Ilang araw na akong ganito. Gusto ko na umalis dito dahil kahit pala may pintura at libro ay hindi pa rin pala masaya. Nagsasawa na rin ako sa mga ginagawa ko at madami na rin akong naipinta. Gusto ko na lang umuwi sa bahay. Maka langhap ng sariwang hangin, pumasok sa school at mag trabaho. Kahit pa na ako lang mag-isa, hindi ko nararamdaman ‘yun dahil iginugugul ko ang sarili ko sa pagod. Masaya naman ako sa ganoon, hindi ko namamalayan na tumatakbo ang oras. Third year na ako ngayon at isang taon na lang, ggraduate na ako. Kapag nakaipon ako, hahanapin ko na ang tatay ko. Ang dami kong tanong sa kaniya, kung bakit iniwan niya kami. Kung bakit mas pinili niya ang ibang bagay kaysa amin ni mama. Matanda na ako at iintindihin ko at rerespetuhin ang naging dahilan ng desisyon niya para iw

