ARYNN DELA ROSA Walang salita ang namutawi sa aking mga labi hanggangsa makaalis na si Papa. Ngayong siya ay may anak na kay Maricris, ang tingin nalang niya sa akin ay isangsubstitute. Sa panahon na nasa tamang edad na ang anak niya ay papalitan na niya ako. Hindi na siya takot na mawala ako. Hindi na siya overprotective sa akin. Hindi na rin niyaako pinakikielamanan. Simula noong nawala sa akin si Youji ay parang sunod-sunod ang paguho ng mundo ko. Wala akong makapitan. Tanging si Sassy lang ang nasasabihan ko ng mgahinaing. "I want to go anywhere to escape this place," I whispered. Pinunasan ko ang luha sa aking mga mata at huminga ng malalim. Ni hindi man lang naalala ni Papa na birthday ko bukas. Hindi ako kailan man maghahabol ng pagmamahal niya. Siya ang dahilan ng lahat ng

