Tila wala silang nagawa at walang nangyaring mapusok na halikan nang bumalik sina Prince at Miguel sa pwesto ng kaniyang Lolo at Lola. Pareho silang tahimik at pormal. After they kissed, no one dared speak a word. Tila sa pananahimik nilang dalawa ay nagkaiintindihan na sila sa kanilang nararamdaman para sa isa’t isa. “Oh, you guys done talking?” ang kaagad na tanong ng lolo ni Prince nang makabalik sila. Tumikhim si Prince at naupo sa gitna ng lola niya at ni LJ. Sa kabilang tabi naman ni LJ ay si Miguel na kaagad ngumiti sa Lolo niyang noo’y nasa kabilang tabi ng lola niya at walang mahahalatang bahid ng malisya rito. Prince tried to copy Miguel’s non-malice look at umaktong tila hindi galing sa isang mainit na tagpo. “Yeah.” Prince shrugged. “Hmm…” His Lolo eyed him then Miguel bago

