“Bro, we had a blast last night at the bar. Umuwi na rin si Dave galing bakasiyon nila sa London.” Prince was having a video call with his friends gabi pagkatapos nang eksena nila kanina ni Miguel sa four-wheeled jeep nito. Pakiramdam ni Prince ay para pa rin siyang nasa isang panaginip. He wouldn’t trade that moment for anything. “Ay, wala, pre. Natuluyan na yata ang barkada nating ‘to,” rinig niyang sambit ng isa sa mga barkada niya. “Hoy, Prince. Ano na nangyayari sa’yo riyan sa hacienda niyo at tulala ka na riyan. Masyado na bang malala pinagagawa sa’yo ng lolo mo, pre?” Tumawa pa ang mga ito kaya nawala na si Prince sa napakaganda niyang pagmumuni. Inis niyang binalingan ng tingin ang mga barkada niyang nagtatawanan. Kung noon ay naiinggit siya sa mga parinig ng mga ito sa pagba-b

