Kabanata 2 - Tagpo

1522 Words
Kabanata 2] "???????.." Nahimasmasan lamang ako ng marinig kong binanggit niya ang pangalan ko, "Binibining Luna, masama ba ang iyong pakiramdam?Tila namumutla ka", nagaalalang tanong sa akin ni Eduardo. "Ayos lamang ako, maraming salamat nga pala rito sa rosas" Bakit ka nga pala narito sa hardin?Hindi ka ba nasisiyahan sa loob?" mahinahon kong tanong sa kanya. "Masyadong maraming tao at maingay sa loob kaya naparito ako. Nais ko ding pakalmahin ang aking sarili dahil sa kung anong bagay na bumabagabag sa'kin." tugon n'ya. "Kung iyong mararapatin ginoo, maaari ko bang malaman kung ano ang bagay na iyon?" magalang ngunit nahihiya kong tanong. "Nakakahiya man sabihin, pero hindi ko alam kung pa'no ko sasabihin sa isang binibini na hinahangaan ko siya", napalingon siya sa bandang kanan upang itago ang kahihiyan. "Ikaw binibini, mayroon ka na bang napupusuan?", nakaramdam ako ng kaba sa tanong na lumabas sa labi n'ya. "Wala pa. Wala pa akong napupusuan o nagugustuhan. Nais ko munang bigyan pansin ang mga hangarin ko bago ang pagibig" sa hindi malamang dahilan ay ako'y kinabahan at ramdam ko ang panginginig ng aking boses habang binibitawan ang bawat salitang 'yon. Pero kung ako'y ang tatanungin kung paano ko masasabi ang nararamdaman ko para sa isang taong laman at tinitibok ng puso ko ay sa pamamagitan ng mga liham at iparamdam mo sa kanya na may pagtingin ka sa kanya tulad ng pagbibigay ng isang rosas. Dba nasabi mo kanina na ang pulang rosas ay sumisimbolo sa tunay na kahulugan ng pagibig. Ma-swerte ang binibining tinutukoy mo, ginoo, bakit hindi mo ipagtapat sakan'ya ang nararamdaman mo?", napatawa siya nang bahagya subalit anumang pagkukubli niya ng lungkot at pagkabahalang nadarama niya ay talagang 'di nagsisinungaling ang kaniyang mga mata. "Marami akong ikinababahala, natatakot ako na 'pag nalaman n'ya ay bigla na lamang niya akong layuan at iwasan. Mas mabuti na sigurong 'wag ko na lamang tangkain pang magtapat." ramdam sa tono ng boses niya ang kalungkutan. "Hindi palaging nagmamadali, Ginoo. Palaging may tamang oras para sa mga gan'yang bagay. Hayaan mo, 'pag handa ka na, tsaka mo ipagtapat. Mas pagtuunan mo muna ang mga bagay na kailangan mo" tugon ko nang may sinceridad. "Paano kung malaman mong may mahal ng iba ang taong matagal mo nang napupusuan? O 'di naman kaya'y mayroon na pala s'yang kasintahan?" naguguluhan niyang aniya. "Sabi nga nila. Hindi natin mapipigilan ang ating puso kung kanino at kailan tayo may mapupusuang kung sino. May taong gusto nating makasama at maging kasintahan, subalit iba naman ang kanilang napupusuan. Mayroon namang tayo ang kanilang napupusuan ngunit 'di natin masuklian ang pagmamahal nila." saad ko, tipid akong ngumiti nang sumilay ang bahagyang ngiti sa kaniyang labi. Bahagyang tumahimik ang paligid tanging tugtugin lamang mula sa loob ang aming narinig dahil sa lakas nito at umihip rin ang malamig na simoy na hangin. Isa sa'min ay walang nagtangkang magsalita. Dahil muk'ang ang ginoong itong nasa aking tabihan ay tila binabagabag pa rin. "Huwag kanang malungkot Ginoo, kung gusto mo ako na mismo magsabi sa binibining 'yan na may pagtingin ka sa kanya." pabiro ko saad na siyang bumasag sa nakakabinging katahimikan na namamagitan sa aming dal'wa. Maging s'ya ay napatawa sa aking sinabi. "May pagkapilya at patawa ka din pala, Binibini." aniya, bahagya pa s'yang napahagikhik. "Biro lamang ginoo, nais ko lang mapagaan pakiramdam mo" nakangiti kong tugon kasabay no'n ang bahagya n'yang pag-ngiti. "Maraming salamat kung gano'n, binibini" hindi ko alam kung may halong ka-sarkasmohan pero sabay na lamang kaming natawa sa 'di malamang dahilan. "Saka nga pala, maaari ba kitang maging kaibigan?Kung ayos lang naman sa'yo, binibini.", ngiti niya dahilan para mapatango ako. Tawanan at kan'ya-kan'yang kwento ang s'yang binahagi namin sa isa't-isa. Do'n na namin nasimulan ang usaping tungkol sa aming mga sarili. "Noong bata pa ako, talagang abogado ang pangarap ko. Maging isang mahusay at tanyag na abogado 'di lamang sa ating bayan, pati na rin sa buong Pilipinas. Maipakita at maipagmalaki ako ng aking ama tulad ng pagmamalaki n'ya sa nakakatandang kapatid." nagsimula siyang mag-k'wento. "Kung hindi mo nababatid, mayro'n akong nakakatandang kapatid, si Kuya Errando. 'Di hamak na mas mahusay s'yang abogado kaysa sa'kin, maraming tao ang humahanga sakaniya kaya lubos siyang pinagmamalaki ni ama." dagdag niya pa, ramdam ko ang lungkot sa tono ng kaniyang pananalita. "Tanging si Inay Carmita lang ang nagtatanggol sa akin noon, bata pa lamang ako ay s'ya na ang kakampi ko sa lahat. Suportado n'ya lahat ng gusto kong gawin basta alam n'yang makakabuti para sa'kin. Siya rin ang pinakaunang taong sumuporta sa pag-aabogado ko. Natuto akong ipagtanggol ang aking sarili mula sa pangaapi at pangmamaliit sa akin ni Ama. Kung buhay lang si ina, mayayakap n'ya ako ng mahigpit sa sobrang tuwa dahil isa na 'kong ganap na abogado." Bigla syang napatahimik at kita ko unti-unti nang bumabagsak ang kan'yang mga luha sa lubos na pangungulila sa kaniyang Ina. "Labis akong nangungulila sakaniya, kaya aa tuwing nakikita ko ang nga rosas na iyan na kung saan naggaling ang kan'yang pangalan ay tila bumabalik sa aking isipan ang mga masasaya at malulungkot sa maikling pagsasama namin ni Ina." aniya. "Alam kong masaya ang iyong ina kung saan man siya naroroon. Masaya siyang makita kang napagtagumpayan mo ang pangarap mong maging abogado, ipinagmamalaki ka niya" nakangiti kong saad sa kanya upang mapagaan ang kan'yang loob. Lumalalim na ang gabi. Tanaw na ang mga maraming tala na kumikislap. Kabilugan ng buwan na nagbibigay liwanag sa madilim na kalangitan. Malamig na simoy na hangin ang dumadampi sa aking balat at mga kuliglig ang tangi kong naririnig dahil sa nakakailang na tahimik na atmospera sa pagitan namin. "Kilala ako bilang masyahin at mahinhin sa lugar na ito.", napalingon siya sa'kin nang magsimula akong magsalita. "Marami akong hilig at talento. Hilig kong tumugtog ng piyano. Hilig ko din ang pagkanta at higit sa lahat, hilig ko din ang magbasa at gumawa ng sarili kong kwento."natatawa pero may halong pagmamalaki sa tono ko dahil sa mga bagay na kaya kong gawin. "Tunay ngang kahanga-hanga ka, Binibini." ramdam ko ang paghanga sa tono ng kaniyang pananalita na nagbigay ng kung anong kuryente sa aking katawan. "Noong bata palang ako nais ko nang makatulong sa mga bata na walang kakayahang makapag-aral. Gusto ko silang turuan kung pa'no magsulat, bumasa o di naman kaya ay puminta. Masaya ako dahil pinahintulutan ako ni ama na magturo sa mga batang nais matuto. T'wing araw ng sabado at linggo ganap na alas-tres hanggang alas- singko ng hapon nagtuturo ako rito ng simpleng lektura, tinuturo ko kung paano ang pagsusulat ng baybayin at pagtuturo ng wikang Espanyol at Ingles sa mga bata. Isa ito sa mga hangarin ko na sana mas mapalawak at mas mapahalagahan pa. Dahil naniniwala ako na ang edukasyon ay isa sa maituturing nating kayamanan.", 'di ko na mapigilang mapangiti habang inaalala ang mga muk'a ng mga bata na aking tinuturuan noong isang araw lamang. "Napakaganda ng hangarin mo, sana mas marami ka pang batang maturuan. At iyon, nabanggit mo rin na nais mong mapalawak ang hangarin na mabigyan ng pagkakataon makapag-aral ang mga batang kapos-palad. Nais kong maging bahagi nito."saad niya na lubos kong ikinatuwa. "Magpapadala ako ng mga kagamitan para mas maayos mong pagtuturo ng lektura sa mga bata."nakangiting sabi n'ya. "Lubos na ikakatuwa ng mga bata ang mga 'yan Ginoo. Maraming Salamat." 'di ko na alam kung paano pang pakakalmahin ang puso kong naguumapaw sa kasiyahan. "Buwan, hango sa buwan ang aking pangalan. Ang aking Lola Teresita ang nagbigay sa akin ng pangalan na ito na sumisimbolo daw sa kapayapaan at kagandahan. Na-k'wento ng aking Ina na napakahalaga ng pangalan na ibinigay sa akin ng aking lola sapagkat marami itong kahulugan sa buhay n'ya. Nagagalak akong sinunod ni Ina ang mga pangakong iyon para kay lola. At natutuwa ako na kahit hindi ko s'ya naabutan at hindi n'ya nasilayan ang aking paglaki ay nand'yan pa rin ang mga tala at buwan na nagpaparamdam sa'kin na nariyan lamang sa'king tabi ang aking lola." saad ko sabay tingin sa kalangitan kung saan tanaw ang buwan at mga tala. "Natutuwa akong nakuha ang iyong pangalan sa buwan. Buwan na kahit natatakluban ng ulap o 'di naman kaya'y hindi buo ay hindi pa din nabibigong magbigay liwanag sa madilim na gabi." aniya habang nakatitig sa bilugang buwan na nasa kalangitan. Napalingon ako sakaniya, do'n ko napansin ang matangos n'yang ilong at mahahabng pilikmata. Pagmasdan mo ang mga nagkikislapang tala na iyon, Binibini. Hindi ba't nakakakalma kapag iyong tinititigan ang mga bagay na iyon?" bigla akong napaiwas ng tingin dahil bigla akong natauhan ng bigla siyang magsalita at lumingon saakin. "Maging ang buwan ay tila nakakabighani. At sa tinataglay nilang liwanag na kung saan nagbibigay ng liwanang sa madilim na paligid."pagsang-ayon ko. Binibining Luna, kung ang buwan at tala ang nagbigay ng liwanag sa dilim. Ay tila katulad ka nila, tulad nila na binigyan mo ng kinang ang mundo kong nababalot ng dilim. "Lahat ay may tamang panahon" at sa tingin ko, sa oras na ito, nais kong malaman mo na nasa harap ko ang binibining tinutukoy ko na ayokong mawala sa buhay ko. Mahal kita, Luna. Hayaan mong iparamdam ko sa'yo ang nararamdaman ko. Eduardo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD