Gemini Leondale Hindi nga ako nagkamali ng inisip dahil pagkabukas na pagkabukas ko nang pintuan namin ay bumungad saakin ang mukha ni Silver na ngayon ay seryoso habang suot ang kulay asul na long sleeves at maong pants fresh na fresh ito mula sa mabango nitong samyo. Gulat na gulat ako dahil kahit alam kong maaaring bumalik ito dito ay hindi ko napaghandaan ang pagdating niya dito agad agad. "A-anong g-ginagawa m-mo d-dito?" nanginginig ang boses ko habang tinatanong ko siya habang siya ay seryoso parin at matiim na nakatingin saakin mabuti na lamang at nasa kwarto pa sina Crys at Jade at ngayon ay kasalukuyang tulog pa ang mga ito. "Asan ang mga anak ko?" diretsong saad nito saakin kaya saglit akong natigilan dahil hindi ko alam ang isasagot pilit kong sinusupil ang kaba

