"A-Anak?" napatingin ako sa magaling na nanay ko na tinawag ako. Hindi ako umimik pero nakatingin ako sa kanya. "Hindi ka ba magsasalita?" mahinang sabi niya at iniwasan ko na lang ng tingin. Nandito kami ngayon sa isang mamahaling restaurant kung saan makikilala ang mapapangasawa ko. Yes, mapapangasawa. Hindi ako makapaniwala na magkakaroon ako ng asawa! Hindi pa ako fully healed pero may asawa na agad ako. Naiinis na natatawa na lang ako sa binigay na buhay sa akin ng mga magulang ko. "Okay ka lang?" nilingon ko si Kuya at nagpilit na ngumiti. Until now, he's here. Ayaw niya pa daw akong iwan sabi niya kaya hindi na ako nagreklamo doon. "Can I back out?" nanginginig na sabi ko. "Kahit gusto kitang itakas dito nakapirma ka na." Mahinang sabi ni Kuya sa akin. Sunod sunod ang paglu

