Catherine Montes “Good morning Mom and Dad” Bati ni Catherine sa kanyang magulang habang nagaalmusal. “Oh! Iha. Maganda ata gising ng prinsesa ko ah.” Pansin ng kanyang Ama. “Maganda kasi ang panaginip ko Dad. Napanaginip ko kinasal daw kami ni Daniel tapos pumunta kami sa Maldives para sa honeymoon namin kaya masaya ako.” Sabi nito sa kanyang magulang. Nagkatinginan ng may kahulugan ang magasawang Montes dahil sa sinabi ng anak. “Hmmm iha. May appointment tayo kay Dra. Samaniego. Kailangan kasi ay bumalik tayo sa kanya para magpacheck up.” Sabi ng kanyang ina. Nung narinig ito ni Catherine ay biglang tiningnan niya ng masama ang Ina nito. “Bakit pa ako pupunta dun? Wala naman ako sakit at hindi ako baliw ok. Kaya hindi ko na kailangan pumunta pa dun.” Matigas na sagot nito sa Ina.

