Gemini Leondale Nagulat ako nang pagbaba ko ay nasa sofa sa sala namin si Silver habang pinagmamasdan ang mga baby photos ng kambal na nakalagay lamang sa center table namin. Tumikhim ako para matawag ang pansin niya nakangiti lamang itong nakatingin sa album at nang lumingon ito saakin ay hindi parin nawala ang nangniningning na ngiti niya saglit akong natulala dahil nakita ko lamang ang ganoong ngiti niya nang manalo siya bilang MVP of the year. "Hey sorry kong pinakialaman ko na itong mga album ng kambal nasiyahan lamang ako sa mga nakikita kong mga pictures nila mula nang isilang sila hanggang ngayon na 5 years old na sila sayang lang at wala ako sa mga oras na lumalaki sila" kita ko dito ang biglang paglungkot ng mukha niya. Pero hindi ko na lamang pinagtuunan iyon ng

