Wednesday ng gabi ang dinner party na sinasabi ni daddy. Naka mini dress akong gray. High heels at nakalugay lang ang buhok. Si mom, naka long gown at ang tatlong lalaki ay naggu-gwapuhan sa kanilang suit. Isang sasakyan lang sana ang gagamitin papunta sa party pero nagdala ng sariling sasakyan ang pasaway na si Marco. Ayaw daw niyang sumabay sa amin. Nang makarating na kami sa party ay nagtaka kaming wala pa si Marco sa event place. Thirty minutes pa bago ito dumating. Nakaupo na kami sa reserved seats naming at papalapit ito sa amin na may kahawak sa kanyang kamay. Kamay ni Rina. Sinama nya at oo nga pala pinaalam nya sa daddy niyang may isaama sya. “Hello po.” Bati ng babae sa amin at ang lawak ng ngiti. “Hi!” Sabi ni mommy. Ngumiti si daddy at ganoon din si Mikee. Ako naman ay paran

