Apat na araw na ang nakakalipas. Nandito pa rin ako sa mansion at nakahilata lang sa kama buong mag damag. Hindi ako pinayagan ni Tyler na pumunta muna sa Hospital dahil hindi ko rin naman makikita si Val dahil kailangang patapusin muna ang isang linggo mara malaman kung epiktibo ba ang gamot na binigay sa kaniya. Ilang araw na rin akong walang gana at halos walang enerhiya sa bawat galaw na gagawin ko. Sinabihan na rin ako ni Tyler na lumbas muna sa labas para magpahangin at nang hindi ako manamlay pero nagmamatigas ako. Sina Tatay Ernesto ay malamang nasa hardin na para magdilig ng halaman at kung ano pa. Hindi naman na ako tinanong ni Tyler kung bakit ko dinala sina Tatay Ernesto dito. Nakatitig lang ako sa bubong ngayon, iniisip kung tatayo ba ako o hindi. Napapagod kasi akong

