ARYNN DELA ROSA Tumayo ako at lumuhod sa harap ni Rey habang hawak ang kahon ng tissue. Kinuha niya iyon at pinunas sa kanyang ilong. "Are you okay? Dapat ba ay tumawag na ako ng ambulance?" "No. No. It's normal. I'm alright." Mas lalo akong nag-aalala dahil tinatawanan lang niya ang nangyayari sa kanya ngayon. Tumayo ako at kumuha ng isang baso ng tubig saka muling lumuhod sa kanyang harapan. "Are you really okay?" Tiningnan niya ako. "Don't worry. Hindi ka nila pagbibintangan kapag namatay ako." Pinalo ko ang kanyang braso. "Hindi nakakatuwa iyang biro mo, a." "Sorry na nga." "May gamut baa ko na dapat kuhanin sa loob? How about cold compress? Wait, do toy experience chills or—" "Arynn, calm down. I'm alright." "You don't look alright!" Napasinghap ako nang biglang tumaas ang

