Unang kita pa lamang ni Miguel kay Prince, sigurado na siyang ayaw niya rito. Si Prince ang isa sa klase ng mga tao na ayaw ni Miguel sa lahat. Kagaya ng pangalan ang pag-uugali nito. Presko na akala mo ay alam nito ang lahat. Unang tingin pa lamang ni Miguel dito ay halata na niyang hindi nito alam o naranasan ang hirap ng buhay. Iyong uri na dumedepende sa prebehiliyo na mayroon ito. Ngunit dahil apo ito ng isa sa mga ginagalang niyang tao, kailangan niyang pakitunguhan ito ng mabuti. “Miguel po pala. Kinagagalak po kitang makilala,” ang pormal niyang pakilala rito. Nang lumapat ang kamay nila sa isa’t isa, ramdam kaagad ni Miguel ang lambot ng palad nito. Nang umangat naman ang tingin niya ay sinalubong siya ng nanunuya nitong tingin, may kakaibang paghahamon. Tumakbo sa isip ni Migue

