ni Mom sa akin,dahil sa pagsama ko sa mga kaibigan ko dito sa mansyon.
“Yun kakain na tayo,kanina pa nga po ako nagugutom Tito eh.” Sagot ni Kenneth kay Dad.
“Lagi ka naman gutom Dude,hindi na bago yun.” Hirit naman ni Dave. Kaya sabay sabay na kami pumunta sa dining area.
Tahimik kaming kumakain at wala ni isa ang gustong magbukas ng conversation.
“Iho kaya din pala andito ang mga Montes,para mapagusapan ang magiging engagament niyo ni Catherine.” Pambasag ng aking Ina sa katahimikan sa dining table.
“Ma! diba alam niyo naman ang stand ko pagdating diyan at hindi ako fanatic sa arrange marriage. Besides hindi naman ako nagmamadali magpakasal.” Sagot niya sa Ina.
“Sorry po Mr and Mrs Montes. Hindi talaga ako magpapakasal sa anak ninyo,kasi may iba akong nagugutuhan at ang babaeng ito lang ang gusto ko pakasalan. Kaya pasensya na sa inyo lalo na sayo Catherine.” Diretsang sabi ko sa mga Montes. Nakita ko ang pamumula ng mukha ni Catherine,tanda ng pagkapahiya.
“Daniel Arthur! What kind of attitude is that? Apologise to them.” Nagagalit na utos ng kanyang Ina.
“No its ok. We understand, mahirap pilitin kung ayaw baka masaktan lang ang unica iha namin. Were done now and we have to go. Thank you for delicious dinner Mr and Mrs Valdez.” Paalam ni Mr. Montes. At lumabas na siya kasunod ng kanya magina.
“I’m sorry for what my son have been said. Maybe we can set this dinner some other time. I’m really sorry" Habol na sabi ni Mom. Pero nakaalis na ang mga Montes,hindi ko alam kung narinig ba nila yung sinabi ni Mom.
"Look! What have you done! Daniel,nakakahiya sa mga Montes. Anu ba iniisip mo at ginawa mo yun?” Nagagalit na sabi ni Mom sa akin.
“Mom alam mo naman ang stand ko pagdating diyan,pinagpipilitan niyon pa kasi ako.” Sagot ko kay Mom.
“Kahit na bakit kailangan na ganung approach! Anu nalang iisipin nila na yung nagiisa kong anak bastos.” Patuloy ni Mom. Sasagot sana ko nung biglang sumabat si Dad.
"Tama na yan! Hindi niyo na nirespeto ang hapag,itigil niyo yan.” Madiin pero seryosong sabi ni Dad.
“Kausapin mo ang anak mo Danilo at hindi na ako natutuwa sa mga pinaggagawa niya.” Sabi ni Mom kay Dad. Sabay alis at umakyat na siya sa kuwarto nila.
Nakita ko ang pangbuntong hininga ni Dad nakikita ko na naiipit siya sa sitwasyon namin ni Mom.
“Dad sorry sa nagawa ko pero,ayaw ko talaga ang arrange married set up. I’m too old enough para magdecide para sa sarili ko.” Sabi ko kay Dad.
“It’s ok son at kakausapin ko na lang ang Mom mo tungkol diyan. Anyway ituloy na lang natin ang pagkain.” Sagot nito sa kanya.
“Oo nga ikain na lang natin yan bro.” Biro ni Oscar sa akin. Nagulat ako dahil yung mga kaibigan ko ay sarap na sarap sa pagkain. Parang tuwang tuwa pa sa pinanood nila kanina.
“Wow! ha hiyang hiya ako sa inyo ha,parang wala kayong pambili pagkain sa dami ng pera niyo.” Pangaasar sa mga kaibigan niya.
“Dahil diyan iinum na natin yan.” Hirit ni Oscar sa amin.
“No problem,tamang tama kakarefill ko lang ng liquor sa bar dito sa mansyon,” Sagot naman ni Dad sa hirit ni Oscar.
“Yun ang masarap dude,kaya gustong gusto namin napunta dito sa inyo eh dahil lagi kami busog at lasing.” At lahat kami ay nagtawanan sa sinabi ni Kenneth.
Napapailing na lang ako sa mga kalokohan ng kaibigan ko at siguradong magdamagan na naman ito.