Naging normal naman ang lahat sa kanila ulit. Pero may mga pagkakataon na nahuhuli niya ito na nakatingin sa kanilang mag ama na tila naiiyak. Pero naiisip niya na baka naalala nito ang mga magulang nito. Wala pa itong nagiging kasintahan bago naging sila. Malinis ang record ng asawa, imposible naman na may lalaki ito dahil halos binte kwatro oras silang magkasama. Isinama niya ito at si Kelly sa party ng anak nila Rich at ni Lyndon. Masayang nakikipaglaro si Kelly sa mga anak ni Hans at nila Kairo. "Ang ganda ng asawa mo saan mo ninakaw yan?" Tukso ni Ryon sa kanya. Binata pa ito hanggang ngayon, kagaya niya ay bahagi din ito ng OGAG billionaires. Kung bank accounts ang pag uusapan ay isa ito sa mga taong maraming laman ang bank accounts. "Sa school hehe. Naalala mo yung sinabi niyang

