Alas kwatro ng umaga ay nakabihis na kami ni Enrico. Napag-usapan rin namin kagabi ni Luisa na sasakyan niya ang gagamitin. Talagang plinano namin ni Luisa itong trip na 'to kagabi. Tsaka gusto rin ni Luisa makapag unwind kasama ako. "Ang aga niyo mga anak? Hindi na ba kayo kakain?" nagulat ako dahil gising na si Manang. "Hindi na po manang." Sagot ko at tumango siya. "Sandali at may ibibigay ako." Pagkasabi ni Manang ay pumunta na siya sa kusina. Nandito na kasi kami sa main door ng bahay at hinihintay namin sila Luisa na dumating. Nandito na rin ang aming maleta na nakahanda na. Iniisip ko pa nga kung mayroon pa akong naiwan. "Anak, oh." Nagulat ako kay Manang na may inabot na sandwich. "Kainin niyo sa daan," dagdag niyang sabi. "Salamat, manang." I hugged her. "Ingat kayo mga

