CHAPTER 44

1024 Words

Matapos ang ilang minuto, umalis na rin si Troy at kanina pa siya hinihintay sa baba. Bumalik ako sa pagkakahiga dahil pakiramdam ko kulang pa rin ako sa pahinga. Ang sakit ng mga mata ko. Mukhang ang tanging totoo lang sa panaginip ko ay ang salamin kong naanod ng alon. Humikab ako at nang abutin ko ‘yung dulo ng kumot ay bigla na lang may kumatok. Napalingon ako sa pinto at nakitang pumasok si Aizen. Namuo agad ang luha sa gilid ng mga mata ko. Hindi ko aakalain na panaginip lang ang lahat. Hindi ko aakalain na makikita ko pa ulit siya at mapagmamasdan gamit ‘tong malabo kong mga mata. “Gising ka na pala, nagugutom ka na ba?” tanong niya at marahan na naglakad papunta sa kinaroroonan ko. Kusa na lang tumulo ang luha ko. Nakita ko rin na nagbago ang expresyon ng mukha niya at nagtata

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD