"Ang aga mo nagising?" agad na sabi ko dahil bumungad sa harap ko si Roi na kakatapos maligo. "Pupunta ako sa company, may meeting. Gusto mo ba sumama sa akin?" tanong niya habang nakangiti. "P-Pero hindi pa ako nakakaligo." Mahinang sagot ko sa kanya. "I'll just wait, take your time." Pagkasabi niya agad ko na kinuha ang towel ko. "Be careful, baka madulas ka." Roi reminded. Patago akong napangiti sa sinabi niya. Sobrang malalahanin talaga niya. Kaya naman naligo na ako ng panandalian dahil nakakahiya naman kung tagalan ko pa tapos siya naghihintay. Paglabas ko ng banyo ay nakita ko na may nakahanda na isusuot ko. Isang puting dress na hanggang legs ko. I saw this dress in my closet, siguro doon niya ito nakuha. Lagi na lang ako napapangiti ni Roi, nakakainis. "I'll wait you outsi

