Pinunasan ko ang luha ko at matapos ang ilang minuto ay muling bumalik ang ilaw. Nilingon ko si Aizen na naka akbay sa akin at saka binaba niya rin ang tingin niya sa akin. May pasa siya sa labi at alam kong galing pa yun sa bugbog sa kaniya noong isang araw. Naawa ako sa kaniya pero agad akong umiwas ng tingin nang maalala ko kung anong klaseng tao siya. “May problema ba?” tanong niya sa akin habang nakatingin lang sa mga mata ko. Hindi ko alam kung katotohanan ang isasagot ko o magsisinungaling ako sa kaniya. Gusto kong sabihin sa kaniya na hindi ako okay. Gusto kong makawala dito dahil madami pa akong kailangan gawin pero alam kong hindi niya ako papayagan. Gusto ko rin sabihin sa kaniya na okay lang ako dahil dinamayan niya ako sa takot ko pero hindi sapat ‘yon para sabihin ko iy

